Chapter XXXIV

Mulai dari awal
                                    

"Oo na" para kay Aya, kailangan kong kumain, magpakalakas. At may balak akong gawin.. Na hindi na kayang hadlang nino man. Kailangan ko ng gawin iyon bago pa magbunga ang nangyari sa amin ni Mai.

Nathan's POV

Hiyang-hiya ako!! Nahuli kami na may ginagawang kababalaghan dito sa kotse. Kaya bigla ko na lang sinigawan itong kasama ko.

"Bilisan mo ngang magbihis!"nakakaasar parang pagong. Kasi naman eh, bakit ko pa ba hinigit itong babaeng ito? Pakielam ko ba kung magwala siya doon sa Mall pero heto akong gago hinigit pa din. At di lang iyon nagpadala ako sa pang-aakit nitong Rhaisa na ito, kaya ngayon nahuli kami na may kababalaghan na ginagawa sa kotse.

"ANO? Di ka pa rin ba tapos?" hindi ako makalingon sa kanya kasi nga nagbibihis siya. Pero nakaupo na ako sa driver's seat at nasa likod siya. Aba, hindi sumagot ang loka! Napatingin ako sa rear view mirror at nakangiti siya na parang aso sa akin. Tapos na palang magbihis, hindi man lang magsalita.

"PROBLEMA MO?" sigaw ko sa kanya habang nakatingin kaming dalawa sa rear view mirror.

"Kasi, ano eh.. *huk, ano, nilayo mo ako sa *huk, kahihiyan" tapos ngumiti siya, aish! Lasing pala itong babaeng ito! Kaya naman pala nagwawala sa Mall! Bakit di ko naisip iyon???? Pang-asar! BREAK na kami nyan eh.. Ngayon tuloy iba na ang iniisip nitong babaitang ito.

"Psssh, bumaba ka na sa kotse."

"Pero"

"BABA!"

"Akala ko, gusto mo pa din ako.." sabi niya

"ASA ka! Bading ako! Badiiiiing~ Lalaki ang gusto ko, hindi babae!"

"Eh ano yung ibig sabihin ng halik mo kanina? Bakit mo ako pinatigil magwala sa Mall? Sabihin mo nga, ano yun?"

"Trip lang, kaya bumaba ka na!"

"Hindi ako naniniwala.. Alam ko Nathan, hindi ka pusong babae.. Kasi kung tunay na bakla ka, mapipigilan mo ang sarili mo na di maakit ng tulad ko. Pero hindi, pusong lalaki ka, kaya naaakit ktia"

Inuntog ko na lang ulo ko sa manubela. Totoo ba yung narinig ko? Hindi ako bakla? Ano yun? Bakla lang ako kapag kaharap ko si Karla at si Bhest? Aisssssssssh! Bading ako! Bading! Hindi ako lalaki!

"Nathan, gusto kita. Sa'yo ko lang kasi naramdaman ang pagiging special simula nung niligawan mo ako."

Nung narinig ko iyon, kung bakla ako kikilabutan ako sa mga sinasabi niya pero hindi.. Parang nafla-flattered ako. Ano ba yan!!!

"Bumaba ka na, umalis ka na sa buhay ko" sabi ko na lang

"Yun ba talaga ang gusto mo?"

"Aba'y huo!" pero napaisip ako sa sinabi ko, parang gusto kong bawiin.. Eh bahala na nga..

"Sigurado ka?" tanong niya, hindi na ako makasagot. Hindi nga siguro ako Bakla. Pinipilit ko lang ang sarili ko.

She's my Last Kiss (part 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang