Prologue

3 0 0
                                        

"Masaya naman ako ah!" Sabi ko sa mga kaibigan ko, kumakain kami ngayon

Sobrang saya ko para sakaniya kaya hindi ko sila maintindihan bakit sinasabi nilang bitter ako.

"Alam mo Zayne, 'di mo kailangan mag sinungaling kapag kasama mo kami. Sa tuwing nakikita natin silang mag kasama nakikita ko ang reaksyon mo. Ramdam ka namin." Si Jaira, natahimik ako sa kaniyang sinabi

Pero totoo! Masaya ako para sakaniya. May sakit pero ako naman ang tumapos saamin eh. Kaya dapat maging masaya ako dahil kung hindi ko siya iniwan baka wala siya sa kamay ng babaeng handa siyang mahalin.

"Sige na, aalis na ako. May klase pa ako." Kaagad kong inayos ang mga papel kong nakalagay sa ibabaw ng lamesa at tsaka tumakbo paalis doon

Nag ayos kaagad ako ng sarili pag dating ko sa room namin. Masyadong strict ang professor namin sa subject na 'to kaya bawal ang late, kahit one second kang late bawal ka na pumasok.

"Wala raw si sir!" Sigaw ng isa sa kablock ko, kaya lahat sila ay nag bulungan na at nag tanungan kung ano ang gagawin nila sa oras na ito

Habang ako iniisip pa rin ang sinabi ni Jaira saakin kanina. Halata ba? Wala naman akong reaksyon ah! Baka hinuhuli niya lang ako

Lumabas na ako sa room na 'yon para tumambay sa library, kailangan kong mag aral para sa quiz at recit namin mamaya. Hindi ko kayang bumagsak ngayon

Laking gulat ko nang makapasok ako sa library ay siya kaagad ang bumungad saakin. Sa lahat ng lugar dito pa? At talagang ngayon pang kailangan kong mag aral! Hindi ako makakapag aral kapag nandito siya.

Hindi ko na lamang siya pinansin at naupo na sa pinaka malayong upuan sakaniya. Kung ako ganito ang nararamdaman kapag nakikita siya, baka siya ganito rin. O baka wala. Malamang wala! Ang tagal tagal na non eh...

Kalahating oras na ako rito pero kahit isa walang pumasok sa isip ko! Walang akong ibang maisip kundi ang gabing 'yon...

"Bakit mo ako iiwan? Hindi mo na ba ako mahal?" Umiiyak na tanong niya saakin. Ito dapat ang pinaka masayang gabi naming dalawa pero wala, ito kami at umiiyak.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita, pero hindi ko na kasi nakikita na tayong dalawa pa rin. Hindi ko na maramdaman na may tayo pa." lyak na sagot ko sakaniya, sinungaling.

Lumuhod pa siya saaking harapan, nag mamakaawa na huwag ko siyang iwan.

Ayoko rin naman. Ayoko ko siyang iwan, lalo na kung ang rason ay hindi naman magandang rason para iwan siya. Napaka babaw lang ng rason ko.

"Kung mahal mo ako bakit mo ako iiwan? Kulang na ba ako? Nag kukulang na ba ako? Ano pa bang kailangan kong gawin? Huwag ka lang umalis..." Halos bulong na lang ang huling sinabi niya

"Kailangan ko 'tong gawin para saatin... Para sayo." Lumuhod din ako at pinunasan ang mga luha na tumutulo sa mata niya, "Bitawan mo na ako. Kahit magalit ka na saakin buong buhay mo, bitawan mo lang ako ngayon." Pag mamakaawa ko

Umiling lang siya nang umiling saakin umiiyak pa rin, "Hindi! Hindi 'yon ang gusto ko! Huwag mo 'kong iwan. 'yon ang gusto ko."

Tumayo ako at inayos ang sarili ko, pasensya ka na.

Kaagad akong umalis ng apartment namin. Alam kong isusumpa niya ang araw na ito, baka nga pati ako isumpa niya eh. Pero hindi ko na inisip 'yon, mas inisip ko ang kaayusan naming dalawa.

Para sakaniya naman ang ginawa ko eh. Sa susunod malalaman niyang para sakaniya ito, lahat naman nang ginagawa ko ay para sakaniya. Para sa ikakabuti at ikakasaya niya, kaya nga kada may ginagawa ako ay sobrang saya ko dahil para iyon sakaniya.

Bumalik lang ako sa katinuan nang may tumawag sa cellphone ko, kaagad kong pinaray 'yon at inayos ang gamit para lumabas na. Nakakahiya! Sobrang ingay ng cellphone ko lahat sila nakatingin saakin!

Zayne:

Ano ka ba? Nasa lib ako! Nakakahiya biglang tumunog ang cellphone ko.

Tinext ko na lang ang tumawag.

"Hinahanap ka na? Baka nag aalala na sayo 'yon." Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko, saan siya nanggaling at di ko manlang siya napansin

Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit ka nakikibasa? Wala ka bang cellphone?" Inirapan ko siya at umalis na ron, nag chat na rin ang huling prof ko ngayong araw na wala siya kaya uuwi na ako.

God! Bakit ba ganito?

Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ulit siya. Maamoy, o kahit lapitan niya.

May mga parte sakaniyang nag bago na.

Pero para saakin, siya pa rin naman yung minahal ko.




:/

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe Where stories live. Discover now