Sa loob ng isang bar, naroon at nakaupo si Mio Francisco. Mahaba ang buhok at itim na itim na hanggang balikat. Suot ay itim na closed neck shirt at brown na jacket. Tahimik na sumisimsim sa alak na hawak-hawak nya sa kanang kamay habang natingin sa entabladong nasa kanyang harapan. Sa entablado, naroon naman si Ken, kalong ay gitara, suot ay T-Shirt na puti at sumbrerong itim.
"Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin"
Habang umaawit, ay siya naman pagsulyap nito kay Mio na nasa msimong harapan ng entablado. Nakangiti nang bahagya, ngunit batid na nya ang hapdi ng kanyang mga mata.
"Huwag mangamba, hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig."
Paunti-unti ay namumuo na rin ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Sadyang ganito ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala, hinanakit sa 'ki'y walang-wala."
Kasabay ng pagtugtog ng gitara ay siyang pagbigkas niya ng mga liriko, at nang kanyang sulyapan muli si Mio, naroon at natanaw niya na mayroon nang lalakeng nakatayo sa tabi nito. May dalang bulaklak... humalik sa labi ni Mio upang bumati. Batid ni Ken, na ang taong bumati at humalik sa kanyang mahal... ay ang taong siyang minamahal ngayon nito.
"At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin."
Sa punting iyon, tuluyan nang umagos ang butil-butil niyang luha, gumulong sa kanyang namumulang pisngi. Dahil sa kanyang suot na sombrero, walang ni isa sa mga taong nakapaligid ang nakapansin. Itinuloy nito ang pagpe-perform sa kabila ng sakit na nararamdaman nya nang mga oras na iyon.
Nang matapos ang performance nito, mabilis syang bumalik sa backstage, tinakbo ang dressing room at doon ay nagkulong.
Sa height nyang 186cm, ay nagkasya sya sa loob ng masikip na wardrobe, sa boses nyang baritono, nagawa nya itong pigilin at tahimik na lumuha. Batid nyang oras na mapansin ni Mio na wala na siya sa entablado ay hahanapin siya nito, sapagkat nangako siya rito na... hindi niya kailan man pipilitin si Mio na mahalin siya ulit, kaya naman, ang kaawaan sya nito... ay batid nyang maaring maging dahilan upang manumbalik ang pagtingin ni Mio sa kanya. Pero, hindi 'yan ang gusto nyang mangyari. Sapagkat alam rin ni Ken, na kahit mayroong namamagitan sa kanila ngayon... hindi iyon magiging sapat para piliin sya nito, kaysa kay Rico, ang boyfriend ngayon ni Mio.
"I will not force you to love me again, but I will not leave your side. Allow me to love you, allow me to take care of you... allow me to feel your skin, feel your lips and kisses... for I can't live a life without you. I am not saying this so I could tie you to my feelings, am also not asking for you to pity me. I loved you, I love you now and then... and I will keep loving you."
Iyan ang mga binitawan nitong salita nang sya ay magmakaawa rito upang huwag syang iwanan nang mga panahong nalaman nyang... may iba nang mahal si Mio, at iyon ay si Rico.
"Hindi na kita Mahal... Ken. Alam mo 'yun. Mahal ko si Rico, at mahal nya rin ako. Hindi ko magagawa ang gusto mong mangyari... hindi ko siya kayang lokohin, hindi ko rin kakayaning lokohin ang sarili ko." Anang Mio na pilit kinakalas ang mahigpit na yakap ni Ken sa kanyang katawan, yakap na nagpapabatid na ayaw sya nitong bitawan o hayaang makalabas sa tahanang saksi sa kanilang malalim na pinagsamahan at mga pinagdaanan.
"Alam ko! Alam ko, Mio. Hindi ko kayang bitawan ka... dahil mahal na mahal pa rin kita." Sagot naman nito...
"I thought you said you didn't want me to pity you? I thought you said you wouldn't force me to- hmmm!"
Malalim na halik ang dumampi sa kanyang mga labi bago pa man nya matapos ang kanyang nais sabihin.
Mainit at puno ng pananabik.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, malambing na nagbigkas si Ken, "Hindi ko na maibabalik ang dati... alam kong malaki ang naging atraso ko sayo, alam kong di mo na ako kayang mahalin nang gaya ng dati... pero kung ang tanging paraan upang makasama kita ay maging panghuli lamang sa puso mo, matitiis ko yun gaya nang paano mo tiniis ang lahat noon. Kaya kung higitan yun, Mio. Kahit anong sakit, kahit anong hirap, kahit ilang beses mo akong saktan, at kahit ilang beses mo syang piliin kaysa sa akin... kaya kong tiisin lahat yun wag mo lang akong iwan. I can just be... your side lover. I can give you everything! My heart, my time, my life, my everything! Just please... let me have a space in your heart! I just love you so much... I don't know how much I can take... but not being by your side is going to kill me." Hagulgol nito habang pilit na ikinukubli ang katawan ni Mio sa kanyang yakap.
"Kung noon ay sinabi mo sa akin ang mga salitang yan... baka masaya siguro tayo ngayon. Kung noon maaga mong narealize na hindi mo ako kayang bitawan, na ako lang ang kailangan mo... na hindi mo kailangan nang ibang babae o lalake sa buhay mo, edi sana hindi tayo nasasaktan nang ganito!" Siya ring paghagulhol ni Mio.
Muli ay hinalikan ni Ken si Mio nang mariin, punong-puno ang pananabik at pagmamahal. Kasabay ng pagsasama ng kanilang mga labi, ay siya ring bulong nito sa kaniyang isip.
"I... am so sorry, for the hundredth time, I am so sorry for what I did to you. I am so sorry I have hurt you before, I am so sorry I have let you fall out of love with me, I have made you seek someone else's love... yet the thought that I have made you this way... gives me hope that someday... you'd look my way again."
"Let me go, Ken. Please." Mariing bigkas ni Mio saka ay marahang itinulak si Ken.
"Alright." Pagtango naman nito, "But... tell me, Mio. Tell me that I still have a place in your heart."
"There is none, Ken." Sagot nya ngunit nakabaling ang kanyang mga mata sa may ibaba.
"Look me in the eyes. And tell me the truth. I may have not loved you right back then, but I remember how your eyes looked whenever you tell me a lie or a truth. I may have not looked at you right back then, but I clearly remember how your eyes looked like whenever you told me you loved me. Now, Mio... tell me you don't love me anymore... and look into my eyes."
Trembling with anxiety, as he did not want Ken to figure it out, Mio answered with disbelief in his voice upon hearing what Ken had said.
"I... I... don't..." hindi nito magawang sabihin ang mga salitang ayaw nyang ring bigkasin, sapagkat kasinungalingan lamang iyon.
As soon as he saw how Mio's hands were trembling, "That's enough for me. I know when you're lying and when you are telling the truth. Your eyes, I already know the truth. I love you, Mio."
Mio, at that moment, knew he can never escape Ken's love. After all, he was his First and Greatest Love.
That night, their affair has begun... an affair that keeps Ken's sanity.
YOU ARE READING
The Side Lover
Short StoryKen, 28 year-old hopeless romantic bestfriend, and a side lover of Mio, no matter how painful he's feeling and no matter the hardships he's going through in the name of love... he endures every single bit of pain. As he wants to keep being by his lo...
