Gaano ba kabilis magdesisyon kapag galit ka? Gaano ba kabilis bumitiw kapag naunahan ka na ng emosyon? Madali ang lahat, ngunit masakit malaman na pinakawalan mo ang pinakamamahal mo dahil lamang sa kaunting hindi pagkakaintindihan. Tatlong taon na pagsasama ay natuldukan sa isang gabing alitan. Na naging sanhi ng paglayo sa isa't -isa.
Maibabalik pa kaya ang dating masayang pagsasama? Madudugtungan pa kaya ang mahabang panahon ng pagmamahalan? May second chance pa kaya para sa dalawang taong nagkahiwalay at muling pagtatagpuin pagkalipas ng limang taon?
Subaybayan ang kwento ng pag-ibig nina Mikaela Nicole de Guzman at Kirro Matthew Santos.
