*&^%$#@!^

Sa dinami dami ng babae sa mundo, si Mai pa ang nakasiping ko kagabi. *&^%$#@!^ lang talaga! Dumagdag pa siya sa problema ko!! Bigla ko na lang sinampal sampal si Mai na gumising. Maya-maya nag mulat din ang mga mata nito at bigla na lang umupo sa kama. Kaya yung kumot na nakabalot sa kanya ay bumaba. At sa di inaasahan nakita ko ang di ko dapat makita.

"Magbihis ka nga muna!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot instead niyakap niya ako sa likuran at hinalikan ang leeg ko.

"Tayo na ba ulit? Hihihihi" napasinghap ako.

"Mai!!!" sigaw kong muli

"Bakit? Sabi mo nga sa akin kagabi, you love me eh? I love you too naman, so tayo na ba ulit?" tapos hinalikan na niya ako sa pisngi ko. Nag-init ang kalamlan ko. Di maari ito. Maling mali.

At sa inis ko, tinulak ko siya ng ubod ng lakas. Nahulog siya sa kama, nakita ko na naman ang katawan niya. Pero bahala siya sa buhay niya! Uuwi muna ako, at mamaya pupunta ako sa Hospital.

Kinuha ko yung damit ko na nakakalat sa sahig at sinuot ito. Nang tapos na ako, balak ko na sanang lumabas ng kwarto niya nang magsalita siya.

"Wala ka ng babalikan Sean. Nag decide na yung parents ni Aya na ipalaglag yung baby. Awww, poor Sean.. Hindi ka na magiging Daddy" balak ko sanang harapin si Mai pero naalala ko hubad pala ito. Kaya hinawakan ko na lang ng ubod ng higpit yung doorknob para makalabas na ako. Pero napatigil ako sa sunod nyang sinabi. 

"Pero wag kang mag-alala magiging Daddy ka pa naman, ng anak ko. Hihihihi"

Hindi na ako nakapagpigil, sinuntok ko ng ubod ng lakas yung pintuan dahilan para ito mabutas. Nagkaroon din ako ng sugat sa may daliri ko pero hindi ko na pinansin ito. Umalis na ako doon at umuwi ng bahay.

&^%$#@! buhay ito! Wag sanang magbunga yung nangyari sa amin. Di ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko mangyayari iyon.

Pagkauwi ko sa bahay sinalubong ako ng katulong namin.

"Sir, umalis po si Madam. Gawa po daw ng nasa Hospital yung girlfriend nyo. Bibisitahin nya po daw."

Umoo na lang ako sa kanya at umakyat ako sa kwarto ko. Naligo ako at pagkatapos nagbihis. Bumaba na ako sa hagdan ng harangin na naman ako ng katulong namin.

"Sir, kain muna kayo ng umagahan"

"Wala akong gana"

"Sir, namumutla na po kayo. Kumain na po muna kayo"

"Ayaw ko sabi eh" lintek, sino ang magkakaron ng ganang kumain sa lagay kong ito? Grabe nga yan!

"Sir, masasaktan po ang girlfriend nyo sa kalagayan nyo nyan"

Muntik ko ng itulak yung katulong namin pero biglang nag flash sa isipan ko si Aya noon. Na pinapanuod akong kumain ng dala kong lunchbox na hindi namin sabay nakain dahil sumama siya kay Daryll.

She's my Last Kiss (part 2)Where stories live. Discover now