"Wala ka sa lahat ng na-abot ng mga kapatid mo sa buhay!!"
Iyan ang pa-ulit-ulit na naririnig ko sa utak ko. Lahat ng masakit na salita na sinabi ni Mommy sa akin ang naaalala ko kapag mag-isa ako, hindi ko alam kung kailan magiging payapa ang utak ko. Ganoon ba siya ka-galit sa akin para lagi niya akong ikumpara sa mga na-a-abot ng mga kapatid ko?
"Bakit ba kailangan maiwan sa isip ko ito?' tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Alas-otso na ng umaga at dinig na dinig na sa buong bahay ang boses ni Mommy, pumasok na ako sa banyo upang maligo dahil mayroon pa akong pasok sa school. Bumaba din ako kaagad nang matapos maligo dahil kinakatok na ako ng kapatid ko.
"Bakit ngayon ka lang?? Hindi ba sabi ko sa'yo ay gumising ka ng maaga at mag-Jogging ka?" bungad ni Mommy sa akin nang maka-baba ako. "Mmy, hindi po ako nagising dahil alas-dos na po ako nakatulog dahil sa kakagawa ng mga schoolworks."
Tinignan niya ako ng masama sabay sabi ng, "Schoolworks o busy ka nanaman sa kaka-cellphone mo? Kaya napaka-baba ng mga grado mo, eh! Inuna mo pa iyang kaka-landi, hindi mo tularan ang Kuya Pao mo, puro uno ang grado. At ikaw ano? Puro 87, 89? Disappointment!"
Hindi na lang ako umimik dahil sanay naman na ako sa ganoon na ugali ni Mommy, sanay na ako na ikinukumpara sa Kuya Pao ko. Binilisan ko nalang kumain at umalis na ako kaagad para hindi na ako makita ni Mommy. Nang makarating ako sa school ay gumawa na ako kaagad ng mga hindi ko natapos na schoolworks dahil 1hr vacant naman kami.
"Saan ka mamaya? Maaga raw dismissal, eh." bungad ni Nomi sa akin. Si Nomi ay Bestfriend ko, mag-kaklase na kami simula kinder pa lamang kaya nadala namin ang Friendship hanggang Highschool at close rin ang parents namin kaya naging close na rin kami.
"Ewan ko. Baka uuwi nalang ako ng maaga para makapag-ayos sa bahay. Magagalit rin si Mommy kapag hindi niya ako na-abutan sa bahay," sagot ko sakaniya habang naka-tingin sa sinusulat. "Umay! A-ayain pa naman sana kita sa Bookstore,"
Tinawanan ko nalang siya at nag-sorry dahil hindi ako makaka-sama sakaniya. Matapos ang huling klase namin ay dumeretso ako agad sa bahay, pagdating doon ay nagpalit lang ako at bumaba kaagad para makapag-ayos. Mag-isa lang ako dahil nasa Trabaho pa ang Mommy ko, si Kuya Pao naman ay nasa school pa.
Nag-linis ako sa kusina, sala, at hanggang sa balcony. Nag-simula ako ng 5pm at natapos ng 8:30pm, pagka-tapos ko ay sakto naman na dumating si Kuya Pao. Umupo lang siya saglit sa sofa at tinanong ako, "Kanina ka pa ba? Kumain ka na?" tanong niya habang kinakalikot ang Laptop niya.
"Kanina pa ako rito, Kuya. Hindi pa nga, e. May dala ka ba na pagkain?" tanong ko naman sakaniya. Kinuha niya ang bag niya at kinuha ang wallet niya at dumukot ng 500pesos, sabay sabing, "Ayan, magpa-grab ka nalang, ako ang mapapagalitan kay Ate Selene kapag nalaman niya na hindi ka kumain."
Um-order na lang ako ng Pizza at Milktea, para maka-kain na kami. Dumating na si Mommy galing ng work niya at badmood siya ngayon, hindi siya nag-luto dahil hindi daw uuwi si Ate Selene. Pumasok siya kaagad sa kwarto niya at hindi na siya lumabas, matapos ko kumain ay natulog na rin ako, ayo'ko kasi na maabutan ako ni Mommy dito at baka magalit nanaman siya sa akin.
Kinabukasan ay maaga ako nagising para pumasok. Nag-salang ako ng mga damit ko sa Washing Machine para pag-uwi ko ay isa-sampay ko nalang ang mga iyon.
Napaka-dami ng mga Schoolworks na binigay sa amin ng mga teachers at kailangan namin iyon agad mai-pasa dahil daw malapit ang exam. Hindi naman ako naka-uwi kaagad nang matapos ang klase ko, dumaan pa ako sa NBS para bumili ng mga materials para sa aming Role Playing. Nag-lakad nalang ako pauwi, malapit lang naman at ilang kanto lang din ang layo nito sa Subdivision namin.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad sa akin ni Mommy sa gate ng bahay. Nanlilisik ang mga mata na parang galit na galit sa akin at handa na ako sampalin sa mga oras na iyon.
"Bumili lang po ako ng Materials para sa project, Mi." mahinahon na sagot ko sakaniya. Hindi parin nawawala ang tingin niya na masama sa akin habang naglalakad ako pa-pasok ng bahay.
"Uwi ba ng matinong babae 'yan?! Wala ka na talagang maayos na ginawa sa buhay mo! Umuwi ka nalang sa Tatay mo, tutal parehas kayong bwisit sa buhay ko! Hindi mo gayahin ang Kuya Pao mo, parating matatas ang grade, hindi umuuwi ng late. At higit sa lahat hindi pasaway," sunod-sunod na sigaw niya nang maka-pasok ako sa loob.
Wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak, kapag nag-paliwanag ako ay sasabihin lang niya na wala akong respeto dahil sumasagot ako. Sanay na rin ako sa ganito, dati palang ay ikinu-kumpara na niya ako sakanila. Wala naman nang bago. Pinakinggan ko nalang ang lahat ng ma-sa-sakit na salitang sinabi niya at umakyat ako kaaagad sa kwarto nang matapos siya sa mga sinasabi niya. Nang maka-pasok ako ay duon ko iniyak lahat ng sakit.
"Hindi ba niya kayang pakinggan ako? Ang sakit-sakit na," pag-bulong ko sa sarili ko habang umiiyak ng tahimik. Hindi ko alam kung anoba ang kailangan ko gawin para hindi ganito ang trato ni Mommy sa akin. Nahiga na rin ako sa kama ko at patuloy pa rin ang pag-iyak, naktulog nalang din ako sa kaka-iyak.
Kinabukasan ay sabado kaya maghapon akong nasa bahay, hindi nalang ako lumabas ng kwarto hanggang sa nakita ko sa bintana na umalis ang kotse ni Mommy. Bumaba ako at kumain, matapos iyon ay hinugasan ko ang pinag-kainan ko at nag-walis saglit sa Living Room. Umakyat din ako agad pag-tapos ko gawin ang mga iyon.
Nakatulog ako nang sumapit ang 1:30PM, nagising nalang ako nang marinig ang katok at sigaw ni Mommy.
"Louisse, ano ka ba naman?! Hindi mo man lang naisipan na linisin yung kusina. Punyeta naman!" sigaw ni Mommy sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Kabado kong binuksan ang pinto at pag bukas ko ay lumapat agad ang mga palad ni Mommy sa pisngi ko.
"Wala ka na talagang ginawang tama. Umalis kana rito, hindi kita kailangan sa buhay ko kung puro sakit ng ulo ang dinadala mo! Wala kang kwenta! Sumama ka na sa tatay mo, parehas kayong bwisit sa buhay ko!" sunod-sunod na bato niya ng salita sa akin habang dinuduro ako sa noo. Hinila niya ako sa buhok palabas ng kwarto, itinulak niya ako sa hallway at napaupo ako, sunod naman niyang hinagis ang mga damit ko. "Wala kang kwenta! Parehas kayo ng Tatay mo! Magsama kayo!"
Sinampal niya ako ulit ng malakas at doon na nabasag ang labi ko, kinaladkad niya ako pababa ng hagdan at tumama ang gilid ng kilay ko Table. Naiyak nalang ako nang sampalin niya ako ulit sabay sabing, "Napaka-tamad mo! Hindi ka maaasahan sa lahat ng bagay. Umalis ka nalang dito."
Hindi ako naiyak dahil sa sakit ng mga sampal at sabunot niya. Naiyak ako dahil sa sama ng loob sakaniya. Ang sakit sakit, ang lahat ng kasalanan ni Daddy ay ginagawa niyang kasalanan ko. Lahat ng galit niya sa taong 'yon ay sa akin niya binubuhos. Hindi na gumaan ang puso ko simula noong tumungtong ako sa 11.
"Hello, Rae! I missed you," Bungad sa akin ni Reighn nang maka-salubong ko siya sa Canteen. Si Reighn ay Boyfriend ko, he is 4 years older than me.
Sa nakaka-pagod na mundo... Siya ang nagsisilbing pahingahan ko.
"I missed you also, Yeobo!" niyakap niya ako at inabutan ako ng Iced Coffee. "Para ma-relax ka naman, binilhan kita ng favorite Coffee mo, Dark Mocha."
Naka-tingin lamang siya sa 'kin at pinapanood ako na kumain, pinipigilan ko ang ma luha ko kahit na ang dibdib ko ay gustong-gusto na sumabog at umiyak. Sakaniya lang ako komportableng i-kwento lahat ng sakit at bigat sa dibdib ko. 2-years na kami at halos buong buhay ko ay alam na niya kaya ganoon nalang siguro ang tiwala ko sakaniya.
"Okay ka lang? Bakit ka naka-Jacket, napaka-init pa naman." parehas kami ng daan pauwi kaya sabay kami nag-lakad. Hindi ko sinagot ang tanong niya at naka-tingin lang ako sakaniya, hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba? Ano ba'ng nangyari?" sunod-sunod na tanong niya kaya hindi ko na rin napigilan na i-kwento ang nangyari.
"Nag-away kami ni Mommy nung nakaraan... Sa sobrang init ng ulo niya nasaktan niya.. ako." sabi ko habang humihikbi. Pinakita ko rin ang mga galos at pasa ko. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabing, "I'm sorry, wala man lang akong magawa para maibsan lahat ng sakit na nararamdaman mo. I promise, kapag mayroon na akong maayos na trabaho, i-a-alis kita riyan sa bahay ninyo."
_______________________224________________________
YOU ARE READING
Rant And Release
Non-FictionSa byahe ng buhay, mag-isa hinarap ni Louisse Rae Lopez ang lahat ng pagsubok na binabato sakaniya. Wala siyang kakampi dahil sariling pamilya niya mismo ang humihila sakaniya pababa. Subaybayan natin ang kwento ng kaniyang buhay.
