“Ako na lang, Paul! Kung hindi mo na kaya, ako na lang ang tatakbo palapit sa’yo,”

“Mahal kita, oo. Pero mas matimbang ‘yong sakit na nararamdaman ko! Duwag na kung duwag pero hindi ko kayang manatili sa tabi mo nang nasasaktan ako. Nang nasasaktan kita. Ang dami nang taong nasagasaan dahil sa pagpipilit natin sa pagmamahalan na ‘to. Hindi natin alam, Aaliyah. Hindi natin alam kung hanggang saan tatagal ‘to. Kaya ngayon pa lang, habang tayo pa lang ang nasasaktan, itigil na natin ‘to.”

“Ayoko na, Aaliyah. Pakawalan mo na ako.”

 “Iyan ba talaga ang gusto mo, Paul? Tignan mo ako, Paul! Sabihin mo sa’kin na gusto mo na talagang pakawalan kita. Gagawin ko! Gagawin ko ‘yon, Paul. Kasi ‘yon ang gusto mo! Kahit mahirap… kahit sobrang sakit.”

“Kung suko ka na, suko na rin ako. Kung ayaw mo na, ayaw ko na rin. Kakalimutan na kita, Paul. Kahit alam kong napakahirap. Kahit na hindi ko alam kung sa paanong paraan kita magagawang kalimutan. Gagawin ko. Gagawin ko kasi ‘yon ang hiniling mo sa akin.”

Matapos ang matagal na panahon, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong sakit. I didn’t notice that my tears were already falling down my face.

Dito sa lugar na ito nag-simula ang lahat. There were many memories Aaliyah and I shared in this place. Pero sa lahat ng alaalang iyon, kung ano pa ang pinakamasakit ay iyon pa ang mismong hindi ko makalimutan.

“Wow!”

Halos mapatalon ako sa pagkagulat nang may marinig akong magsalita mula sa likod ko. Hindi agad ako nakalingon upang i-check kung sino iyon dahil natatakot akong mapatunayan na tama nga ang pagkaka-kilala ko sa boses niya.

“This place is perfect!” Nang marinig ko ang mga katagang ito ay na-kumpirma ko nang tama ang pakiramdam ko kung sino ang babaeng nasa likuran ko ngayon.

Paano siya nakapunta dito? Nasa gathering hall siya dapat.

“Uhm… excuse me?”

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. My body turned stiff and I couldn’t even move my head to face her. Well, I didn’t really want to.

What shall I do!?

“Sir? Are you from here? I mean… Are you also from Ashford?”

Lalo pa siyang lumapit sa akin at hindi ko halos mai-describe ang initial facial reaction niya nang tuluyan na niya akong makita. Nanlaki ang mga mata niya nang panandalian at saka niya iniling-iling ang ulo niya. Yes, she couldn’t believe that she’s seeing me standing beside her right now.

“Hi,” mahinang saad ko.

“Jus…tine?”

I nodded.

Her brows furrowed. “Why are you here?”

I turned my back and started walking away from the butterfly garden.

“Justine. Wait!”

“I’m not from this school, okay?”

“Kung gano’n, bakit ka nandito?” usisa niya.

“Dito nag-graduate ang mga best friends ko,” paliwanag ko at saka nagsimulang maglakad ulit.

Sumunod ulit siya sa akin. “Best friends? Sino’ng mga best friends mo?”

Hindi pa man ako nakakaisip ng isasagot ay biglaan nang bumuhos ang malakas na ulan. “Shit!” anas ko.

Agad akong lumapit kay Aaliyah at hinawakan ang wrist niya at saka siya hinila patakbo pabalik sa loob ng Ashford. Hindi ko siya idiniretso sa gathering hall at sa halip ay napadpad kami sa isa sa mga rooms sa building ng High School.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon