++++++++++++++++++++++++++++


I think maganda naman yung kinalabasan nung interview sa akin, mukang mataas naman ang makukuha kong grade from Ms. De Oro. I'm on my way na papunta sa sakayan ng bus, pauwi na rin ako since tapos na ang klase ko.


"Hop in Regina, dito man lang mabawasan yung guilty feeling ko, na isa ako sa dahilan ng break-up nyo ni Gio."


Hindi na rin siguro, baka lalo lang lumala ang sitwasyon. "Hindi na Hale, maaga pa naman. Salamat na lang." at nagsimula na akong lumakad para maka-sakay na ako ng bus.


Kahit naman ganon si Gio, mahal ko pa rin yon, kahit ba break na kami. Ayoko naman na isipin nya na tama lang yung pagseselos nya, ayokong mangyari yon dahil wala naman yung katotohanan.


After almost an hour, nakarating na rin ako ng bahay nila Gio ng sya lang ang nasa isip ko. Ilang buwan pa lang kami pero break na agad kami. Naisip ko din, baka hindi talaga kami yung para sa isa't-isa. Para syang north pole, at ako naman south pole, nasa magkabilang dulo kami ng mundo, napakalayo namin sa isa't-isa. Tuwing magtatabi kami, lagi na lang kaming nag-aaway.


Nakakatawa lang talaga kung paano kami nagkakilala, kung paano nagsimula ang lahat.


*FLASHBACK*


Wala pang twenty minutes mula nung nakatakas ako sa hotel heto na agad yung mga alipores ng magulang ko, badtrip! Kailangan kong humingi ng tulong, ayokong bumalik sa amin!


"Teka, ang pogi naman nung lalake na yon. Sa kanya na lang ako hihingi ng tulong, siguro naman tutulungan nya ako."


Tinakbo ko yung pagitan naming dalawa, nagulat naman sya nung bigla ko syang hinawakan.


"Ui cutie pie, tulungan mo naman ako oh" shit naman oh, parang nagkamali yata ako. "Sige na naman oh! Please!"


Para naman syang nagdadalawang-isip. Anak ng tipaklong naman oh, ayoko sa disyerto!


"Sino ka ba, saka ano bang problema mo?" wow, ganda ng boses.


"Say yes first then I'll tell you my problem and what's happening." Aba mahirap na, baka mamaya hindi sya pumayag, kaligayahan ko ang nakataya dito.


Sumagot naman sya ng 'ok, yes daw!' and so "oh, boyfriend na kita ha, wala ng bawian!" makapal na muka kong sabi.


"What? Is this some kind of a joke? Nasa WOW MALI ba ako?" tanong nya sa akin. Sinabi ko sa kanya na totoo 'to, na hindi ako nagbibiro? "Whatever, so ano na? What's happening and what the matter is?" tanong na naman nya.

Last Chance From Heaven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon