Napangiti na lang ako instantly. Hindi ko na siya hinintay na matapos pang kumain at sa halip ay nagpaalam na lang ako na mauuna na ako at sa lobby ko na lang siya hihintayin.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin siya. Aakyat na sana ulit ako para sunduin siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

“Hoy, Paul! Aba, nasaan na ang sinasabi mong you’ll keep me updated, ha?!” bungad ni Mhina sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya.

“Grabe ka. Hindi ba uso ang hello sa mundo mo?”

“Hindi. At hindi rin uso sa mundo ko ang mga taong walang isang salita.”

“Baliw.”

“I know, right? Oh, ano na nga?! Pauwi na kayo’t lahat lahat, wala pa rin akong update sa nangyari d’yan sa inyo.”

“Actually, may nangyari nga,” saad ko.

“MAY NANGYARI?! OH EM GEE!”

“Siraulo. Green.”

“Hahaha! Sorry na. Oh, ano’ng nangyari?”

“Kinwento niya sa’kin ang tungkol sa amnesia niya.”

“What?! Seriously!?”

Bigla ko namang inilayo ang cellphone ko mula sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses niya mula sa kabilang linya. Tss.

Magsasalita na sana akong muli nang biglang makita kong lumabas ng elevator si Aaliyah.

“Hoy, Paul. Ano na!?”

“I’ll call you back. She’s here.”

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at sa halip ay agad kong in-end ang tawag niya at binalik sa bulsa ang cellphone ko.

“Ang tagal mo,” wari’y inis na anas ko nang makalapit siya sa akin.

“E kasi naman hinanap ko pa ‘yong ja—“

Hindi na niya naipag-patuloy pa ang sinasabi niya dahil bigla ko na lang hinawakan ang wrist niya at hinila siya palabas ng hotel. Hindi na siya kumibo pa o nag-reklamo. Hindi naman masikip ang pagkakahawak ko sa kanya.

Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa dulo ng hotel. Nasa mataas na lugar ito kaya kitang-kita mo ang tanawin mula rito.

“Ang ganda pala ng view dito kesa sa room natin,” pahayag niya habang nilalanghap pa wari ang malamig na simoy ng hangin. Lumapit siya sa may malaking puno ng akasya sa gilid at saka naupo doon sa bench sa tabi noon.

Hinayaan ko lang siyang maupo doon. Pinili kong magkaroon ng maliit na distance mula sa kanya para malaya ko siyang matitigan from her back. Kitang-kita kung paano mag-taas baba ang mga balikat niya dahil sa pag-hinga niya nang malalim.

Maya-maya pa’y nilingon niya ako. “Ano’ng ginagawa mo d’yan? Tara kaya dito!”

Lumapit naman ako sa kanya nang walang imik.

“Malapit nang mag-sunset. Sayang, hindi natin makikita. Ang ganda pa naman ng view dito.”

“Why not?”

“Duh!? Uuwi na tayo, ‘di ba?”

Umupo ako sa tabi niya pero nag-leave pa din ako ng space. Tahimik lang kaming naupo doon at tila ang ihip lang ng hangin ang naririnig namin. Wala na rin kasing tao roon. Hindi ko alam kung bakit dahil noong pumunta ako dito kahapon ay maraming naglalakad-lakad dito lalo na sa ganitong oras.

“Justine?”

“Bakit?”

“May girlfriend ka ba?”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon