Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or de@d, or actual events is purely coincidental.
Avian's Point of View...
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang hindi pamilyar na lugar... Nakahiga ako sa ilalim ng puno at nagulat ako ng biglang umupo ng kusa ang katawan ko dahil hindi ko na naman ginagalaw ito, nakita ko ang isang lalaki na nakaupo katabi ko.. nagbabasa sya ng libro, nang makita nya na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti sya
'Gosh ang gwapo naman ng nilalang na ito' turan ko sa isip ko.. ang itsura nya ay parang katulad sa mga napapanood kong anime no erase that kasi para syang galing talaga doon, maamo ang mukha may pagkamatalim na mga tingin, ang pointy ng nose at ang pula ng labi ang sadyang kapansin pansin lang ay ang pula nyang mga mata at maputlang kulay ng balat nya
"Bakit hindi mo ako ginising!" Sobra ang gulat ko ng marinig ko ang sarili ko na nagsalita kasi the h*ck, hindi pa ako nagsasalita
"Ang sarap kasi ng tulog mo eh" sabi naman nya "Let's go, baka hinahanap na tayo" dugtong pa nya at tumayo na
"Hmph! Pasalamat ka mahal kita" nagulat nanaman ako dahil nagsalita nanaman ako ng kusa... Pero may kung ano sa akin na parang sinilaban ng galit. Nakita ko naman na ngumiti uli ang lalaki sabay kinuha ang mga kamay ko at hinalikan na mas lalong ikinagulat ko
'Wait! Ano bang nangyayari?' may halo nang takot ang nararamdaman ko ng hindi ko marinig ang tinig na gusto kong sabihin.. takot ang nararamdaman ko habang napapakiramdaman ko ang sarili ko na parang may sariling buhay.. para kong pinapanood ang sarili ko na ginagalaw ng iba
Nakita ko ang isang mansyon sa gitna ng gubat, hawak kamay kami ng lalaki habang papunta sa mansyon at may sumalubong sa amin na mga bata.. kita ko ang saya sa mga bata ng makita nila kami at ang mas lalong ikinagulo ng isip ko ay parang may kung ano sa akin na malapit sa mga bata, na para bang kilala ko sila
Pumasok na kami ng mansyon at dito ay mas marami pa ang mga bata... Natapos ang araw na may pagkalito pa rin sa nangyayari
NAGING mabilis ang mga sumunod na pangyayari na parang pumikit lang ako ay marami na ang nangyari at hanggang ngayon ay wala pa rin akong kontrol sa katawan ko..
Bigla na lang nagmulat ang mga mata ko ng gabing iyon hindi ko alam kung bakit pero natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad paalis sa higaan ko at lumabas ng kwarto ... wala nang tao sa pasilyo ng mansyon, marahil ay napagisipan ng sarili ko na lumabas sa mansyon para mag pahangin ng may marinig akong kaluskos sa gilid ng mansyon.. hindi ko alam kung bakit pero sa isip isip ko ay ayaw kong pumunta doon pero buong tapang na nag lakad ang katawan ko sa direksyon na iyon at gulat na napahawak ako sa bibig ko habang pabagsak na napaupo
Nakita ko ang lalaki na may ginig!litan ng leeg.. gulat akong tumingin sa kanya at nakita ang namamangha nyang mukha habang ginagawa nya ito sa musmos na batang pilit kumakawala sa kanya.. napatingin sya sa akin habang dinidil@an ang d*go na nasa kutsily*.... buong sigaw kong sinasabi sa sarili ko na tumakbo na syang ginawa naman nito, ramdam ko ang takot sa loob ko at luha na pumapatak sa mga mata ko.. buong bilis na binaybay ko ang gubat at wala nang pake kung ano man ang masagi ko pero gulat na nadapa ako ng makita kong nasa likuran ko lang pala ang lalaki at na parang walang wala lang sa kanya ang pag takbong ginagawa ko, nakaukit sa mga mukha nya ang malapad at nakakatakot na ngiti
