The Heart Does

10 0 0
                                    

Dave Villanueva, is the Campus Prince Charming. Gwapo, Matalino, Mayaman, Mabait hindi nga lang palakaibigan. He's cold. Kaya nga hanggang ngayon manghang-mangha pa rin ako na naging kaibigan ko to ee. He is everybodys apple of the eye. He is everybodys Dream boy. Pag dumaan sya, kung hindi magtitilian ay magbubulungan ang mga nasa paligid. At hindi ako exception sa grupo ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Hindi nga lang ako nakikisabay sa mga tilian at bulungan na yan, kasama ko syang sinasalubong ang mga yan galing sa mga fangirls nya. Hindi talaga ako exception sa kanila. Ako nga ata ang #1 na may gusto sa kanya at ako na ang pinakamaswerte.

"Ayan na si Dave", nagsisimula na ang bulungan. Not bulungan at all. Rinig ko ee. Lahat ng nasa corridor nagsilingunan sa direksyon namin, pagkatapos may ibubulong yan sa kasama. My bestfriend is a major head turner. Beat that !

"Nagbubulungan na naman ang mga fans mo. Bigyan mo na ng autograph yan", siko ko kay Dave. He's on his usual straight face, and I only heard a 'shhh'. He's like that. He don't mind those hollering and hovering around from girls wishing to be on my position. O sige na, ako na bragging. Pero minsan napapatanong din ako sa sarili ko kung anong nakikita nila kay Dave. He never smile to anyone.

Pagkatapos ng bulungan sa corridor ay awkward silence naman ang bungad sa amin pagpasok namin sa classroom. Animo may dumaang anghel at na-bless ang lahat. That's Dave for them. An Angel. Pero sa tingin ko mas babagay kung sasabihin kong may dumaang human aircon at na-freeze ang lahat. He's the cold Angel. I am really not saying he's bad. Just cold. He don't easily socialize. Napaka-loner type.

Naupo kami sa likurang row. Sa subject na ito uso ang alphabetical order sa seating arrangement. Yun ang swerte ko. Ang apelyido ko. Kasi dahil dun kaya kaibigan ko ang gwapong nilalang na ito. Way back our Highschool days, were seatmates. He is Dave Walter Villanueva and Im Claire Vargas.

"Settle down everyone. Let's start the examination right away", kakapasok pa lang ng Professor, at hindi man lang muna sya huminga at nag-Good Morning, ibinigay nya agad ang testpaper sa isa sa classmate ko para mai-distribute at makapagsimula. Mukhang may lakad ang professor na to ah, masyado syang nagmamadali.

This is a Math exam. Not to mention Trigonometry. Pero prente lang na nagsasagot si Dave sa tabi ko. Katulad lang din ng ginagawa ko. Isa sa advantage ng pagiging kaibigan ni Dave sa akin ay ang fact na nadadala nya ako sa pag-aaral tuwing may quizzes at exams. Pati assignments and projects ay kasama ko yan gumawa. At ano pang hahanapin ko ? He's a top Deans lister in the Engineering Department.

Math exams is always a moment of silence. Tutok ang lahat sa pagsasagot. After long minutes of answering, naramdaman kong nagdown ang reflexes ni Dave. Meaning tapos na syang magsagot.
"Tapos ka na ?", tanong ni Dave. Tinapos ko ang huling equation na sinasagutan ko bago sya nilingon.

"Yap. Tapos na", I said, turning my head away from the paper. Nireview ko lang sandali ang mga sagot ko bago kami sabay na tumayo at nagpasa ng booklet. Mukha man kaming kaduda-duda at magkatabi kami at sabay na nagpapapasa ng papel, but this teacher knew better, kahit hindi na ako, but Dave na hindi sya ang tipong nagpapakopya.

"Nasagutan mo ba lahat ?", tanong ni Dave nang makalabas kami ng classroom. Next stop, literature class. Too bad hindi kami classmate sa subject na yon.

"Oo naman. Ako pa. pinasaulo mo kaya lahat ng formula sa akin", sagot-pagmamayabang ko. That wasn't a complaint. That was actually a praise for him.

Bumaba kami ng building kung nasaan ang next class ko. Dave stayed for some moment at pinilit nya akong ireview konti ang exams for Lit. I was honestly thankful na ganito sya. He's the reason Im being someone better. 30 minutes before his class starts. Nagpaalam na syang aalis na at aakyat pa sya to 3rd floor for his class.

The Heart DoesWhere stories live. Discover now