27

9.8K 195 2
                                    

C A M I L L E

Nagising ako dahil feeling ko ay may nakatingin sa akin at tama nga ako, si Alexander. Tiim kong tinignan ang mukha niya, naguguluhan talaga ako sa panaginip ko na parang totoo, ginahasa niya daw ako.

"What? Something wrong?" nagtatakang tanong niya sa akin

Totoo ba iyon? Hindi naman siya gano'n ka-demonyo siguro para gahasain ako diba? May pinagsamahan rin kami.

"Yes Camille Nathalia." nagtataka naman akong napatingin sa kanya, inside me, may feeling na kinakabahan ako or something but there is a satisfaction and happiness at alam ko, hindi ito ng nararamdaman ko. Weird.

"I raped you." nagsimulang magkarera ang mga luha mula sa mga mata ko kasabay ng pagbalik sa akin ng alaala ng nangyari noong nakaraang gabi, gabing kahit kailan ay hindi ko inakalang mangyayari sa buong buhay ko.

"H...hayop ka." nanginginig na bulong ko sa kanya

"I'm sorry. But that is the only way I can have you, that is to mate hook or by crook." sincere na sabi nito

"Hinding hindi kita mapapatawad." nanginginig pa rin na sabi ko dito, naramdaman ko ang lungkot nito, pero ako hindi lang lungkot ang nadarama ko.

"Camille. Time will pass at alam kong mapapatawad mo rin ako at kahit naman umalis ka ay konektado ka pa rin sa akin, we already mated at hindi mo na maaalis iyon. I'm sorry Camille but I love you." malungkot na sabi niya saka lumabas ng kwarto ko

Pumunta ako ng banyo. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at pinusod ang aking buhok. Nagbabadyang muling tumulo ang luha ko pero pinigilan ko ito, I had enough. Masyado na akong umiiyak, marami na akong naranasang malala at as of now ay ito na ang pinakamalala pero I will survive, marami pa akong madadaanang problema. Hindi ko iiis-stock ang sarili ko sa agony and regrets at gagawa na lang ako ng mga bagay na ikasisiya ko kaysa iburo ko ang sarili ko sa problema at nakaraan pero mahirap ang makalimot, It's easy to forgive but hard to forget.

Pinagmasdan ko ang sarili ko at may napansin ako sa likod ko, sa bandang balikat. May marka, isang paru-parong may pangil, para siyang henna pero hindi siya natatanggal. Bakit may ganito ako? Baka isa sa perks of being mated. Naligo na lang ako at lumabas na ng matapos ako.

Nang makapagbihis ako ay nagsulat ako ng note at dinikit sa pinto ng kwarto ni Alexander, ayaw ko muna siyang makausap dahil kahit saan mang parte ng damdamin ko ay nasusuklam ako sa kanya. Aalis muna ako, makapag-unwind ba, kailangan ko munang makahinga mula sa nakasasakal na bahay na ito dahil baka kung hindi pa ako umalis ay mamatay na lang ako.

Dumeretso ako sa parke, puno ito ng mga pamilyang nakangiti, batang masayang naglalaro, mga magkarelasyon na puno ng kagalakan at mga taong may kakatagpuin. Ang saya naman nila. Bakit sila ang saya nila at ako hindi? Napakabait ba nila kumpara sa akin para maranasan ko ang lahat ng problemang ito? But life must go on, hindi ko pwedeng pangatawanan ang pagiging bitter, baka mapagkamalan akong walking ampalaya, hahaha! Nagawa ko pang magbiro sa kabila ng mga problema ko.

Umupo ako sa isang bakanteng bench sa isang malilim na parte ng parke, perfect senti place. Pinagmasdan ko ang nasa paligid ko, ang sasaya nila, sobra. Gusto kong tawagan sila Yuan or Patty or Avy pero wala akong cellphone at hindi ko kabisado ang mga number nila.

Nagulat ako ng may kumalabit sa akin mula sa likod ko, paglingon ko ay nakita ko ay isang batang may kamukha. Napapikit pikit ako dahil marahil ay namamalik-mata lang ako, pagkadilat ay nakita ko ang bata na tumatakbo papuntang masukal na bahagi ng gubat ng parke.

"Bata!" sigaw ko, lumingon siya sa akin at nag-gesture na sumunod kaya sumunod ako sa kanya.

Sa pagsunod ko sa kanya ay bigla siyang nawala sa paningin ko. Saan napunta iyon? Nilibot ko ang tingin ko sa buong gubat at nanlaki ang mata ko sa nahagip ko, si...si...repa...Jake! Nakangiti siya sa akin at nag-gesture na sumunod sa kanya. Naluluha akong sumunod sa kanya, after how many years nagbalik na ang bestfriend ko. Nakarating ako sa pusod ng gubat at nakita ko doon ang bata kaninang nakangiti sa akin, unti-unti ring nagbago ito at lumabas si Jake. Hindi ako nag-alinlangan at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"Jake! Repa! I'm sorry!" umiiyak na sabi ko sa kanya

"Ano ka ba repa? Okay lang yun. Sorry rin dahil sa masakit na sinabi ko sa iyo noon." naluluha ring sabi niya

"Hindi na tayo BFO? Super bestfriend parin forever?" tanong ko sa kanya

"Childish ka pa rin pala repa." sabi ni repa at piningot ang ilong ko

"Anak ng! Bata pa naman ako ah! Bakit ikaw? Parang di ka tumanda?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"I'm a vampire and my special ability is to change my age. 27 na ako ngayon pero kahit naman bumalik ako sa normal ay oozing handsome pa rin ako eh." nagbago ang itsura niya saka nag-posed ng macho, umarte naman ako ng parang nasusuka

"Gurang." pang-aasar ko sa kanya

"Manahimik ka! Nagsalita ang bata." sarcastic na sabi niya

"Shut up. I'm just a teenager." giit ko sa kanya

"Pero ikakasal ka na the day after tomorrow di ba?" nagbago ang itsura ko sa sinabi niya. Pinaalala pa, naalala ko nanaman tuloy.

"How did you know?" napipilitan ang ngiti kong tanong sa kanya

"I'm Jake Yu, the hidden Takashima. Kapatid ko si Alexander, Saki at Yuki." maikling paliwanag niya

"Gano'n ba?" ngumiti ulit ako ng pilit

"Nalaman ko ang ginawa sa iyo ni Alexander. Sana ay mapatawad mo siya." kahit gustong gusto ko siyang upakan because of what he said ay pinili ko na lang na bumuntong hininga at sumagot ng

"Sure."

Kung ano ano lang ang pinagkwentuhan namin at nang sumapit na ang alas-syete ay nagpaalam na ako para umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Alexander na nakaupo sa sopa at matiim na nakatingin sa akin habang humihigop ng kape.

"Where have you been?" tanong niya sa akin, ang sarap barahin ng 'all my la-a-a-ayf!'

"Park and Restaurant." malamig na sabi ko sa kanya. Anong ine-expect niyo? Maging warm ako sa kanya after being his punching bag at ma-rape niya? No way.

"Sino ang kasama mo?"

"I'm with Jake." tumango tango lang siya saka tumayo at tumalikod papuntang library. Wow. For the first time, I didn't became a punching bag again.

This day is a really crazy day. I didn't expect that I can be with my repa again after all what i've done to him. I can't accept that Alexander just raped me, I'll never forgive him, I'll just forgive myself after hating it because of being helpless that night. Two days from now, two days from now I'll be a fully grown up and at the same time a married woman. My life really sucks!

***

A/N: Craziness >-< Happy 12.5k guys! Jake is in the room! Update na dahil happy ako dahil nag-hi sa akin ang long time crush ko na two years na ay hindi pa rin ako kino-confirm sa facebook.

My Demon Groom /Completed/Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum