chapter 1

30 7 0
                                        


Isang maaliwalas na umaga noon na may maalinsangang hangin ng tag araw nagsimula ang istorya. Alas nueve ng umaga ng nagising si Kiel sa mala trumpetang tinig ng kanyang ina na nayayamot at pikon na pikon sa ginawang kalokohan ng kanyang kapatid

Mama Berta: Damuho kang bata ka Rica, araw ng pagtatapos mo ngaun, bakit hindi pa nakahanda yang mga susuotin mo!. Yung toga mo, hindi pa nalalabhan, yung sapatos mo hanggang ngayon hindi mo pa nakukuha kina mang nonoy.. nung nakararaan ko pa iniutos sayo yun!!!

Rica: Dumaan po ako kagabi dun nay, mamayang tanghali daw po maayos yung sapatos ko.

Mama Berta: Eh yung toga mo, bakit hanggang ngayon hindi mo pa nalalabhan.. ano ka ba Rica, mamayang alas tres na ang graduation mo.
                          Wala kang inatupag kundi mag cellphone ng mag cellphone!
                           Anong oras nanaman ba kayo ng kuya mo natulog at parang mas malata pa kayo sa inunab na sinaing kung magkikilos!

Palahaw na sermon at bunganga ang maririnig mong ingay sa tahanan ng ating bida.

Rica: Opo nay, eto na po.. lalabhan ko na't iddryer para madali matuyo.

Mama Berta: Aba'y dapat lang at bilis bilisan mong kumilos!
                         Nasaan na ba yang Kuya mo?
Kiel!!!!!!! Kiel!!!!!! Kiel!!!!!!!
                         Damuho kang bata ka, tumayo ka na dyan, tanghali na! Yung mga kapitbahay mo mayaman na dahil maaga silang magising, ikaw nakatihaya pa diyan at tulo laway pa!!!

Mga matinis na bunganga ang gumising sa binata. Pupungas pungas at padabog na bumaba sa kanilang hagdan.

Kiel: Ma, ang ingay ingay mo naman.. Bakit po?

Mama Berta: Mabuti naman at bumangon na ang señorito namin!!

Kiel: Ma, puyat po ako.

Mama Berta: At bakit?    
                        Parehas kayo ng kapatid mo, dis oras ng gabi bago matulog, cellphone ng cellphone!!!

Kiel: Ma, hindi po ako nag ccellphone. Tinapos ko lang po yung mga reports na ipapasa ko mamaya.

Mama Berta:At nag dadahilan ka pa. Ayusin mo yang pag aaral mo Kiel, bago mamatay yang tatay mo eh sumumpa ka na magiging successful kang tao kaya pag igihan mo yang pag aaral mo!!

Kiel: Opo Ma, alam ko po kaya nga po madalas ako puyat sa pagsusunog ko ng kilay.
Matatapos na po kasi ang school year at tinambakan po kami ng mga reports at thesis.

Rica: Ma, tama na po ang bunganga.

Kiel: Oo nga Ma, nadaragdan yang mga wrinkles.. hmmmmm!  sige ka, papanget ka niyan at baka mag multo si Papa.. sige ka.

Mama Berta: 'Tong mga batang to, Hala sige, pupunta muna akong palengke.
                         Tapusin nyo na yang mga inuutos ko at pagbalik ko eh magluluto pa ako.

At nag gayak na nga si Mama Berta upang pumunta ng palengke upang bumili ng mga lulutuin niyang handa para sa selebrasyon ng pagtatapos ng kaniyang dalagita.

isang tipikal na araw lamang iyon, pangkaraniwang umaga ng pagtatapos at simula.

Mark: bakit ba kasi nainis si mama sayo?

Rica: eh ewan ko ba kuya..ala naman ako ginagawa bigla na lang na badtrip si mama.

Kiel: hayyyyy!!!
di bale..Rica..happy graduation huh

Rica: salamat kuya.

Lumipas ang ilang sandali ng kanilang abalang maghapon ng....

Mama Berta: Kiel anak!

Kiel: Bakit Ma?

Mama Berta: Ikaw na nga umattend ng graduation ng kapatid mo at kailangan ko pang tapusin itong mga niluluto ko.

Kiel: Ma diba sabi mo, ikaw ang magsasabit ng medalya kay Rica. Proud mo pa ngang ikinikwento yun sa mga kapitbahay naten.

Mama Berta:Busy ako Nak.
Oo nga pero sige ako pupunta at mag sasabit ng medalya sa kapatid mo basta ba ikaw tatapos ng mga niluluto ko.

Kiel: Mama naman!

Mama Berta: Anong Mama naman!
                         Hindi ba ako ang gusto mong umattend ng graduation, di ba
                          Pwes! Ikaw ang magluto.

Kiel: Mama naman.

Mama Berta: Hala sige at gumayak na kayong magkapitid, ala una na. Baka mahuli kayo, yang kapatid mo na yan eh parang pagong kumilos.

Tok!! Tok!! Tok

Mama Berta: Anjan na ata si Mareng tess.

Kiel: Mareng tess, sino po yun?

Mama Berta: Yung mag mamake up kay Rica.

Kiel: Aaahh sige po buksan ko lang pinto.

Mareng Tess: Mare, nasaan na ba yung maganda kong inaanak, pagagandahin ko siya ng bongga.

Mama Berta: Rica!!!!! Rica
Bumaba ka diyan, andito na ninang Tess mo aayusan ka nya.

Rica: ( habang bumababa ng hagdan suot ang kulay lila niyang bistida at paruparong ipit sa buhok ay napatingin sa kanya ang lahat)
          Oh bakit nakatingin kayong lahat sakin, relax.. ako lang toh. Ahahahaha!!

Mareng Tess: Eh mare, hindi ko na pala kaylangan i make up tong inaanak ko eh, ang gandang bata oh.
                         Simpleng foundation at lipstick lang eh ok na.

Rica: Ninang, gusto ko po sana ngayon graduation ko eh maganda ako.

Mareng Tess: Maganda ka  na anak, hindi mo na kaylangan ng make up.

Rica: Talaga po Ninang!

Mareng Tess: Oo naman nak, kailan ba ako nagsinungaling sayo.

At totoo namang magandang dalagita si Rica, mula sa natural niyang tuwid na buhok, malamyos at mahahabang mga pilik mata, mga cute na dimples at sa kanyang morenang kutis na mailalarawan mo sa ganda ng bukang liwayway sa umaga ang nagpayabong ng kanyang simple at natural na ganda.

Sa araw ng kanyang graduation magsisimula ang lahat. Ang umpisa ng destiny ni Kiel. Ano kaya ang mga kaabang abang na mangyayari?

Graduation HangoverStories to obsess over. Discover now