CHAPTER I

36 1 0
                                        

ZURIELLA CORIN OCAMPO LEGAZPI

AXEL HANZ CASTRO VILLAMORA

CADE JAZZEN MONTALBO ARELLANO

MARGALOTTA SISON REVILLA

FIRNANDINO VALDEZ SANTIAGO

BRIXXTON SOTTO DE VERA

DAPHNE GWYNETH OCAMPO GARCIA

ADAN JUNIA CARLOS

YAEL LANCABA COSTA

----ZURIELLA CORIN POV----

"Zuri!!!" "Zuri!!!" Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang malakas na hampas sa braso ko. Di ko namalayan na nakaidlip na pala ako. "Nakikinig ka pa ba sa akin? Ba't ka ba ganyan?" Una di ko pa siya pinapansin kasi nararamdaman ko pa ang kirot sa balikat ko na alam kong siya din ang humampas. Tinignan ko lang ito ng masama.

Bigla kong naalala na panay kuwento ito kanina tungkol sa ex-boyfriend niyang singer, na ngayon daw ay nagpaparamdam ulit sakanya.

Sino ba naman kasi ang hindi mag sasawa makinig sa paulit-ulit na kuwento. Isa pa, ayaw ko don sa ex niyang yon. Cheater! Nakalimutan ata nito na ilang beses siyang niloko tapos kinikilig pa.

"Nakikinig ka pa ba?" Naiinis na tanong nito at tumayo ito sa kinauupuan. "Balik nalang kaya ako sa upuan ko." Halatang na offend ko na naman ito.

"Alam mo naman diba kung gaano ko kinaiinisan yung ex mo na yon?" Sabi ko na parang naiinis na ako.

"Matagal na yon. That was 3 years ago." sabi nito na parang nangungumbinsi. "Matagal na akong naka move on, nakalimutan ko na iyon at hindi ko sinara yung door para sa mga taong gusto magmahal sa akin kaya nakadalawang ex pa ako after him, diba? Siguro dahil naniniwala talaga ako sa character development." Sabi niya at umupo ulit sa tabi ko.

Batokan ko kaya ito. "Naririnig mo ba sinasabi mo, Margalotta?" Naiinis na talaga ako. Bigyan ko kaya ng award to. "Hindi kasama ang mga cheater diyan sa character development na yan. Once a cheater-"

"Binabago ko na." Paninindigan nito. "He really changed a lot. The way he thinks, he looks like a grown up now. The way he talks, he is more aware of his words. Mapapansin mo talaga na matured na siya hindi na siya yung tipo na pafall lang. You know what I mean naman, diba? Yung dating Adan parang si Brixxton lang ngayon. Sobrang pafall, diba?" Sabi nito na parang may gusto ipahiwatig.

"Don't compare them. Magkaiba sila." Hindi ko alam kung maiinis ba ako o talagang mas maiinis pa. "Magkaiba sila, okay? Manloloko si Adan, Brixxton is just-"

"Pafall." sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. Parang ayoko nang makipag-usap. No sense at all.

"Bestfriend ba talaga kita? Bakit parang kailangan kong hingin yung permission mo." Sabi nito na parang nagdadrama.

"Kailanman hindi ako nanhimasok sa personal mong buhay kahit alam kong nagmumukha ka nang ewan. Hindi mo kailangan hingin ang permiso ko, you can date whoever you want. Hindi ko lang ma de-deny sayo na hindi na ako komportable sa Adan na yan." Sabi ko at tumayo na ako. Lalabas nalang ako ng room para maputol ang usapan namin. Hahaba lang ang usapan na wala naman saysay.

"Zuri." Palabas ako ng classroom at sumunod ito sa akin. Pero hindi ko ito pinansin. "I'm sorry, okay?" Sabi nito habang nakasunod parin sa akin. "I want you to give him another chance. Alam ko naman naapektuhan ka din sa nangyari sa amin, sa akin. It was an unforgettable experience. Traumatizing!" Patuloy nito pero hindi ko parin siya nililingon. "I love him."

A Perfect NumbHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora