Simula ;

6 1 0
                                        

Sabi nila "Good things come to those who wait."

I don't believe it! Even my cousin Jazaer don't. Kasi kung wala kang gagawin, walang mangyayari. Walang magbabago, not until ...

"It's been 6 years. Si Maru pa rin ba ang crush mo?" Out of nowhere ay bigla na lang yung natanong ni Solarie sakin.

We're having a cousin's dinner at Mang inasal. Dito namin naisipang kumain after school. Malapit lang kasi ito sa FSUU kung saan kami nag aaral ng mga pinsan ko.

Biglang natahimik ang maingay na long table. Lahat sila ay nakatingin na sa akin. Alam ko na hinihintay nila ang magiging sagot ko. Nasa grade school pa lang kami ay alam na nilang lahat na crush ko ang pinsan ni Nygel na si Maru. Grade 4 ng una ko siyang naging crush, until now na graduating na kami sa high school.

"C'mon Sol, it's been 6 years. People change." Ani Mika.

"I remember, lagi mo pang nilalagyan ng corrected by yung test questioner ni Maru." Ngisi ni Ayumie sakin.

"Stop this nonsense topic guys." Awat ni Prime.

"It's also rude talking about people who aren't here." Ani Ashee.

Napatingin naman ako sa ibang pinsan ko na tahimik lang. Alam ko na interesado rin silang malaman ang totoo.

"I can't blame you naman Kate. Gwapo kaya si Maru." Ngiti ni Solarie sakin.

"Mawawala lang siguro to kapag nasa college na tayo." Ngiti ko sa kanilang lahat.

"That's enough!" Mariin ng ani Jazaer.

"So, Siya pa rin talaga?" Smirk ni Kai.

Natawa na lang ako habang nakatingin kay Kai. Ang sama ng hitsura niya. Alam ko naman kung bakit. Nakita niya kasi kung paano ko iniyakan si Maru. But, that's the part of growing up. That's part of teenage journey.

"If your done, let's go." Sabay tayo ni Tyler.

Tumayo na rin si Kyzer at Alaric kaya napatayo na rin kami. Gusto ko na ring umuwi. Kanina pa panay vibrate ang phone ko. Hindi ko mabuksan dahil katabi ko si Ashee at Prime.

"Kay Jaze ka na sumabay Kate." Ani Alaric.

"Bakit?" Taas kilay ko sa kanya.

"Ayokong kulitin ka pa ni Ayumie. Sakin rin sasabay ang magkapatid na Kyzer at Kai."

Napatango naman ako. "Naiintindihan ko Ric." Bahagya kung ngiti sa kanya.

"Kate, let's go." Sabay tawag ni Jaze sakin.

"Ingat kayo sa daan." Sabay talikod ko na sa kanya.

Pinagbuksan ako ni Jaze sa front seat. Nang nakapasok ako ay nagtama agad ang tingin namin ni Ashee sa rearview mirror.

"Bakit ka nandito?" Sabay lingon ko sa kanya.

"Masikip na sila sa sasakyan ni Tyler." Smirk niya.

"Tss .. Ang sabihin mo may lakad kayong dalawa." Sabay ayos ko na ng upo.

"Seat belt Kate." Ani Jaze ng nakapasok na siya sa driver side.

Sa ngayon ay tatlo pa lang sa mga pinsan ko ang may sasakyan. Tyler, Alaric at Jazaer. Pagkatapos ng school year na ito ay may sasakyan na rin si Kyzer. Nasa college na kasi sila at mga lalaki pa kaya binigyan na sila ng sarili nilang sasakyan.

Walang sariling sasakyan si Ashee at Prime dahil hindi pa sila pweding pagkatiwalaan. Kapag nasa daan ay pareho silang maangas at mayabang. Kawawa naman ang mababangga nila.

"Sa surigao mag aaral si Maru." Basag ni Jazaer sa katahimikan namin.

Napatingin naman ako sa labas. Alam ko yon. Narinig ko sa mga school mate namin. Uuwi siya sa kanila at doon magco'college. Wala naman akong magagawa.

"Forget him kate." Ani Ashee.

Tumahimik na lang ako. Hindi ko alam kung may alam ba sila sa nangyari noong grade school pa lang kami. Sana lang ay hindi sinabi sa kanila ni Kai ang nakita niya.

Habang nasa daan kami ay nakikinig lang ako sa pinag uusapan nilang dalawa. Naging interesado ako sa topic nila dahil tungkol ito sa mga babae. Gwapo ang mga pinsan ko but sad to say lahat sila ay lapitin ng babae.

Pagdating namin sa bahay ay agad na akong bumaba. Alam ko na nagmamadali na sila dahil kanina pa tumutunog ang phone ni Ashee.

"Wag kayong umuwing lasing." Paalala ko sa kanila.

"Don't worry Kate. We can handle." Smirk ni Jaze.

"I will text you kapag need namin ng sundo." Ngisi ni Ashee sakin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay talikod ko na. Simula ng mag college sila ay panay na ang punta nila sa bar. I wonder kung alam ba yun ng mga Tito ko.

Nang makapasok ako sa room ko ay tsaka ko pa lang binuksan ang phone ko. May 9 messages agad na sumalubong sakin.

Sam ;

What's your plan after graduation?

Nica ;

Nakita ko si Maru kanina. Kasama niya si bestfriend.

Jamna ;

Sila na ba ni Sheryl?

Travis ;

Nasa CS kami ngayon. Wan't to come?

Cam ;

Kasama mo ba si Jaze? Wala pa kasi siya dito.

Sa kanilang lima ay wala akong nireplyan. Tinamad ako dahil sa mga nabasa ko. Matagal ko ng alam na may something si Maru at sheryl. Hindi ako naniniwala na mag bestfriend lang sila. Nasa grade school pa lang kami ay sobrang sweet na nila sa isa't-isa, to the point na iniyakan ko ang mga nakita ko. Inaamin ko na nasaktan ako kahit na walang kami.

Mika ;

Sumama ka ba sa kanila? Nasa CS daw sila ngayon.

Solarie ;

Are you with kuya Prime? Tell him to go home early.

Ayumie ;

Safe ka bang nakauwi Kate?

Jazaer ;

We're here. Wag mo ng replyan si Cam.

Napahiga na lang ako sa kama ko. Hindi ko rin nireplyan ang mga pinsan ko para patas lahat. May ibang text din kasi sila na kanina pa. Matagal ko lang nabasa.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Maru. Worth it pa ba ang paghihintay ko. Ako na yata ang pinakatanga sa lahat. Sino ba naman kasing babae ang maghihintay ng 6 years? Yung ibang teenager nga ay maraming crush. Makakita lang ng gwapo ay crush na agad nila.

Dinampot ko ulit ang phone ko. Tinext ko si Ashee.

Ako ;

Go home early playboy!

Ilang sandali rin ang hinintay ko bago siya nag reply.

Ashee ;

Noted my beautiful cousin. Good night.

Pagkatapos kung mabasa ang reply niya ay tumayo na ako. Kailangan ko ng maligo dahil inaantok na rin ako.

Paglabas ko pa lang ng banyo ay una ko agad na dinampot ang phone ko habang pinupunasan ko ang basa kung buhok.

Prime ;

Stop texting Ashee. Hindi makapag fucos ang gago.

Natawa naman ako. Isang beses ko lang tinext si Ashee. Tiyak mga babae niya ang katext niya. Ako na naman siguro ang ginamit ng gagong yon.

Ako ;

Fine! Just go home early.

Pagkatapos ko yung maisend ay humiga na ako. Maaga pa ang pasok ko bukas. Kailangan ko ng matulog dahil baka magpasundo pa ang mga yon. Tulog na si daddy ayoko na siyang abalahin pa.

Borrowed Time Where stories live. Discover now