“Ang galing mong mag-drive ah. Sa edad mo pa lang iyan. Nakayanan mo na ang ganito kahabang biyahe?”

“Well, my father was used to be a car racer. Tumigil nga lang siya nang makilala niya si Mommy. Ibinaling niya ang kanyang attention sa negosyo kaysa i-pursue ang hilig niya. Para kasi sa amin ni Mama ang pagsa-sacrifice niya sa hilig niya.”

“Kaya sa’yo ipinasa?”

“Hindi naman ako mahilig sa race. Bata pa lang ako tinuturuan na ako ni Daddy mag-drive. At isa pa, sanay na akong pumunta sa lugar na ito na nag-iisa.”

In fairness lalong gumagwapo ito kung seryosong nagsasalita ha.

Bumaling ito sa kanya. “O bakit ganyan ka kung makatingin sa’kin? Don’t tell me nagagagwapuhan ka sa’kin?”

“Tse!”

Tumawa ito.

“Teka nasaan na ba tayo?”

“Where here.”

Nagulantang siya sa kanyang nakita. Isang rest house at sa tingin niya may apat na palapag iyon sa taas nito. Malapit ito sa lawa. At sa kabilang parte niyon ay makikita ang bunganga ng Bulkang Taal. Ibig sabihin, nasa Tagaytay sila!

“Welcome to our rest house.”

“Rest house lang ‘to? Ang laki nito ah.”

“Tara, pasok tayo sa loob.”

Nang pumasok siya loob ng bahay, walang binatbat ang hitsura nito sa labas. Black and white ang motif nito. Napakamoderno lahat. Airconditioned ang bawat silid ng bahay.

“Hello po sir Tom at----.

“Yazmine.” Inilahad niya ang kamay dito.

“Ma’am Yazmine. Ako nga po pala si Alice.” Ngiting bati ng kasambahay ni Tom.

Tinanguan at nginitian niya ito. Ang cute nito at mahinhin. Sa tingin niya ay makakasundo niya ito at ang ibang kasama nito. “Huwag mo na akong tawaging ma’am. Yazmine na lang.”

“Sige po. Yazmine.”

“At walang po. Nakakatanda eh.” Biro niya.

Nagkatawanan silang dalawa habang si Tom naman ay nakamasid lamang.

“Dumiretso na po tayo sa dining area. Nakahanda na po ang tanghalian. Pagod at gutom na siguro kayo sa biyahe.”

Nagkatabi sila Tom.

“Tom.”

“Hmm?”

“Pwede ba akong umakyat sa rooftop ng bahay mo mamaya?”

“Sure. Pupunta nga naman talaga tayo sa itaas. Ubusin muna natin ito. Ang sarap.”

“Okay. Thank you. Oo nga eh, sino nagluto nito?”

“Si Manang Corazon. Magaling talaga siya magluto. Kaya nga napapawi ang pagod ko kung siya ang nagluto ng pagkain pagdating ko.”

Tumango-tango siya.

“ENJOYING yourself?” nilingon ni Yazmine ang nagsalita at tinanguan.

Tumabi ito sa kanya at nakisandal din sa railings ng rooftop. Tanaw na tanaw ang kagandahan ng lawa ng taal. Napakagaan tingnan nito na nagpapakalma sa sarili. Parang pinapawi nito ang problema ng isang tao dahil sa kagandahan nito. Katatapos lang nilang kumain ng tanghalian.

“Matanong ko lang, bakit mo ako niyaya dito sa Tagaytay?”

“Bakit mo naman naitanong?”

“Wala, masama ba? Curious lang naman ako. Nakapunta na ba dito sina Chace at Harry?”

The Sentinels Series (Book 1):  Yazmine Montajes SWEET VENGEANCE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon