"Maganda siya." Nakangiting umupo ako sa tabi ni Matt. He looked at me with his smiling eyes.

"Uh-huh." Inabot niya sa akin ang hawak na milk tea. Inabot ko naman iyon habang nakatingin kaming parehas sa may court kung saan kasalukuyang nagpapractice ang cheering squad ng St. Ignatius University.

We were both looking at Brittany. The queen bee of our batch. She's the greatest catch amongst the beautiful ladies of SIU. Maganda at galing sa prominenteng pamilya. Mabait pa at matalino.Hindi nakapagtataka na magustuhan siya ng star player ng SIU Green Hawks na si Matteo San Gabriel. Bagay na bagay ang dalawa.

At ako? Well, ako ang cute na bestfriend ni Matt. Childhood friends kami. Ninang ko ang mommy niya at ninong niya ang Daddy ko. Close rin ang pamilya namin kaya naman halos hindi kami mapaghiwalay.

Inangat ko ang frame ng suot kong salamin at pinunasan ang mga mata.

"Liligawan mo ba?" Tanong ko. Natatawang nilingon niya ako.

"What are you saying Maxine?" Ngumisi ako nang ibaling niyang muli ang mga mata sa nagpapractice sa baba.

"What? Don't tell me you're chickening out San Gabriel? Gagraduate na tayo pero di ka pa rin nagkakagirlfriend. And I doubt you're gay, so what's wrong with you?"

"It doesn't mean I don't like anyone right now. I just don't think it's time." He dodged. Natawa ako.

"Di ka marunong manligaw! Turuan kita. Tapos pag nagkagirlfriend ka na sa wakas ibibigay mo sa akin yung hinihingi kong nike na jacket sayo? Deal?" Siniko ko siya.Hindi makapaniwalang nilingon niya ako. Napailing siya at huminga ng malalim.

"Fine. 3 months. Pag di ka naging successful ako naman ang may hihingin sayo." Nakangising hamon niya.

"Hah! Deal. So sinong liligawan mo? Si Brittany?" Balewalang nagkibit balikat siya.






"Anong balak mo after graduation?" Tinignan ko si Daddy na nakaupo sa tapat ko habang kumakain kami ng dinner.

"Pahinga sana muna ng taon na ito Dad. Tapos papasok ako sa company as one of your agents." Nagpatuloy ako sa pagkain. Nakangiting tumango si Daddy.

"Pwede mo naman akong palitan agad anak, why start from the bottom? Afterall, the company's yours in time." I rolled my eyes that made him laugh.

"Gusto kong malaman kung paano ang trabaho ng lahat ng empleyado mo Dad. Only then I could be a great leader one day. And Mom won't like it if I don't start from scratch." Ngiwi ko.

Well, I grew up with Dad kaya mas matamis ako sa kanya. My mom's one hell of a pain in the ass. Annulled na ang mga magulang ko mula pa nung 12 years ako. Mom went abroad to follow where her heart really is, in expense of our family. And I don't blame her. Minsan gusto lang talaga nating makuha ang mga bagay na hindi natin makuha kuha.

But I never appreciated her presence at all. Darating lang iyon para manermon at tignan kung nagpe-fail na ba ako.

"Your mom doesn't have any right to tell you what you need to do sweetheart. You can always do what makes you happy. I'll always support you. You know that right?" I smiled at my old man before reaching for his hand on the table. My Dad's always bee the sweetest and the most supportive person in my life next to Matt.

"Thank you Dad." Pinagpatuloy namin ang pagkain habang nagkukwentuhan tungkol sa araw namin. Nasanay na ako sa ganito dahil ganito akong pinalaki ng Daddy.

Naisip ko nga tulad ng relasyon namin ang gusto kong maging relasyon ko sa mga magiging anak ko. I would hate it if I would be my mother's replica in the future. I don't want my kids to feel so left out just because they have a selfish mother. So, I will try my very best to be like my father.

CraveWhere stories live. Discover now