Chapter 1-3

1.7K 23 2
                                    

a/n: Binura ko po lahat ng previous chapters, so yeah back to zero. Heto po ang first three chapters ng story ni Gio at Gina.



CHAPTER ONE

(Gio POV)

Anong klaseng magulang ba meron itong si Gina, why they allowed her to stay sa bahay namin? And pati naman ang parents ko mukang mga nabuwang na din at pumayag sila na dito tumira si Gina. The heaven must be crazy now, malamang dala ng climate change.

"Gio bilisan mo naman diyan, male-late na si Gina sa first class nya, first day pa naman n'ya sa school."

Anong ba ang pinakain ni Gina sa Mommy ko at gustong-gusto siya? Kita niyo, ginawa pa akong driver para lang sa may saltik na babae na 'yon.

"Andyan na po Ma! Kung nagmamadali naman siya pwede naman siya mag-commute na lang. Hindi naman siguro siya tanga para maligaw."

"Gregory lumabas ka na d'yan ng maka-alis na kayo, ang dami mo na naman sinasabi." And so ako na naman ang masama. "Bilisan mo na!"

Makita ko lang si Gina nasisira na araw ko, feeling nya yata ang ganda-ganda nya. "Tita I'm so excited today, sana magkaron ako ng maraming kaibigan." I'm so excited for today...letse, nakaka-sora talaga siya!

"Tumayo ka na, mamaya ka na makipag-kwentuhan sa Mommy ko, excited ka na diba, ano pang inuupo-upo mo?"

Tumayo naman agad siya at humalik sa pisngi ni Mommy, pero ako dire-diretso na sa sasakyan para maka-alis na kami. Hindi nagtagal ay kasunod ko na rin si Gina na akala mo high school student pa lang dahil sa backpack na gamit. Baka naman nagdala sya ng sarili n'yang locker!

"Anong tinitingnan mo?"

"Saan ka magca-camping? Dala mo ba 'yung tent mo?"

"Huh?" ang slow!!!

"Sa eskwelahan ang punta mo diba, bakit dala-dala mo 'yang luggage mo? Nakakahiya ka naman kasama, tingnan mo nga iyang bag mo ang laki-laki, ang baduy-baduy!"

"Alam mo kasi Gio hindi naman masama na manood ng TV o kaya magbasa ng mga fashion magazine ang mga lalake na katulad mo, kita mo ang epekto sa 'yo ang outdated ng fashion na alam mo."

"I don't give a damn with that fashion you're talking about, I know who I am and I know what I want."

"Ok, sabi mo eh! Pero ang outdated mo talaga! Look at yourself, ilang taon na bang ganyan ang porma na alam mo? Baka mamaya madamay pa ako sa pagiging fashion victim mo sa school!"

Mas mabuti pa na hindi na lang ako sumagot sa mga hirit niya at baka masipa ko lang siya palabas ng kotse ko. Tingnan ko na lang mamaya kung masasabi pa rin niya na fashion victim ako.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

(Regina POV)

Place: Mother Theresa International University

'Hi Gio!!!', 'Hello Gio!!!' puro ganyan lang ang naririnig ko mula pa kanina nung gumulong yung gulong ng kotse ng hambog na lalake na 'to sa university. Ganito ba talaga kalakas ang dating ng mayabang na si Gio dito sa school, wala sigurong eye clinic sa loob ng school na 'to!

"So sikat ka pala!" bigla kong sabi sa kanya habang naglalakad kami sa hallway ng building namin.

He didn't even bother to look at me when he say "Sort of." at bigla-bigla na lang syang lumiko at pumasok sa isang classroom na biglang natahimik ng makita sya.

Last Chance From Heaven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon