Nakatayo ako ngayon sa school bridge na naghahati sa building ng aming classroom, dala dala ang love letter na gusto kong ibigay kay Matthew Lacerna. Umaga palang ngayon kaya hinintay ko sya na dumaan kung nasan ako ngayon. At heto na nga sya, naglalakad, mag isa, at pakiramdam ko may sarili kaming mundo.
"Kinakabahan ako ngayon, at matagal ko nang hinintay 'to. Ang araw na 'to, alam ko maraming pwedeng mangyari sa gagawin kong ito" usal ko sa aking sarili
Malapit na sya sa akin, nasa gitna ako ngayon ng tulay na nag kokonekta sa dalawang building ng school. Nilakasan ko ang loob kong itaas ang dalawang kamay ko hawak ang Love letter na para kay Matthew.
Parang slow motion sa akin ang paglalakad nya nang lampasan nya ako habang nakatingin sa akin. Maraming estudyante ang naririto ngayon at nakita ang ginagawa kong katangahan. Parang na blanko ang aking isipan, natulala sa kawalan.
"Wala ka na bang ibang gagawin kundi tumunganga at hawakan yan?" Matthew Lacerna
At agad ding umalis si Matthew upang pumasok sa una nyang klase.
Huh???? Teka wait, binalikan nya ba talaga ako at kinausap??
Madami nang lumapit sa akin at nag tanong kung okay lang ba ako o kung gising ba daw talaga ako.
"Ayan sya oh, sya nga yon"
Nakaupo ako ngayon dito sa bench ng school namin. At marami pa ding mga estudyante na nandito dahil may oras pa kami para sa unang klase. Nakatambay ang iba, yung iba naman ay napapadaan lang galing sa kabilang building at ang karamihan dito ay mga nakakita ng ginawa ko kanina.
"Ang balita ko binigyan nya ng love letter si Matthew ng Class A" Girl 1
"Talaga?!" Girl 2
"Mukha namang may sayad ee" Boy 1
"Grabe, nakakahiya kay Matthew, natutula sya sa harap niya" Girl 3
"Ano kayang section 'to" Boy 2
"Sa tingin ko Section F yata" Boy 1
"yan ang mahirap kapag mahilig ka mag day dreaming" Girl 1
Naguusap sila na parang wala ako dito. Ano, wala ako dito??? Hindi ba nila ako nakikita na nandito lang pinag uusapan nila. Haaaay!
Napalingon ako sa kanila dahil biglang tumahimik, na sana hindi ko nalang ginawa.. Dahil pinalibutan nila ako at pinipilit nilang kunin sakin ang love letter na hawak ko na dapat ibibigay ko kay Matthew.
Gusto kong umiyak dahil ang gusto ko lang naman ay mag-confess sa taong matagal ko nang gusto pero bakit ganito... Bakit ganito ang nangyayari.
Hanggang sa... nakuha na nga nila sa akin ang love letter na hawak ko, andami nila..
--
"Summer!!.... nasan ka baaaa??"
"Summeeeer!!!"
"Summer nandito ka ba?.... sumagot ka kung nandito ka"
Bigla akong naalimpungatan sa boses ng mga kaibigan ko. Nakatulog pala ako dito sa Gym ng school habang katabi si Fluppy. May malaking teddy bear kasi dito sa gym at yun ang pinangalan ko sa kanya.
"Summmer!! Huwag ka nang magtago dito, magpakita ka na sa'min"
Lumipat ako ng pwesto, nagtago at umupo ako sa likod kung saan nakalagay ang mga trophies ng school namin. Ayaw ko muna kumausap ng ibang tao. Ayaw ko muna ng kausap. Naipatong ko ang aking ulo sa aking tuhod at tumungo.
"Summer... Hindi ko alam na ginawa mo rin pala" Carmen
"Naloloka ka na ba? Bakit mo itinuloy?" Mae
"Umaga mo pa talaga ginawa, ang galing ng tayming mo... at habang papasok pa ang lahat sa klase" Carmen
Umiyak na ako ng tuluyan sa kanila.. Hindi ko na mapigilan ang halo halong nararamdaman ko....
YOU ARE READING
Living With The Man Who Rejected Me
HumorAfter an earthquake leaves Summer Punzalan and her father homeless, they move in with her father's old college friend. To her surprise, her new kind and amicable aunt and uncle turn out to be the parents of Matthew Lacerna, her cold and genius schoo...
