Sa rami ng kailangan kong gawin nakakaligtaan ko na ang ibang dapat talaga. Kagaya na lamang ng pagkain. Ilang araw na ba akong gutom?
Nakakapressure mag-aral, lalo na kapag may multong bumubulong sa'yo ng kung ano. Nakakainis talaga mga boses na 'yan pero mas nakakairita kapag sa ulo mo mismo nanggagaling.
"Roselle! Kanina pa kita tinatawag, ano ba?!"
"Y-Yael.."
"Kanina ka pa ah. What's the prob?"
"Pwedeng sa susunod na lang tayo mag-aral? Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko eh."
"Gutom ka lang eh. Tara sa Canteen."
"Tubig lang, sapat na." Plastic akong tumawa hoping he'd buy that.
"Libre ko"
"Ba't 'di mo naman sinabi agad?!" Masaya kaming tumungo sa Canteen.
Lumipas ang isang linggong impyerno. Hindi na niya ako pinapansin.
"Yael, ano bang nagawa ko?" Nagmamaka-awang saad ko.
Hindi ito natinag at nagpatuloy sa paglalakad. Bakit kaya siya umiiyak. Mag-aaral pa kami 'di ba.
"Hoy, teka-"
Pinagtitinginan ako ng mga tao sa daan na para bang isa akong hibang. Sumakay si Yael sa Jeep at hindi na lumingon pa.
Umaambon...
Lumalakas and ulan...
Ang ginaw...
Yael, 'wag mo akong iwan, please. 'Wag kang umalis.
Sobrang nakakasilaw ng ilaw, nyeta.
Pula
Asul
Pula
Asul...
Puti?Dilaw?Aray
"Gano'n po ba kalubha ang damage sa ulo niya, doc? Will she ever recover?"
"Unfortunately, we can not yet tell, sir. She's under observation."
"Kailan siya magigising?" Boses ng babaeng nanginginig ang naririnig ko.
Hindi ako makagalaw. Ni pagbukas ng mga mata, mahirap para sa akin. I want to stand up but my legs feel so weak. It's almost like... I lost them.
Teka, exam bukas. I have to stu-
She's Roselle. One of my batch mates noong highschool. Matalino, competitive, at lalong conscious sa grades. Matagal at taimtim kong tinititigan ang mukha nito sa isang tarpauling naka paskil sa isang poste sa may iskinita ng baranggay kung saan siya nakatira noon. I took a picture of it.
Parang kailan lang..Sabay pa kaming nangarap. Look where we are. Bakit mo naman ako iniwan.
Imbis na congratulations ay rest in peace ang nakalagay.
I'm so sorry, Roselle.
I'm so sorry.
