Author's Note
I'm new here sorry sa mga words na hindi maintindihan masyado. Ako nga pala si George Lee. Nahiligan ko lang pong magsulat kaya nag try ako dito sa wattpad. Welcome po ang mga suggestion at correction sa'kin. Wag lang po sana ako ninyong i-bully.
Sana po magustuhan niyoang short story na ito.
Enjoy reading po!
PROLOGUE
"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, O kailangan mo ako dahil mahal mo ako?"
Yan 'yung sinabi ni Claudine kay Piolo sa pelikulang Milan. Napaka sensitibong tanong, at napakahirap sagutin.
Pero sa part ko, ako ang naghahanap ng sagot sa tanong na ito.
Mala pelikula ang takbo ng buhay ko. At kailangan ko ng sagot. Sa makabagbag damdaming tanong ni Claudine.
CHAPTER 1
Ako na naman mag isa dito sa apartment ko. Bukas pa daw ang dating ng bago kong kasama o kahati sa renta ng bahay.
Kasi instead na mag dorm ito na ang uso. May privacy ka at makaka save ka pa dahil may kahati ka sa renta ng bahay, kuryente at tubig.
Napilitan akong bumangon dahil sa lakas ng katok sa pinto. Agad ko naman pinag buksan dahil kilala ko kung sino ang mga nasa pinto.
"Pare ano ba? Anong oras na, mala late na tayo." Sabi ng bestfriend kong si Gabriel.
"Kanina pa nag hihintay yung chicks mo." Sabi naman ni Joel.
Sila ang mga barkada ko. Lagi nila akong hinahanapan ng ka blind date. Dahil daw napaka pihikan ko sa babae. Pihikan agad di ba pwedeng may hinihintay lang?
Ako nga pala si Gian Salvador, tawag nila sa akin "Yan-yan." Nasa engineering department ako, at graduating na. Nasa states na ang mga parents ko at ang nag iisa kong kapatid ay nasa Korea, nakapag asawa ng koreano.
"Bumangon ka na nga diyan at para makaligo ka na. Kanina pa nag ttxt yun sa'kin eh." Pagmamadali ni Joel.
"Ipangako niyo nga sa'kin na last na to."
"Susubukan namin pare. Hangga't hindi ka tumitino hindi kami hihinto." Sagot sa'kin ni Gabriel.
"Ang labo niyo talaga!" Tumayo at direcho na ako sa banyo para maligo.
Habang ang dalawa naman ay nag luluto ng almusal namin. Ganun lagi pag saturday at sunday, kapag libre ang barkada nandito lang kami sa bahay movie marathon o di kaya inuman session kami. Lalo na ngayong mga nakaraang linggo na hindi pa dumadating ang kasama ko sa bahay.
"Pare, kelan daw ba dating ng housemate mo?" Sigaw sa'kin ni Joel.
