Taong 2012-2013
"At ang nakakuha ng unang parangal ngayong taon sa 3rd year - RIZAL ay walang iba kundi si Dela Cruz, Carl Joshua P."
Nagpalakpakan ang mga tao habang paakyat ako ng entablado, pero pang-ilang taon na ba akong umaakyat sa entablado ng aming paaralan para sabitan ng medalya?
Hmmm... sa palagay ko labing-isa na siguro ngayong high school? Hindi ko na maalala.
Bakit nga ba ako nagsisikap na mag-aral at sumali sa iba't ibang patimpalak? Syempre kailangan kong makakuha ng Scholarship para hindi na mahirapan sina mama at papa sa gastuhin 'pag nagkolehiyo na ako.
Ako si Carl Joshua, CJ for short, labing-pitong taong gulang, hindi kami mayaman, pero nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at mayroon pang minindal, kumbaga Middle class family.
Simple lang naman ang buhay ko simula elementarya, papasok sa umaga tapos pag-uwi sa hapon gagawa ng takdang-aralin tapos maglalaro. Hindi kasi uso ang social media sa lugar namin, simple lang kasi ang buhay sa probinsya, ang mahalaga lang may telepono na pwedeng pantawag at pantext sa mga kamag-anak namin.
Isang taon na lang makakatapos na ako ng high school, apat na taon sa kolehiyo at makakapagtrabaho na din ako! Maiaahon ko na sila mama at papa at magpapagawa ako ng malaking bahay at dun mamumuhay ng masaya kasama ang mga magulang ko at ang magiging asawa at anak ko.
Ipapakita ko sa tunay kong ama na kaya ko ng wala ang tulong niya. Oo, anak ako sa iba, anak ako ng mama ko sa ibang lalaki pero swerte nga ako dahil tinanggap ako ng pangalawang asawa ni mama. Hindi na sila nagkaanak dahil may edad na rin si papa at masaya na daw sila sa isang anak. Iniwan ako ng tunay kong ama bago ako ipinanganak, hindi niya ipinaglaban si mama kaya ako may itinanim na galit sa kanya.
Kaya kung dumating ang babaeng para sa akin ipaglalaban ko siya kahit kanino man at hindi ko na siya papakawalan.
YOU ARE READING
Tuloy pa rin
Teen FictionA short story of two persons being parted because of one's dream.
