"BUS"

26 2 0
                                        

THIRD PERSON POV

Hinabol ni Alex ang paandar pa lang na bus bumukas ang pinto kaya mabilis siyang nakasakay.
Trenta minutos na lang kasi at late na siya sa trabaho. Maswerte pa siya dahil may naupuan pa siya.

Busy siya sa paghahanap ng barya pamasahe sa kaniyang bag ng may taong tumayo sa harap niya na base sa tindig ay lalaki ito. Hindi niya mapigilang hindi ito angatan ng tingin dahil sa sobrang bango nito. Lalaking lalaki ang pabango nito at hindi masakit sa ilong. Pero ganun na lang ang pamumula ng pisnge niya ng nakatingin din ito sa kaniya kaya nagtama ang kanilang mga mata.

Shit ang gwapo at ang bango pa.. sarap yakapin.. bulong sa isip ni Alex. Tumikhim ang lalaki at napaiwas naman ng tingin si Alex dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit kinikilig siya gayong wala naman itong gimagawa kundi nakatingin lang sa kaniya..

Dumami pa ang mga taong sumakay hanggang sa mapuno na ang Bus. Halos dumikit na sa mukha ni Alex ang mabango at matigas na dibdib ng lalaki.

Todo atras naman si Alex kahit wala naman ng iaatras ang kaniyang ulo dahil nakadikit na sa sandalan.

Biglang huminto ng malakas ang driver ng Bus ng may tumawid na aso kaya at ganun na lang ang panlalaki ng mata ni Alex ng macorner siya nung lalaki ng aksidenteng mapatuon ang kamay nito sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo. Halos maduling si Alex sa sobrang lapit ng mukha nung lalaki sa kaniya at kunting kunti na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.

Dug dog.. dugdog.. dugdog.. malakas na tibok ng puso ni Alex..

"Sorry!" Hinging paumanhin ng lalaki sa kaniya saka umayos na muli ng tayo..

Isang tipid lang na ngiti ang sagot niya dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

Pasimpleng bumuga ng hangin si Alex dahil sa pagpigil niya ng hininga kanina. Pero muli siyang napaangat ng tingin sa lalaki ng marinig niya itong bahagyang tumawa sabay sabing "cute!"

Pinamulahan lalo si Alex ng sa kaniya ito nakatingin ng sabihin nito ang salitang "cute!"

"OH BUMABA NA ANG BABABA! WAG MAGTUTULAKAN! LAHAT KAYO MAKAKALABAS!" Sigaw ng konduktor.. biglang natauhan at napatingin sa labas si Alex. Nakalimutan niyang nasa harap niya ang lalaki ng bigla siyang tumayo at mabunggo siya sa matigas nitong dibdib, muntik na siyang mapaupo ulit pero hindi yun nangyare ng may pumulupot na braso sa kaniyang bewang.

"Careful baby!" Pinamulahan siya ng mukha dahil sa endearment na tinawag sa kaniya ng lalaki.

Akala niya ay bibitawan siya ng lalaki dahil bumitaw ito sa kaniyang bewang pero nagkamali siya ng hawakan siya nito sa kamay at iginaya siya palabas ng Bus.

Dito din ba siya bababa? Tanong ni Alex sa sarili..

Malamang.. assuming? Sabat ng isip ni Alex..

Pagkababa sa Bus ay nakatingin pa din si Alex sa magkasalikop nilang palad nung lalaki..

"Are you okay?" Tanong nung lalaki kay Alex.

"Y-yes, t-thank you!" Nauutal at nahihiyang sagot ni Alex dagdagan pa ng hindi normal na tibok ng puso niya..

Napasinghap si Alex ng kapkapin ng lalaki ang likod at harapan ng pantalon niya na agad niyang ikinaatras.

"What are you doing?" Hindi na napigilang itanong ni Alex sa lalaki pero isang ngiti lang ang naging sagot nito at may iwinagayway sabay sabing "got this!"

"Wait that's my phone!" Gulat ni Alex ng makitang cellphone niya ang hawak hawak nito.

Magnanakaw ata ito ah.. pero ang gwapo naman niyang magnanakaw kung sakali? Bulong na tanong sa isip ni Alex.

Walang password ang phone niya kaya hifi na siya nagtaka ng mabilis nito itong nabuksan ng lalaki..

Napakunot ang noo ni Alex ng makita niyang magtype ang lalaki sa phone niya habang hawak naman nito sa kabilang kamay ang isa pang phone na sa tantiya niya ay pag-aari nito.

Nagring ang phone niya sa kamay ng lalaki kaya mabilis niya yung kinuha.

"Aldrich?" Takang basa niya sa nakasave sa phonebook niya dahil sa pagkaka-alala niya ay wala naman siyang kilalang Aldrich.

"Yes.. that's me baby! Call you later! Bye!" Sabay kindat ng lalaki na ikinamula ng pisnge niya.

Kinilig lalo si Alex na hindi pa rin makapaniwalang sa maliit na oras ay napakadami ng nangyare sa kanila nung lalaki.

Naglakad na ang lalaki palayo pero siya ay napako lang sa pagkakatayo at paulit ulit na ninanamnam ang huling sinabi ng lalaki ng magring ulit ang phone niya at wala sa loob na sinagot yun..

"Hell_" naputol ang kaniyang pagsagot ng marinig niya ang boses ni Aldrich..

"Baby go to your work na.. you're late!" Nanlaki ang mata ni Alex ng marealize niyang tama si Aldrich kaya agad siyang tumakbo papasok sa kaniyang trabaho.

..

"Good morn_" hindi na naituloy ni Alex ang kaniyang pagsalita ng makita niya si Aldrich na nakatayo habang nakapamulsa na nakatingin din sa kaniya pagpasok niya.

Napaawang ang labi niya na hindi makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang binatang kanina lang ay nagpakilig sa kaniya.

Kumindat ito ng mabilis na ikinamula lalo ng pisnge niya pero nagulat siya ng hampasin siya ni Irene na kaworkmate niya na pinaka OA sa lahat.

"Huy grabe ka late na late ah.. nakalimutan mo na bang ngayon ipapakilala ang new manager na anak ng boss natin? Ang hot niya beh!" Hindi maitagong kilig pa ni Irene sa kaniya na ikinakagat niya ng labi hindi dahil sa ngiti kundi sa kaba.

What? Si Aldrich? Anak ng boss namin at manager namin ngayon? Bulong sa isip ni Alex ng ituro ni Irene si
Aldrich.

Napalatak siya kasi kung anak ito ng kanilang Boss.. eh di araw araw na sila magkikita? Araw araw siyang kikiligin?

HOWMYGAASSSHHH!! gusto niyang hampasin pabalik si Irene pero hindi niya ginawa dahil baka malamog at madurog ang buto sa payat ng katawan nito.

"Namumula ka beh' type mo noh? Ayyeee!!!" Kinaltokan naman niya si Irene sa noo dahil sa ingay ng bunganga nito.

Dumiretso siya sa comfort room .. sinarado niya ang cubicle at doon ay nagtitili ng impit na tanging siya lang ang nakakarinig..

"Baby are you there!"

ALEX REACTION... (⁠✿⁠☉⁠。⁠☉⁠)



Cute boy (BL)Stories to obsess over. Discover now