Tinignan lang nya ako habang ako naman ay pilit na lumayo sa kanya, wala na ang nakakabighaning mukha nya, napalitan na ito ng isang mukha ng halim*w.. punong puno ng d*go ang mga kamay nya at may hawak hawak na kutsily* ang kanang kamay nya, meron ding onting bahid ng d*go sa pisngi nya at sobrang nangingibabaw ang mapula nyang mga mata
Ang bawat hakbang nya ay syang pag atras ko, umiiling iling akong tumitig sa kanya at sa mga puntong ito ay parang gusto ko nang mahimatay
"Saan ka pupunta?" Malungkot ang boses nyang tanong sa akin pero hindi pa rin nagbabago ang nakakatakot nyang ngiti.. wala na akong magawa kung hindi ang umiiyak na lang sa takot
"Diba nangako ka na hindi mo ako iiwan?" Tanong nya at napailing ako
Inilapit nya ang dug*an nyang kamay sa mukha ko na agad kong iniwasan pero buong lakas nyang hinawakan ang baba ko at pilit na iniharap ang mukha ko sa mukha nya
"P-p-parang a-awa mo na Yohan, a-yoko..." Nanginginig na rinig kong pakiusap ng sarili ko sa lalaki
"Edi bakit ka tumakbo?" Parang b*liw na tumutulo ang luha nya sa mata habang nakangiti
"N-nata-takot ako Yohan" nauutal na usal ko
"Bakit? Bakit ka natatakot!? Diba mahal mo ako!? BAKIT!? BAKIT!? BAKIT!!!" napapikit ako at mahinang umiiyak ng itulak nya ako pahiga at paulit ulit na sinasaks@k ang damuhan sa gilid ng mukha ko habang paulit ulit nyang sinasabi ang 'bakit' habang umiiyak
Parang kinuha lahat ng dugo ko nang makita ko syang itinukod ang ulo nya sa dibdib ko.. ang kamay nyang may hawak na kutsily* ay nakabaon sa lupa na nasa gilid ng ulo ko
Nagulat ako ng bigla nyang iangat ang ulo nya at parang switch ay nag bago bigla ang expression ng mukha nya.. mula sa umiiyak ngayon ay bumalik nanaman ang nakakatakot na ngiti nya
"Sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakbo pa sa akin..." Nakangiting usal nya habang dahan dahan nyang hinahawakan ang mukha ko "Pag ba pat@y ka na.. makakatakbo ka pa?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at buong lakas ko syang pinaalis sa pagkakadagan nya sa katawan ko.. nakita ko ang pangil nya sa ngipin nya
"Yohan.. please... Wag!" Umiiyak na pakiusap ko habang pilit pa din syang pinapaalis sa katawan ko.. nakaramdam ako nang hapdi ng bigla nyang kagatin ang balikat ko.. naluluha akong napapikit ng maramdaman ang tagos butong sakit dahil sa ginagawa nya... Nararamdaman ko ang unti unting pagkawala ng hangin sa katawan ko dahil para maslalo pang pag-igihan ang pagpapaalis ko sa kanya pero siguro dahil sa hinang hina na ako ay unti unti ko na lang tinanggap ang nalalapit kong pagkam@tay... Hindi nag tagal ay nawawala na ang natitira kong hininga sa katawan ko at tuluyan na akong nilamon ng dilim...
I'M GASPING for air ng mapabalikwas ako sa pag kakatulog ko... 'It's a dream.. my gosh..'
Punong puno ng pawis at luha ang mukha ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin na nasa paanan ng higaan ko.. nakita ko si mama na pumasok sa kwarto ko para tanongin ako kung may problema pero sinagot ko na lang sya na binangungot lang ako... Nang makalabas na sya ng kwarto ay napayakap ako sa sarili ko dahil hindi pa rin mawala ang takot sa sistema ko... Hinawakan ko ang balikat ko at napainda dahil pawang hanggang ngayon ay nandoon pa din yung sakit na dinilot ng lalaki sa panaginip ko
Tinignan ko ang balikat ko sa salamin at may nakita doong dalawang marka... Para itong kagat ng pangil at naluluhang tinakpan ko ito ng kamay ko at mariing napapikit... naalala ko ang huling sinabi nya sa akin bago ako magising
"You'll never gonna get away from me... Remember that, my love"
-The End.
