"Awwwe, ang sweet!" sabay-sabay na sabi ng mga besties ko tapos biglang..
*CLick!
Napabitaw kami bigla then I saw Trisha ang lapad ng ngiti at may hawak na DSLR.
"Rememberance lang! HAHAHA guys tingnan niyo oh ang sweet! HAHAHA" sabi niya sabay pakita nung picture namin sa iba. Bumalik yung attention ko kay Luis.
"Paano.." sabi ko..
"Diba promise ko sayo uuwi ako at aattend ako ng graduation niyo ni Trish? Congrats pala may award daw siya hahaha." sabi niya then tumawa. Pinulot niya yung Cap ko na nahulog kanina at sinuot sa ulo ko.
"Hala? Diba si ano yan.."
"Familiar yung mukha niya noh? teka sila?"
"OMG! di nga? Haba ng hair ni Jessie ah!"
"Keks!"
Napalingon kami dalawa. Ang dami palang nakatingin samin. Siguro na gulat kasi sa school na to isa lang akong commoner. Medyo madami namang nakakakilala sakin pero ako kasi yung type na simple lang talaga at sino naman ang di mabibigla isang "Luis Torres" na gwapo, mayaman at mabait na magkakagusto sakin? Parang fairytales lang. tsss.
"Don't mind them." sabi niya then smile at sabay hawak ng kamay ko naglakad kami papalayo sa mga tao. Dun kami sa may side ng backstage, Di kalayuan kung saan sila Trish ngayon nakatayo at nagpipicture-picture.
"Are you okay?" sabi niya sabay tap ng balikat ko.
"Kaw kasi eh!" Sabi ko sanay hampas sa kanya. Hinawakan niya yung kamay ko.
"Did I do something wrong or what?" worried na sabi niya.
"Wala. I miss you hahaha!" sabi ko sabay hug sa kanya! pero bumitaw din naman ako agad.
"Di ka na maxadong nahihiya sakin ngayon? Ikaw na gumagawa ng first move hahaha." Biro niya.
"Errr ikaw naman kasi eh!" parang inis nasabi ko. Pero joke lang yan siyempre.
"I love it when you hug me first." malumanay niyang sabi kaya napitingin ako sa mata niya.
"I love you hehe." - Luis
Di ko siya sinagot. Ngumiti lang ako at hinalikan ko siya sa cheeks. Ewan ko ba't ko ginawa yun. Grabe ang landi ko na simula nung nakilala ko si Luis pero so what? Mahal ko eh! Pramis yun ang first ang last kiss ko sa kanya habang di pa ako nakakagraduate ng college. Atleast
"What was that for?" sabi niya sabay hawak sa cheeks niya nang nakangiti.
"Sagot yun sa tanong mo hahaha." sabi ko at tumakbo na ako sa banda nila Trisha.
Napapicture kami ulit ng barkada at si Luis pa naman ang ginawang photographer ni Tisha? hahaha. Nagpapicture din kami ni Luis. Ang dami nang nagtatanong sakin kung bf ko ba daw siya..
*flashback
"Bf mo?" sabi ng isa sa mga kaklase ko.
"Oo! besftried ko." sabi ko naman sabay tingin kay Luis.
"for now." bulong naman ni Luis pero narinig ko parin hahaha.
*end of flashback
"Uy! Jessie si tita papunta dito." sabi sakin ni Trish. Si mommy papalapit dito?
Tiningnan ko papalapit nga!
Nakatinginan kaming lahat then after nilipat nila yung tingin nila kay Luis.
"What?" inosenteng tanong ni Luis. So cute! Di nila sinagot kundi tinawanan lang hahay.
"Hi tita!" sabay-sabay nasabi ng mga besties ko sabay beso kay mommy. Kilala na kasi silang lahat ni mommy.
"Hello hahaha. congrats sa inyo sa wakas graduate na talaga." sabi sa kanila ni mommy then napansin niya ata si Luis sa may likuran ko.
"Oh sino naman tong pogi?" si mommy tinutukoy niya si Luis. Ngumiti si Luis.
"Hello po tito, nice meeting you po" sabi niya sabay beso kay mommy. Mukhang nagulat nga si mommy pero ngumiti naman siya after. Part na ata talaga sa family nila Luis na magbeso after magreet.
"Ehem!" sabi ni Trish sabay tingin kay Luis at sakin.
"Ah ehh..Mommy ano.. Si Luis po mi." sabi ko sabay kamot ng ulo. Biglang naliwanag yung mukha ni mommy. Di siguro siya nag-expect na yung kinukwento sa kanya ay makikita niya na sa personal.
"Luis Torres?" tanong pa ni mommy.
"Uhm, opo tita." Nahihiyang sagot ni Luis.
"Uy Alex! Kilala daw siya ni tita!" tukso ni Trisha.
"Ayieeee hahaha." sabay pa nilang tukso.
"Hmmm, so ikaw pala yung kinukwento ni Jessie." Shit! Nakakahiya! Sinabi pa ni mommy.
"Really po?" sabi ni Luis sabay tingin sakin at ngumiti.
"Oo, totoo nga gwapo ka iho." tapos nagtawanan na silang lahat ako? Namumula sa kahihiyan.
"Uy! tita, mga besties and to you na gwapo daw hahaha. mauna na ako ha? Congrats ulit satin labyou girls." sabi ni Raylee at umalis. Nagsi-alisan narin yung iba. Di ko napansin kami nalang pala nila Trish, mommy at Luis ang natira.
"So cousin mo pala to Trisha?" tanong ni mommy.
"Opo tita haha. bridge ako ng dalawa hahaha." loka-loka talaga tong si Trish.
Nagkwentuhan lang kami hangang sa nagpumilit na si lil bro ko na umalis na daw kami at kumain daw kami sa labas kaya ayon. Ininvite kami nila Trish na dun nalang sa resto nila kumain pero tumangi ako kasi nahihiya ako kaya ayun nagkaseparate ways narin kami.
Habang kumakain kami sa isang restaurant....
"Jessie, swerte mo ha! Ginayuma mo noh?" ayan na naman si mommy!
"Mommy naman eh! Ganun ba ako kapangit ha?" biro ka naman.
"I'm just kidding honey. Dalaga kana talaga at lumalovelife kana pero kahit ganun yung studies, lalo't magcocollege kana mas lalong busy na. matuto kang magbalance at magprioritize okay?" char!
"Oo naman! And mommy di naman kami. Patay ako kay daddy pag nagkataon noh!" sabi ko.
"Dun parin ang bagsak niyo! haha. Di naman magagalit ang daddy for sure kung makikilala niya yun. Siguro pasado din siya sa daddy mo." - mommy.
"Mommy eto kasi yun. alam niyang bawal pa ako kaya ayaw niya akong ligawan pero like namin ang isa't-isa. and besides bata pa kami pwede pang magchange ang feelings namin at marami pang pwedeng mangyari sa paglipas ng mga taon. At mommy babalik ulit si Luis sa states para tapusin ang highschool niya doon… delay kaya siya doon kaya next next school year pa siya makakabalik dito at dito na siya magcocollege." sabi ko.
"Mabuti naman pero gusto ko yung Luis na yun. Okay siya sakin tapos gwapo pa." Hay si mami talaga kahit kailan.
"Yeah! pero alam mo kung anong special about him mi? He's willing to wait. Kahit di kami parati niyang pinapafeel na mahal niya ako kahit nasa ibang bansa siya parang nandito parin siya. Hindi siya possessive sa akin kasi my tiwala siya sakin and I hope sana hindi siya mapagod maghintay sakin." sabi ko. Ano bato ang seryoso naman ng usapan namin ni mommy hahaha. Ngumiti si mommy.
"Feel ko seryoso talaga yun sayo. Yun kasi ang nakikita ko sa kanya kanina. If he really loves you? Di yan mapapagod. Remember True love waits honey!" sabi ni mommy.
Yeah True love waits. Di ko akalain na sasabihin din yan sakin ni Mommy. Sana nga di siya pagaod kasi kahit di naging kami then mawala siya sakin di ko alam pero feel ko di na ako makakasmile ng tulad ng dati. Part na kasi siya ng buhay ko ngayon. Ganun din ang mararamdaman ko kapag nagkahiwalay na kami nang mga besties ko.
Ang saya ko!
Ang best graduation gift siguro para sakin ay yung pressence ni Luis sa graduation. He never fails to surprise me.
Kaya di niyo ako masisisi kung mahal na mahal ko na siya ngayon at mas mamahalin pa.
YOU ARE READING
Wrong Send (Completed)
RomanceThis story is fictional and semi-non-fictional story. Naexperience mo na bang may mawrong send sayo na stranger? If yes.. well makakarelate kayo sa story nila. Who would have thought that with just one incorrect digit, will lead you to a another c...
Wrong Send - 26 - The Final Chapter
Start from the beginning
