Sige Na.

16 0 0
                                        

Sige na,

Ako'y susuko na sa giyera,

Itataas ang puting bandera,

Sige na,

Sa iyo na sya,

Dahil alam kong mas malalim,

Ang nararamdaman mo para sa kanya

Isa lamang akong makata,

Na nagbibigay aliw sa kaniyang hari at reyna,

Hindi ko kayang makipag-tunggali sa isang prinsipeng,

Nakatakdang ipakasal para sa kaniyang prinsesa

Isang hayop,

Sa itinakdang lupa para kay Adan at Eba,

Isang piyesa,

Sa harapan ng mga obra maestra,

Isang papel,

Sa harapan ng mga libro

Oo na sige na,

Sa iyo na sya,

Ngunit alagaan mo siya na parang isang hardin,

Isang hardin ng mga bulaklak,

Na siyang tuloy-tuloy na lumalago,

Mahalin mo siya ng lubos, 

Upang maramdaman niya ang langit sa iyong mga kamay,

Oo na sige na.



Sige Na.Stories to obsess over. Discover now