"Oh, God!" natawa ako sa reaksyon ni Cone.

O di ba? Nawala ang yabang mo. Ano ka ngayon? Nganga!

d- -,b

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Nakikita ko kasi na malapit na kami sa intersection.

"Sa mall" nakapikit na sabi niya.
Mabilis kong nailiko ang kotse.

"Oh, fvcking shit! Slow down Pamela! Gusto mo na bang mamatay?!" sigaw niya.

Natawa na lang ako. Astig! Nageenjoy ako. Ang sarap imaneho nitong kotse niya. Pag pinayagan ako ni Papa ganito din ang ipapabili ko.

Nakafull speed na yung kotse, buti nalang  hindi matraffic at walang masyadong sasakyan dito.

I parked the car.

"Woah! Ang saya nun! Grabe!" sigaw ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"Are you out of your mind? Anong naisip mo at nagfull speed ka? Pasalamat ka walang pulis at lalong hindi tayo naaksidente! God Pamela! I had a mini heart attack!" napahawak siya sa puso niya at napapikit.

Ang arte nito. Feeling babae. Tss. Kala mo naman mamamatay na. E, eto na nga kami, buhay na buhay at magmomall pa. Kaartehan! Tss.

Lumabas na ko ng kotse at sumunod naman siya. Pumasok kami sa loob ng mall. Nakapambahay lang ako, pero wala akong pakelam. Ano naman kung ganito ang suot ko? Isang malaking damit at malaking shorts yung panghiphop dudung.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko ng pumasok kami sa isang boutique.

"Ano pa edi bibili ng damit na susuotin mo para sa date mo bukas"

"Ano? Asa! Sino may sabi sayong pupunta ako?" pinagkrus ko ang braso ko.

"You mean? Gaganti ka?" tanong ni apa.

"Nakaganti na ko, atsaka may originality ako no! Ayoko lang pumunta dahil una sa lahat, masasayang lang ang oras ko" sabi ko.

Nakita ko siya ngumisi na parang may nakakalokong iniisip.

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag dahil pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Crush mo si LWB no?!"

What the fvck?!

"Saan mo naman napulot yan? Kingina"

"Ayaw mong sumipot sa date niyo kasi nahihiya ka. Pag tumanggi ka, defensive at indenial ka. Pag umamin ka edi totoo."

"Tangnang utak yan." nasabi ko na lang.

Saang lupalop kaya ito ipinanganak. Hindi siya kulang kulang, sobra sobra! Masyadong malawak ang imahinasyon at baka pati yung Saturn, nagawan na niya ng report sa NASA. Tss.

"Pupunta ka na bukas no?" Pangungulit niya.

Tangina. Jojombagin ko to e.

"Bumili ka na lang ng cheesecake nang matuwa pa ko sayo" sabi ko na lang.

"Ano ka chics!" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit to!  Chics ako! Hindi lang halata.

"Ako siguro crush mo, nagpapalibre ka sakin e"

"Libre mangarap, ge lang, ingat baka makarating ka sa Antarctica, di ka na makabalik" sabi ko sabay walked out.

"Hey, wait"

Binilisan ko ang paglalakad at pumasok sa DQ store at bumili.

"Ako wala?" tanong niya.

"Ano ka din chics?" ganti ko.

"Nay walang originality!" tinuro niya pa ko saka nagtakip ng bibig.

So gay.

Iniwan ko na siya. Kalalaking tao, ang daldal.

Pumunta na ko sa parking nakasunod naman siya. Nasa akin naman ang susi kaya tuloy tuloy lang ako.

"Teka! Ako ang magdadrive!"

Hindi ko siya pinakinggan, sumakay ako sa driver's seat at binuhay ang makina.

Pinaandar ko at huminto sa harap niya.

"Bumaba ka jan, ako magdadrive" sabi niya.

"Sasakay ka o iiwan kita?" seryosong tanong ko.

Nung hindi siya kumilos, mabilis kong pinaandar ang kotse. Nakita ko sa side mirror na humahabol siya kaya inihinto ko.

Mabilis siyang sumakay at nagkabit ng seatbelt.

"Sasakay din pala pakipot pa" sabi ko.

"You're crazy! Bakit mo ko iniwan?" tanong niya.

"Pinasakay kita, pero hindi ka gumalaw. Alam mo bang 1 minute lang ang tinatagal ng pasensya ko?"

"Tss. Ang arte, tomboy naman"

"Anong sabi mo?"

"Wala! Sabi ko kikay ka!"

"What?!"

"Hahahaha! Bakit ngayon ko lang naisip yon? Bagay pala sayo ang nickname na Kikay, starting today i'll officially call you kikay! haha"

"Tangina, gusto mo talaga ng sapok ano!" inis na inis ako.

Tawa lang siya ng tawa kaya naman nifull speed ko na para manahimik siya.

Effective.

"Pam! Slow down!" sigaw niya.

Bahala ka dyang mamatay!

Mabilis kaming nakarating sa bahay. Woah! Ang saya talaga. Muntik pa kaming makabangga ng van. Hahaha. Astig! Muntik nang lumabas ang mga lamang loob ko sa kaba pero buti na lang nailiko ko.

Yung kasama ko ayun, wala ng kaluluwa. Tumakas na kanina pa. Hahaha.

"Huy! Ano buhay kapa?" tanong ko nang hindi pa rin siya kumikilos.

Niyugyog ko na.

"Huy apa! Ano na!" sigaw ko.

Tumingin siya sakin at tinitigan ako. Seryosong seryoso ang mukha niya. Tapos bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko tapos sinandal ako sa may pinto ng kotse.

"You deserve punishment" ang lamig ng boses niya at biglang nag iba ang aura niya.

Hindi ako nagpatinag sa pakikipagtitigan pero nabigla ako nang bigla siyang lumapit at halos pumatong na siya sakin.

Tangina! Anong gagawin niya?

Itutulak ko siya nang bigla akong manghina at mapasigaw sa kagat niya.

Tangina may lahi palang aso to!

Kagatin ba naman ako sa balikat. As in kagat yung malalim at masakit. Tangina!

Hindi ko na napigilan kaya tinulak ko na ng malakas. Nanggigigil ako sa kanya!

"Kung ang aso nangangagat ng tao ang tao nangangatay ng aso! Humanda ka Cone! Kakatayin na kita!"

Tangna. Lintik lang ang walang ganti.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon