His Doubts

4.3K 111 8
                                    

16th July 2015



DANIEL JOHN



A lot of people wonder why she chose me.

Sometimes I wonder why too.






Si Kathryn yung babaeng tinitingala ng lahat. Magaling umarte, mabait, never nagkaroon ng eskandalo sa showbiz kahit isang dekada na siya, mapagmahal sa pamilya, edukada.




Maraming nagsasabi na sa dami ng pinagpipilian niya ako pa rin yung napili niya. Kung minsan, hindi rin ako makapaniwala eh. Kasi kahit ako, pinagdududahan ko ang sarili ko kung karapat-dapat ba ako para sa kanya.




Nasubok nanaman yung pag-iisip ko sa mga bagay na yun nung kumalat yung picture kanina. Nag-vape lang ako sa may van ni Kath dahil ilang araw na akong halos di natutulog dahil sa pagtetaping at yun lang yung pinaglalabasan ko ng stress. Pero yun pala, mamasamain ng iba.




Wala naman masama dun diba? Kung ibang tao siguro ang gumawa nun okay lang para sa kanila. Pero dahil ako si Daniel Padilla isang napakalaking issue nanaman at parang ang sama ko nanaman sa paningin nila.





Hindi naman ako perpekto. Matagal ko ng sinasabi yun eh. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako pinipilit na gawing idolo kung minsan. Kasi sa totoo lang, jusko! Ang dami ko na atang kalokohang ginawa, ginagawa at natitiyak ko, marami pa akong gagawin! Haha!




Pero kasi, normal lang naman yun sa mga kabataan diba? Maloko kung minsan. Pero hanggang doon lang yun. Alam ko ang mga limitasyon ko. Lalo na pagdating sa babaeng mahal ko. Kay Kathryn. Na hanggang ngayon ay nagsshoot pa.




Ayoko na nga sanang pansinin yung mga tweets na yan dahil sobrang minsan lang ako magtwitter. Instagram na lang nga ang na-enjoy ko noon eh! Pero.. Badtrip kasi laging nahahack! Kaya eto ako ngayon. Sakin kasi pinahawak ng reyna ang napakalaking iPhone niya. Pwede ko nga atang gawing unan to eh. Pero syempre, biro lang dahil siya pa rin ang Kumander dito. Haha!





Tumutunog ang notifications ng aking Bal kaya binuksan ko na ang cellphone niya. "3525" ang tinype ko at hindi ko napigilang mapangiti. Sakin kasi "5525" eh. Ganon talaga kapag hulog na hulog ka. Wag na kayong kumontra.




Usually, wala akong pakielam sa mga tweets nga. Pero may isang nag-tag kay Bal na bakit ako pa raw ang pinili niya eh parang wala naman daw akong nagawang matino sa mundo. Nakakaturn-off pa raw ang paggamit ko ng vape. Ang sakit nun ah. Pero joke, sakto lang. Sanay na ako.




Laging nagtatanong ang karamihan tungkol sa pagpili ni Kathryn sa akin. Pero wala akong pakielam sa mga yun. Basta ako ang mahal ni Kathryn at siya ang mahal ko. Bahala na silang lahat. Hindi ko sila iimbitahan sa kasal namin! Haha! Loko lang! Kaso, dahil dun, naalala ko nanaman yung mga pagdududa ko sa sarili ko at ang mga pagkakamali ko sa reyna.




Marami na akong nagawang kasalanan kay Kathryn, oo. Totoo yun. Pero kahit ganon, hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano ko siya kamahal. Parang guguho yung mundo ko noong may nangyari nung September. Akala ko mawawala na sakin ang reyna ko. Pero totoo talagang reyna siya dahil mas pinili niya pa ring magpatawad. Mas pinili niya pa rin na mahalin ako.




Kung si Kathryn nga, di ako pinagdudahan, bakit ko pagdududahan ang sarili ko? Siya lang naman ang mahalaga. Dahil dun, napangiti na ako at tinignan ko na lang siya habang nagtetaping. Sobrang swerte ko talaga. Ako ang mahal ng isang Kathryn Bernardo.




Sakto naman na biglang may mga tweet nanaman at tinatag pa kaming dalawa ni Bal sa Twitter at pati na rin sa Instagram.




Eto ata yung picture nung pagvevape ko. Jusko paano? Kanina pa ito ah. Isasara ko na sana nung nakita ko na parang nag-iba na. Kanina kasi parang lahat sila pinoprotektahan ako at sinasabi na wala naman masama sa ginawa ko. Natouch talaga ako dahil wala talaga silang palya. Solid pa rin ang mga KathNiels namin ng reyna. 



Oh, ayun nga pala. Imbis na ganoon, biglang ang dami ng "HAHAHAHAHAHAHAHA" sa mga tweets nila. Nacurious ako at napakunot ang noo ko kaya binuksan ko yung photo. At doon nakita ko! 3 screen cap ng mga caption na nilagay sa picture namin ng Bal ko.



Tinignan ko yung caption at hindi ko napigilan na mapamura at tawa sa nakita ko.










"Kailan pa ako umihip sa papel na may pulbo? Aba gago!"

At ayun lang naman. Napakalakas ng lintek na tawa ko.






———

A/N: Wrote this again because sobrang tawang-tawa ako kanina! PAPEL NA MAY PULBO PA MORE! HAHAHAHA nagtrend siya guys. Omg. Comments? HAHAHAHAHAHA bye.

Their Mind's WanderlustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon