MOH: Gone So Young 16: Ang Kulit ni Maggie.

1.1K 7 1
                                    

GSY SIXTEEN: ANG KULIT NI MAGGIE. 

KIM’S POV:

Yehey! October na ngayon! Malapit na ang Christmas! Pero syempre hindi naman ako ganun kaexcited eh. Hahaha slight lang.

“Mira! Samahan mo naman ako!”

“Saan?” 

“Dun lang sa gym. Tinatamad pa ko magpractice nung kakanin dayog na sayaw eh.” 

“Eh. Ayoko. Tinatamad ako. Si Daniel naman andun.” 

Paanong hindi magiging busy? Eh nagbabasa ng Twilight?!

“Dali na! ang KJ mo naman eh.” 

“Andun nga si Daniel. Sige na. kaya mo na yan.” 

“Hay nako. Okay fine.” 

Iniwan ko na yung mga kaklase kong busy. Busy sa Twilight!

Umakyat na nga ako papuntang gym. Nakasalubong ko si JC. As usual kasama niya si Lorraine. Hindi ko naman sila inisnob.  Nag.hi naman siya. Sabi ko may gagawin ako kaya hindi na ako nagtagal para kausapin siya. Okay, hindi ko siya iniiwasan. Gusto ko lang ng space. Gets niyo ba? Basta yun na yun.

Pagkaakyat ko sa gym, nandun nga si Daniel. Nagbabasketball. Hindi niya ata ako napansin kasi hindi pa siya natigil. Kinuha ko yung towel na nakasabit dun sa may hagdan tapos pumunta sa stage. Nung nakashoot siya, syempre ako pumalakpak. At dun palang niya nalaman na nandon ako.

“Oh Kim, andito ka pala.” 

Lumapit siya sa akin. Lumapit din ako. Inabot ko yung towel niya.

“Salamat. Wala ba kayong practice nung kakanindayog dance? Hahaha”

Nangaasar na naman to.

“Meron. Eh tinatamad ako.” 

Pinoke naman niya ako.

“Tamad ka talaga.” 

“Uy hindi ah. Ngayon lang. hahaha one week kaya yun papraktisin. Kaya okay lang kahit isang araw hindi ako umattend.”

“Palusot ka pa eh.” 

"Talaga naman eh. Haha"

"Oh bakit ka nga pala nandito?" 

"Bakit bawal ba?" 

"Hindi naman nagtatanong lang ako eh. Nagsusungit ka kagad." 

"Hehe"

"Bakit ka nga ba nandito?" 

"Wala lang. gusto ko lang ng lugar na wala akong makikitang Twilight. Sa room kasi natin laganap na eh. Haha"

"Well, you came to the right place. Hahah kaso dito nga lang maririnig mo ung pagtalbog ng bola. :p"

"Ayos na un. Haha sige magpractice ka na. dun lang ako sa may exit." 

"Sige. Anjan din yung magpipinsan. Parang pinagtataguan din si Sir Benjie dahil ayaw din magpractice. Haha"

Sinong magpipinsan?

Pumunta ako sa may exit. Andun nga yung magpipinsan. Si Migs, na as usual tulog. XD Si Matt na may hawak ng gitara. At si Maggie na nakikinig sa iPod niya.

"Yo!" 

Ano ba yan. Kanino ako nahawa nung linyang yun? Hahaha

"Oh Ate Kim? Bakit ka andito? May practice nung sayaw diba?" 

Music of Our Hearts: Gone So Young || COMPLETEWhere stories live. Discover now