Payo.

5 0 0
                                        

Hanadi's P.O.V

4:43 pm pagtingin ko sa relo ko

kabababa ko lamang sa tricycle na sinakyan ko mula bayan, marahan akong pumasok sa aming tahanan at inilapag ang aking gamit pansamantala sa upuan.

"Ina! nakauli aku den!"
(Ina! nakauwi na ako)
sigaw ko sa loob ng aming tahanan sapat lamang upang marinig ako nito kung nasa loob man siya ng tahanan.

"nya ku sa dapuran"
(nandito ako sa kusina)
pagsagot naman nito at agad naman akong nagtungo sa kinaroroonan nya.

lumapit ako dito at nagmano na medyo ikinagulat ng aking tiyahin,

hindi sila sanay sa pagmamano kasi wla namang pagmamano sa mga muslim, nakasanayan ko lamang dahil lumaki ako sa maynila.

Maging ang pag gamit ng po at opo ay hindi rin ginagamit dahil sa ibang lenggwahe dito.

Tiyahin ko lamang si Ina pampao, ngunit Ina ang tawag sakanya ng lahat ng naninirahan sa aming tahanan kaya't nakasanayan ko na rin siyang tawaging Ina.

"kimang ka den?"
(kumain kana?)
malambing na tanong nito

"da pen, way a di aku pen gagutem"
(hindi pa, pero hindi pa ako gutom)

"Ina? endaw si Apu Cayaga?"
(Ina? nasan si Lola Cayaga)
tanong ko sa tiyahin kong abalang magluto

"Lu basi sa masela walay, doken?"
(Andun yata sa malaking bahay, bakit?) tanong nito pabalik.

"da bun aden ibagidsa ku lun, angayan ku dan sekanin ah"
(wla naman may itatanong lang ako, puntahan ko lang siya ah)
ani ko.

"dika dan, amag ka bu di nengka gelay? mariga lupa saguna di ka belyu, makakwa ka sa sakit na duwan nengka den(wag muna, ipagpabukas mo nalang yan di mo ba nakikita? mapula ang lupa ngayon huwag kang lalabas, makakakuha ka ng sakit, kawawa ka)"
napakunot naman ang noo ko at medyo natawa

"Oh Ina! 2023 den saguna (2023 na ngayon),
naniniwala pa po kayo sa ganyan?HAAHHA wla na pong ganyan ngayon, maganda lang ang sikat ng araw kaya ganyan ang kulay ng paligid."
natatawang sambit ko

sinamaan lamang ako nito ng tingin nanahimik naman ako.

MARIGA LUPAHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora