Chapter 60: Getting Ready

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sira ka talaga, tsk." he rolled his eyes, "By the way, kamusta na yung paglalakad mo ng mga papers mo dito?"

Napangiti naman ako dahil alam kong ayos na lahat ng kailangan ko, "Guess what--"

"Okay na?" nanlaki yung mga mata niya at napangti naman ako bilang sagot, "Woah! That was fast."

"I know right." I winked, "Thanks to Xian. Siya talaga yung super tumulong sakin dito eh."

"Oonga eh, talagang pursigido yun para tulungan ka. Ikaw kasi di mo ko tinawag para tulungan ka, puro Zylex." he pouted.

"Ay nakooo, nagtatampo ka na naman." napapout na din tuloy ako, "Kasi naman noh, you know naman, gusto kong mapalapit sa kanya ulit kaya sa kanya talaga ako nagpapatulong."

"Alam ko naman, chaka halata." Napangiti naman siya,"Oonga pala nasabi mo yung pangalan ni Lex kanina, hinihintay mo ba siya?"

Halata pala ako :| 

"Hmm, oo eh." pag-amin ko, "Sabi niya kasi isasabay na din niya ako pauwi."

"Eh si Kysha, hindi ba sasabay?" tanong niya.

"Hindi eh. You know naman, si Dus na yung naghahatid sa kanya. Dumadamoves ata." I chuckled.

"Kakaiba talaga.." napailing naman siya, "Oonga pala, di ba kina Kysha ka pa din nagsstay?" 

I nodded, "Oo eh. Mag-isa pa din kasi ako sa bahay and you know, I don't want the feeling of being alone."

Naalala ko na naman yung mga panahong parang sarili ko lang yung karamay ko sa London. Walang mga kaibigang katulad ng mga kaibigan ko dito sa Pilipinas. Parents ko lang yung nag-iisang karamay ko nung mga panahong kailangan ko ng mga dadamay sakin.

Alam kong kasalanan ko yun dahil yung mga taong gustong makipagkaibigan sakin doon, pilit kong nilalayuan hanggang sa sila na din yung nagsawa sakin. 

I don't know why I am pushing everyone away. Siguro dahil para sakin, hindi pa din mapapalitan yung mga taong iniwan ko dito sa Pilipinas.

"--huy Pat, nakikinig ka pa ba?"

Nawala naman ako sa pag-iisip ko nang makita ko yung kamay ni ahia Marky na winawagayway niya sa harap ng mukha ko, "Sorry I spaced out."

"Lumungkot kasi bigla yung mukha mo kaya kinabahan ako." hinagod niya yung likod ko, "Ayos ka lang ba?"

Agad naman akong ngumiti, "Oo naman. Ano nga ulit sinasabi mo?"

"Ahh, tinanong ko lang kung kamusta naman kayo ni Zylex.." 

Para akong bipolar na sobrang napangiti nang tanungin niya yun, "Super okay ahia! He said he still loves me."

Bitter CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon