"Ang ganda ng tela. Magkano kaya to?" Bulong ni Doyoung. Mukhang magagastos niya ang ipon niya dito ah. Ang gaganda kasi ng mga naka display na T-shirt. Walang tatak pero malambot. Masarap sa balat tsaka ang bango bango pa.
Napadaan siya sa bagong lipat na kapit bahay, mukhang business minded dahil nag uukay ukay.
"What the fuck? What do you think you're doing?" Sigaw ng lalaki na nagbukas ng pinto niya. Nakasimangot.
"Ang sungit mo naman paano ka makakabenta kung masungit ka aber."
"I'm not selling my clothes, the dryer stopped working so I'm hanging my clothes here." Ang hirap kausap panay English.
"Malay ko ba na hindi mo naman pala binenta, ang ganda kasi ng pagkaka sampay mukhang ukay ukay." Sagot ko.
"What the fuck is ukay ukay?" Tanong niya Ewan ko sayo, hirap mong kausap.
"Mahirap i explain." Sagot ko at iniwan ko na lang siya.
Sayang akala ko pa naman makakabili na ako ng mura at magandang damit. Aaply pa naman sana ako pwede kong gamitin.
Gabing gabi ng may malakas na katok sa pinto ko.
"Where's my clothe?" Luh parang gago hindi nga ako lumabas maghapon.
"Mr. Englishman wala akong ala kung nasan ang tshirt mo. Tsaka bakit ba ako pinagbibintangan mo?"
"It's missing and I remember you touching it earlier." Luh grabe bintangero.
"Excuse me kaya ko yun hawak kanina kasi akala ko binibenta mo. Pero nung sinabi mo na hindi for sale pumasok na ako sa bahay ko at hindi na ako lumabas maghapon."
"If you're not the one who stole it then who?" Nakasimangot na tanong nito.
"Aba malay ko kung sino, tsaka wag mo kong pagbintangan hindi mo ko kilala. Hindi ako magnanakaw. Baka gusto mo bilhan pa kita nun tatlo."
Wala akong pakialam kung gabi na pero hindi ako papayag na pagbintangan ako na magnanakaw ng dahil lang sa tshirt.
"I doubt you could even afford one." Puta ang yabang.
"Bakit mamahalin ba yung damit mo ah? Hindi naman Gucci yun." Sagot ko.
"FYI, my clothes is much more expensive than Gucci." Sarap hampasin ng pinto.
"Mayaman ka naman pala, bakit parang hirap kang i let go yung damit mo. Eh di bumili ka uli."
"Because it's my clothes and I took care of my things. Now ilabas mo na ang damit ko." Nagdidilim na ang paningin ko sa kanya kaya inapakan ko ang paa niya.
"Aaahhh what the fuck?" Buti nga sayo.
"Hindi ko ninakaw ang damit mo at lalong wala akong balak magsuot ng damit mo, baka mahawa ako ng masamang ugali mo." Pagkasabi ko nun ay sinarhan ko siya ng pinto.
Kumatok pa siya pero hindi ko siya pinagbuksan. Ang kapal ng mukha, kakalipat pa lang niya. Pero nagsisimula agad ng gulo.
Maya maya ay nanahimik na siya mukhang napagod na siguro kakakatok.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakasimangot ang pusa ko. Maldita talaga. Kaya kailangan ko ng mas malaki na sahod.
"Wag mo ko tingnan ng masama jan Rosanna. Hindi ako ang sumira sa tulog mo." Parang nakakaintindi naman ito at nilayasan ako.
Dahil naputol ang tulog ko ay nahirapan ako makatulog ulit. Pag ako gumising ng may eyebags bukas, sasapakin ko yung bagong lipat.
Haruto
