X

2K 22 3
                                    

X
Ang Pagmulat II

Hindi pa rin maalis sa isipan ko kung ano yung nakita ko kanina.

wala namang kuryente dito kahit na gusto kong mag basa ng libro. Patulog na rin kami kaso di talaga ako makatulog, Si oprah kanina pa natutulog.

Siguro kailangan kong mag dasal. Lumuhod ako malapit sa kama at sinumalan ang ama namin. Pagkatapos noon ay pinatay ko na yung gray na kandila sa tabi namin.

"n-nagdadasal ka pala?"

Nagulat ako sa nag salita, parang diretso sa isip ko. Si Nana elsa ba yun?

"N-nana?" dahil sa kadiliman hindi ako makakita. Kinapa ko yung lighter na pinang sindi ko kanina kaso nalaglag pa ata.

Kaya ako tong si tanga kanina pa nangangapa.

"Bakit ka nag dadasal?" Napahinto ako sa tanong niya parang may kung anong sumagi sa isip ko.

"aaaahhh...p-para po sa sarili?" Saka ko nakuha at inilawan ang paligid gamit ang lighter kaso wala ata siya sa paligid.

"Bakit pinakikingan ka ba niya?" Mula siya sa likod ko

"aauuhhmm.." wala akong maisagot sa tanong niya

"ikaw? pinakikingan mo ba siya?" sumasakop ka ng ka inutilan ng ibang tao"

"Nana?..."

"hahaha biro lang apo" nakita ko na siya na nakatayo sa likod ko

"naniniwala ka ba sa milagro?"

"hi--"

"alam kong hindi dahil sa mundong ito, sarili niyo lang ang milgaro para sainyo"

Napahinto ako sa mga sagot at tanong niya.

"mamulat ka apo, sa katotohanan.."

"nana?" nabibigla ako sa mga sinasabi niya

"ito ang milagro apo" Hinawakan niya ang noo ko. Saka ko naramdaman ang isang malapot na tubig na bumabagsak sa ilong ko. Ramdam na ramdam ko

"mamulat ka apo!" Nakatitig lang ako sakanya

inalis niya ang kamay niya saka ko nakita ko ang isang sugat sa palad niya parang yung pinako

kaso tagus-tagusan dahil nakikita ko kung ano yung nasa likod ng kamay niya.

Saka niya ipinakita ang kabila niyang kamay.

"Ito? ito ang milagro apo" saka siya ngumiti sa'kin at nakita kong dumudugo ang noo niya

"Pakawalan mo ang mga taong dapat mong pakawalan"

Naiwan akong nakatayo tulala at naktitig sa hangin. Takot na takot ako sa nakita ko kanina. Pinaghihinaan ako ng tuhod. Ano ba yung nakita ko kanina?

Hinawakan ko ang noo ko nakapa ko pa rin yung dugo mula sa palad ni nana elsa.

"Apo.."

"NANA!" nagulat ako dahil nasa likod ko lang pala siya

"pakawalan mo" saka niya ibinigay yung bear ni Oprah

"..at mamulat ka sa mga bagay"

"n-nana.."

Ano ba to? ano bang nagyayari dito?

Ito ba talaga ang ipinunta ko sa biringan? ang mamulat?

Malik MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon