Wrong Send - 26 - The Final Chapter

Start from the beginning
                                        

"It was you! That water guy!" Sabi ko with gulat and di-makapaniwala look.

"And there, you remember me, water guy huh? hahaha." Sabi niya then ibinalik niya yung position naming dalawa kanina yung hawak niya ang isang kamay ko at yung isang kamay niya nakahawak sa bewang ko parang nakahug lang. He's sweet, super sweet no doubt! Siguro ang landi ko tingnan sa position namin ni Luis pero it almost 1 am na rin kasi so close na yung resort. Sabi ko noon sa mga nakikita ko na katulad sa position namin ngayon ni Luis is "PDA" at "EWW" at pinibigyan ko pa ng "eww" look, eh sa bata pa ako nun pero pag ikaw na mismo ang nasa position... Ang sarap pala sa pakiramdam, yung feeling na kahit di kayo magsalitang dalawa yun ang best converstation niyo. 

*end of flashback

"Sweety congrats!" 

Napalingon ako Si mommy pala sabay hug sakin. So sweet. My lil bro also greeted me and gave me a hug after nun is iniwan muna ako nila mommy sa mga besties ko kasi chika daw muna siya sa friends niya na nandito din mga mommy ng kabatch namin and sumama din sa kanya yung lil bro ko.

"Chosera tayo ha! Lahat tayo may award sama muna ang loyalty medal! HAHAHA." sabi ni Bea.

"Oo nga eh! Ang sipag kasi natin hahaha may teamwork pa!" sabat ni Trisha.

"Hahaha! Wag kana! Walang gumagraduate na di pa nakatry magcheat noh! And besides it's not cheating its.." 

"TEAMWORK!" sabay sabay naming sabi hahaha. Sa barkada kasi namin when it comes to assignments and activity nagtutulungan kami sa isa't-isa pagdi ko alam ang sagot tapos may sagot yung iba naming besties ikukopya namin then same sa kanila sa akin. Pero pagdating sa exam, HONEST kami yes! Iba na kasi ang usapan pagtest.

Sinusulit namin ang mga sandali kasi ang iba kasi sa mga besties ko sa manila na mag-aaral. Picture dito picture doon. Nagpapicture din kami sa mga batchmates namin. Nagbigayan din kami ng graduation gift sa isa't -isa or should we say na "remembrance".

Enjoy lang kami sa pagpapapicture then biglang nagvibrate ang phone ko. Kumunot ang noo ko kasi unknown number eh. Sino naman kaya tong tumatawag?

 * * * * *

"Hello?" - ako

"Congratulations Jessie!" - Uknown #

O_O

Yung boses...

si Luis?

"Luis?" patanong na sabi ko. 

"yup!" 

*TOOOT

* * * * *

Tapos biglang nag-end call. Anyare dun? Tawagan ko kaya ulit? hmmm.

"Ba't nakasimangot ka jan?"

O_O

Di nga? Nandito si Luis sa graduation ko? Lumingon ako and there I saw the guy I love.

Mas naging gwapo siya. Mas pumuti siya at tumaas na naman yung buhok niya. Di na siya kulay black. Peanut brown na yung kulay ng buhok niya then mas naging masculine na yung dating niya ngayon kung sabagay almost a month ko rin siyang di nakita paano ba naman a week after ng prom namin is bumalik siya dun sa states kasi nag-excuse lang pala siya, wala kaming communication sa text sa fb naman paminsan lang din kasi busy ako kasi finals narin namin pero kung di naman kami mag-abot sa fb… always naman siyang nagleleave ng private message sakin sa fb.

"Miss me?" sabi niya sabay wink sakin then lumapit siya sa akin and gave me a hug. Nahulog pa nga yung Cap ko hahaha. Ito rin yung one thing na nagbago samin mas naging kumportable kami sa isa’t isa di lang sa text or chats, sa personal narin. Di narin ako nahihiya sa kanya. Konti nalang.

Wrong Send (Completed)Where stories live. Discover now