PLAY UNTIL DEATH
Hello, ako nga pala si Yumi. 18 years old na ako, at medyo mahiyain talaga ako. Madalas lang naman ako sa kwarto, nag-i-scroll lang sa TikTok 'yung tipong walang ginagawa masyado. Hanggang sa may nakita akong isang video may nag-a-advertise ng isang app na tinatawag na KYA Game.
Sabi sa video, sobrang legit daw nito at ang daming naglalaro. Wala naman masamang subukan, 'di ba? Kaya naisip ko, "Sige, try ko i-download." Habang hinihintay kong matapos 'yung pag-download, nakita ko si Jasmin na lumabas ng kwarto niya at lumapit sakin nandito kasi ako sa sala nakaupo.
"Teh, tignan mo nga!" sabi ko agad nang makalapit siya. "Nag-download ako ng KYA Game. Sabi kasi nila ang ganda daw nitong laro, kaya gusto ko ring subukan."
Nagulat ako. "Luhh? Naglalaro ka rin ng KYA Game? Same tayo!" sabi niya sabay turo sa phone ko.
"Talaga?! Bakit hindi mo sinabi sakin?" gulat kong tanong.
"Bakit nga, tanong ka ba?" balik niya nang nakangisi. "May boyfriend ka na dun sa loob ng game, 'no?" biro ko pa.
"Oo, ang gwapo niya pa!" sagot niya nang may kilig na kilig pa.
Tinuro niya yung screen ko. "Tapos na mag-download oh? Mag-sign in ka na, teh!" sabi ni Jasmin.
Kaya tinap ko na yung SIGN IN button. Simple lang naman nilagay ko yung pangalan ko, tapos birthday. Pagkatapos kong pindot yung "Confirm", biglang nag-iba yung screen.
Nagpakita ng 10 bilog na slots, lahat puti at walang laman maliban sa isa na may nakalagay na pangalan: JASMIN.
"Wait... nandito ka na?" bulong ko, parang biglang nanlamig ang kamay ko.
Tapos may lumabas na text sa gitna ng screen, malaki at pula:
UPLOAD YOUR PHOTO NOW.
"Bakit kailangan pa ng photo?" tanong ko kay Jasmin, medyo naiilang na.
"Wala lang 'yun teh, para makilala ka nila. Bilis na!" sabi niya, parang excited lang talaga.
Kaya kinuha ko yung pinakabagong selfie ko at in-upload. Isang saglit lang... at biglang lumabas yung litrato ko sa slot.
Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko.
Hindi 'yung suot ko sa bahay ang nakasuot ko sa litrato.
Naka-uniporme ako. Itim na uniporme na may pulang numero sa dibdib-#09.
Biglang umilaw lahat ng slots. Pumula ang buong screen. At lumabas ang malalaking salita, buong-buo at parang tumutunog sa pandinig ko kahit walang tunog:
YOU ARE NOW A PLAYER.
NO EXIT. NO LOGOUT. NO QUIT.
Napatingin ako kay Jasmin. Ngumiti siya... pero parang hindi na 'yung dating ngiting kilala ko.
"Welcome sa laro, Yumi #09," sabi niya nang mahinahon. "Simula ngayon... hindi ka na makakaalis hangga't hindi natatapos ang laro."
Biglang bumigat ang dibdib ko. Gusto kong sabihing 'joke lang 'to'... pero alam ko na. Hindi na 'to laro.
Nanginginig ang kamay ko habang binabasa ko nang isa-isa ang mga pangalan sa 10 slots. Pula ang kulay ng lahat, parang dugo na nakasulat sa itim na screen hindi ko matanggal ang tingin ko.
#01 - Kael
#02 - Zia
#03 - Renz
#04 - Lira
#05 - Marco
#06 - Jasmin
#07 - Tala
#08 - Gio
#09 - Yumi
#10 - Kenji
