Chapter Twenty One

Start from the beginning
                                    

After conscious effort of steering my thoughts away from that guy, I decided to take a nap on this bench, my head on the book I’ve borrowed. But before I could move to take my position, I heard my name being called out.

“Ate Chenee!” sa sobrang tinis ng boses niya, kilala ko na kung sino ang tumatawag sa’kin. Si Tina, isa sa mga bagong dormmates ko. Nagtatatakbo siyang lumabas ng dorm at lumapit sa pwesto ko. Hinihingal pa siya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang tuhod.

“Take your time,” sabi ko habang nag-iinat ng braso.

Kita-ngipin siyang ngumiti nang mahimasmasan at hinawakan ako sa kamay. “’yong sinabi ko po sa inyo kahapon. Manghihiram po sana ako ng NSTP shirt, kung nand’yan pa ‘yong sa’yo Ate.”

Kaagad akong tumango at kinuha ang libro sa tabi ko saka kami sabay na pumasok sa loob ng dormitory.

“Hindi ko po kasi napalaba last week. Sorry talaga sa distorbo, Ate.”

“Okay lang, hindi ko na rin ‘yon ginagamit unless I’ve got nothing else to wear.”

“Talaga Ate? Thank you po! Promise, ipapalaba ko po ‘yon bago ko isauli sa inyo.”

Ang ngiti niya, sobrang lapad. Naalala ko tuloy ang kapatid ko sa kanya. Kamusta na kaya ‘yon?

Nang pumasok na kami sa loob ng aking kuwarto ay dumiretso ako sa mga kahong nakaayos sa tabi ng kama ko. Simula kasi nang hindi na ako makapag time travel, nilipat ko lahat ng damit ko sa mga kahon habang ‘yong closet naman ay hinayaan ko lang na nakatiwangwang. I don’t want to use it anymore especially that it bring memories back.

Hinanap ko ang NSTP shirt ko mula sa kahon na may label na ‘SHIRTS’. Nang makita ko ito ay dahan-dahan ko itong kinuha saka inabot kay Tina. Kaagad naman niya akong niyakap ng matanggap ito.

“Thank you talaga Ate, ha? You save me! Ang sungit pa naman ng teacher namin kapag may hindi naka uniform.” sabi pa niya habang yakap-yakap ang NSTP shirt ko.

Ngumiti lang ako at hinintay nalang siyang umalis nang mabilis niyang lapitan ang closet. Bago ko pa siya mapigilan ay nabuksan na niya ito. There was nothing on it. Wala ‘yong nakasulat sa kaliwang dingding nito at pati ‘yong orasan sa sahig ay nawala ring parang bula.

Sh*t! I could clearly remember the closet’s appearance the day I shut it close! Nando’n pa ‘yong realization ko na umukit sa dingding nito at ang antigong orasan na may numerong zero. Pero bakit ngayon, wala na? Bakit nagbago na naman? O baka naman naging normal na closet nalang ito matapos kong gamitin lahat ng pagkakataon para mag time travel?

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko at ‘tila nawala ako sa aking sarili ng ilang sandli hanggang sa marinig ko si Tina.

“Ate, bakit hindi mo ginagamit ‘to? Ang cool pa naman tingnan. Antique!” She smiled brightly at me that I couldn’t bring myself to get annoyed with her.

I feigned a smile as I answered, “Hindi ko lang gustong gamitin. I’m not really comfortable with that.”

Kumunot ng kaunti ang noo niya at tiningnan niyang muli ang closet bago ibalik ang tingin sa’kin. I kept that smile plastered on my face ‘til she decided to get out of my room. I immediately locked the door as soon as she was out of sight.

Huminga ako ng malalim at nakapanglingo. Ang mga tulad niya ang dahilan kung bakit dapat sinasarado ko talaga ang pinto. I don’t want them messing around with my things even if they’re my friends.

Binalikan ko na ang closet para ito isarang muli pero nakakadalawang segundo palang ako papalit doon ay napatigil ako. My eyes wandered on all the writings made on the closet.

Kaagad akong napatakbo papunta dito. I traced with my finger the first few letters scribbled on the back of the closet’s door. Para siyang libro na ang pahina ay ang likod ng pinto nito. Both sides were full of writings that were so familiar to me.

This is a game no one has ever win.
But I’ll tell you a secret
For you to save everyone else.

Three endings I shall give you.
The first and the last drops a blood.
The second is no lesser painful than the two
Unless you realize the lesson I want to give you.

Hindi ako makapaniwala. “Note-book,” ‘yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko at dali-dali akong pumunta sa drawer ko. Kinuha ko mula dito ang isang gusot na papel. I flattened it with my hand and immediately matched the words on it with those on the closet. Ilang ulit ko pang binasa ang papel para siguraduhing pareho nga ito sa nakaukit and yes, there was no difference between the two.

So that’s why it couldn’t be found in the internet. Galing pala sa closet ang larong ito.

Nang maalala kong putol nga pala ang nakasulat sa papel ay napatingin akong muli sa pinto ng closet. This time my eyes were fixed on its right side.

The continuation was there.

The first is what it should be.
The second is already enough for you to see
the common denominator of the three endings.
But if you still can’t realize it
I shall say hi to another player.

And you?
Any of the two game over's consequences awaits you.
Hopefully it's the lesser evil... if there’s any.

Ilang beses ko itong binasa sa pagbabaka-sakaling may kaunti akong maintindihan sa nasabing laro kaso, wala talagang pumasok sa isip ko. But it was the last sentence I kept on re-reading.

Kinakabahan ako sa larong ito. Bakit may pa-evil evil pang nalalaman? Isn’t this a friendly game?

Nabaling naman ang atensyon ko nang mapansing nakaukit na muli ‘yong realization ko noon sa kaliwang dingding ng closet. Instinctively, I lowered my gaze and found the clock to be there again.

Napanganga ako sa nakita ko. Instead of a zero, it was a two on its middle. Napaupo ako at tinitigan ito ng maigi.

Hindi ako nagkakamali. I was given another chance to time travel. Not just once but twice! Pero bakit? Bakit pa ako binigyan ng pagkakataong bumalik sa nakaraan? Hindi ba’t ubos na ‘yon?

I kept pacing back and forth in front of my closet, contemplating on what shall I do with the chances given to me when my phone rang.

Sa sobrang gulat ko ay napatalon pa ako bago ito lapitan sa kama ko. I picked it up and unlocked it. Akala ko may tawag ako kaso nang makita ko ang nakasulat sa screen, naalala kong pareho lang pala ang incoming call ringtone ko sa reminder tone ko.

Meet Kester tomorrow. 6pm. In front of AFU.

Kinabahan ako bigla. Tiningnan ko ang date ngayon sa phone ko at napasapo ako sa noo ko nang mapagtantong ilang araw na rin akong hindi tumitingin sa kalendaryo.

Today’s December 4, 2015 and I shall meet Kester tomorrow.

Darating kaya siya?

DESTINEDWhere stories live. Discover now