3

1K 19 5
                                    

Pabiling-biling sa kanyang higaan si Ruby nang gabing 'yun. Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ng babaeng nakausap niya.

"Kakayanin ko ba?" Tanong niya sa kanyang sarili. "Diyos ko, tulungan nyo po ako."

Natagalan bago nakatulog si Ruby pero nung gabing 'yun, nabuo na sa kanyang isipan ang desisyon niya.

==========@@@@@===========@@@@@==========

Nangangalay na ang kamay ni Ruby sa dami ng papel at forms na kailangang I fill up at pirmahan. "Ang dami naman nito." Sabi niya kay Liza, yung gro na nagturo at nagsama sa kanya sa 'purple mansion'.

"Ganyan lang talaga dito. Kinakailangan kasing documented ang lahat para kung saka-sakaling kailangan ng mga papeles, ready na." sagot ni Leony, na siyang nagpakilalang manager ng lugar na iyon.

"Dito kasi, big time ang mga parokyano. Hindi pipitsuging mga tao, kaya kailangang maingat tayo sa pakikipag-deal sa kanila." Dagdag pa niya, kahit alam naman nilang pareho na isa itong illegal activity.

Detalyadong ipinaliwanag ni Leony kanina na hindi siya maaaring umatras kapag natapos na ang bidding, at dahil hindi birong halaga ng pera ang pinag-uusapan dito, wala siyang karapatang umayaw sa usapan kahit gustuhin pa niya. Kailangan niyang pagsilbihan at sundin and kahit na anong naisin ng taong makakabili sa kanya hanggang sa gusto nito at magdesisyon na ipagkaloob na sa kanya ang kalayaan. Sa madaling salita, magiging alipin siya.

"Para sa mga kapatid ko," pilit niyang isinisiksik sa isipan niya ang magiging sitwasyon nila ng kanyang mga kapatid kapag wala siyang ginawang hakbang, at ito ang mas madaling paraan para magkapera. "Magiging okey din ang lahat," bulong niya sa sarili habang isinusuot niya ang damit na iniabot sa kanya ng assistant ni Leony.  Isang itong mini dress na brilliant red ang kulay, spaghetti strapped, na ang laylayan ay mataas nang isa't kalahating dangkal mula sa kanyang tuhod.

"Madalas bang ginaganap ang ganitong event dito?" tanong niya kay Leony na nag-aayos ng kanyang make-up.

"Hindi naman masyado. Kapag may request or worth it yung babae, nag-a announce kami. Pero napaka-swerte mo girl, dahil ngayong gabi ay espesyal dahil may tatlong requests." Paliwanag naman ni Leony.

"Legal ba 'yun?" She asked again.

"The auction in itself is not legal pero yung actual na contract nyo ng iyong buyer ay dully notarized so it's binding."

"Paano kung may magsumbong sa mga pulis at biglang nag-raid?"

"Matanong nga kita iha, may pumilit ba sa'yong pumunta dito?" Medyo naiinis na Ito dahil sa katatanong ng kausap niya.

"I'm sorry. Kinakabahan talaga ako."

Ngumiti na lang si Leony pero kitang hindi abot sa kanyang mga mata.

"It's time," iniabot ni Leony ang kanyang kamay kay Ruby upang alalayan ito sa kanyang pagtayo, at muli ay pinasadahan niya ng tingin para masiguradong ready na ito.

Kinakabahan na siya kanina pa pero nag umpisa siyang makaramdam ng panghihina nang buksan ni Leony ang pinto ng silid kung saan gaganapin ang auction. Pinaakyat siya sa rampa dahil naroon na ang host sa event. "Tama nga ang sabi ni Leony kanina, maraming tao, karamihan ay mga lalaki na busy sa kani-kanilang gaming table. Pormal ang kanilang mga kasuotan at mukhang mga bigating tao," naisip na lang niya.

"Tandaan mo, dapat maging kaakit akit ka para ma-attract silang sumali sa bidding. Mas maraming participants, mas tataas ang bid, mas malaki ang take home mo." Yun ang huling bilin ni Leony para kay Ruby bago siya iniwan sa kamay ng host.

"Good evening gentlemen." Pasakalye ng host na ngayon at nakatutok sa kanya ang spotlight. "Please lend me a moment of your time for this very unusual auction." Nahuli naman agad nito ang atensiyon ng mga naroroon kaya nagpatuloy na ito sa pagsasalita. Pumuwesto ang host sa kanyang harapan upang maikubli siya nang kaunti mula sa mga taong naroon para daw dagdag excitement.

"For those of you who are presently happy and satisfied with your wives or women, this auction is not for you so please continue with your respective games. But those of you who are in search of something new, may I present to you this delectable sight of a blushing beauty," humakbang pakaliwa ang host upang masilayan ng mga tao si Ruby na ngayo'y tinututukan ng spotlight. Hindi naman napigilan ng dalaga ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa hindi niya maipaliwanag na nararamdaman niya. Naroon ang matinding takot sa kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito, at hiya sa sarili dahil kailangan niyang gawin ito dahil sa pera. Wala na niyang nagawa kundi ibaba ang kanyang tingin upang maiwasan niyang makita ang reaksyon ng mga tao sa paligid.

"Not just to sample or test, but to call yours for as long as you care to. And for that priveledge, dear sirs, the bidding starts at one hundred thousand pesos!" Patuloy sa pagsasalita ang host ngunit ang kaninang bulungan ay naging sigawan dahil sa taas ng opening.

"Walang ganyang kamahal na babae! Isang libo pwede pa!" Sigaw ng isang may edad na.

"Ano yan, ginto?" Malakas ang tawanan sa isa pang table.

Maraming negatibong komento dahil sa taas ng opening ngunit hindi natinag ang host at sinabing, "Gentlemen you have to consider that since this lady is going to the highest bidder, the option will belong to her keeper of how long he wishes to keep her. It can be for a week, a month, a year, or indefinitely, the choice will be his, not hers."

"I'll meet the opening bid!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sold to the highest bidderWhere stories live. Discover now