yeee!!! kinikilig ako ng sobra! para saan pa pala ang pag-inom ko? nagsayang lang ako ng pera!! eh naiinis kasi ako, akala ko iiwan na niya ako, kasalanan niya ito, dapat niyang bayaran ang pinangbili ko ng alak wala na akong pera..

pero... teka... parang parang na aano ako...

"AAARRRRKKH!!!" Salo ng damit ni Franc...

"ayan, nasuka ka na, pasok na nga tayo sa loob." sabi niya, di siya nagalit noong nasukahan ko siya, instead, mas inalagaan pa niya ako...

punong-puno lang naman kasi ako ng kadramahan sa buhay eh.. kaya kung ano ano iniisip ko, pero kahit sino naman no magagalit sa ginawa niyang pagback-out kanina at sinamahan pa niya iyong asawa niya!!!

nakadama ako ng insecurities at jelousy kaya ko nagawang mag-isip ng ganun at mapa-inom!

namalayan ko nalang... nakahiga na ako sa kama..tapos pinupunasan ako ni Franc..nakatingin ako sa kaniya.. napatingin din siya sa akin..

"I love you franc.. i really do.." bulong ko..

"I know..that's why i even loving you more than you love me..." Sabi niya nosebleed fever konte...

"bakit mo ako iniwan kanina...?" madramang tanong ko..

"i'm sorry...hinatid ko lang talaga si Shaun, kaya ako natagalan kasi kinausap ko pa siya...pinutol ko na kaugnayan ko sa kaniya... sabi ko ayaw ko na.. sabi ko ikaw ang gusto ko...sabi ko ikaw ang mahal ko, at ikaw ang mamahalin ko habang buhay..." hawak niya palad ko. tapos kissed niya ako sa noo. "...pinipilit niyang bumalik ako sa kaniya, sabi ko huli na lahat para sa amin.. kasi nakita ko na ang totoong magmamahal sa akin.. at ikaw iyon... " tapos tumabi na siya sa akin. niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit..

nagmomoment kaming dalawa biglang umepal si Rico... tapos biglang sinubsob ang sarili sa gitna namin dalawa..

niyakap ako ng fren ko.. nagkatinginan kami ni Franc.. tapos yumakap si Franc kay Rico. inabot namin ang mga palad naming dalawa.

"I love you.." pabulong na sabi ni Franc..

"I love you too." nakangiting sabi ko naman. tapos natulog na kaming tatlo.

KINABUKASAN dahil sa ka-bangagan, hindi kami matayo ni Rico.

sakit na ulo ko, nahihilo ako, nasusuka ako, tapos si Franc nag-asikasu sa amin bago siya pumasok sa trabaho niya.

APAKA CARING NIYA TALAGA.

Mga bandang hapon na kami ni Rico naka-recover.. hindi na rin ako pumasok.

"Fren, kaw muna bumili ng pagkain natin, naubos pera ko eh." sabi ko kay Rico..

"Ayan Hero ka kasi eh... buti at may pera pa ako ngayon dahil sa single ako...o siya sige na ako na bibili...ipagpahinga mo muna bangs mo." Tapos tawa siya. binato ko siya ng takip ng garapon, adik kasi kong ano ano sinasabi.

tapos lumabas na siya..

Ilang minuto pa.. dumating na si Rico..

"Oh bakit para kang nakakita ng multo??" Parang takot na takot siya, tapos ang stif niya maglakad..

"eh ka--ka--si f--f--f-fren may naghahanap sa--sa--sa iyo eh...." nauutal utal siya.

"Sino naman...??"

AY TAE! BIGLANG MAY PARANG MGA NINJA na nagsulputan sa likod ni Rico, siguro mga nasa lima iyon.

"EHHHHHHHHHHH!!!!" sigaw ko talaga.

"ehhhhhhhhhhh!!!" sigaw ni Rico! lapit siya kaagad sa akin, tapos naglalapitan iyong mga halimaw sa aming dalawa,

"Fren sino sila?? bakit kanila hinahanap? mukhang mga berdugo mga yan fren.. papatayin ka ba nila??" <--si rico, todo yakap sa akin.

ako lang papatayin???? pinapakaba ako ni Rico.

"fren hindi ko sila kilala, baka mga ex mo mga yan, tapos ikaw ang papatayin nila..."

"eh bakit ikaw hinahanap??"

naglalapitan na sila sa amin.

"ehhhhhhhhhhhhh!!!" takbo kami sa kusina. hanap kami magagamit na panlaban, hawak ko kawale, pansalag, si Rico kutsara ta tinidor. hindi kasi namin makita ang kutsilyo eh.

"Sige!! paglumapit kayo sa amin, sasaktan namin kayo.." nagmamatapang ako, tapos tae tong si rico, siya pang nasa likuran ko. bakit walang nadating na tulong?? alas 4 palang naman ng hapon ah.

tae naman oh! mamasacre na kami nento eh! naglapitan sila, pinaikotan nila kami, hindi namin sila makilala kasi nakatakip mg mukha nila.

"Fren sumama ka na sa kanila..ikaw naman hinahanap eh, tapos hihingi ako ng tulong sa pulis pagwala na kayo..." bulong ni Rico. taenang kaibigan ko to.

"HINDI, DALAWA KAYONG KUKUNIN NAMIN!!!" sigaw noong isang lalaki, oo, mga lalaki sila, mga boses lalaki at tindig lalaki.

"ay fren, ganda ng boses, parang bet ko na sumama talaga, sama na tayo??" <--si rico! taena talaga oh, nagnilandi pa!

"tanga ka talaga papatayin tayo ng mga yan.." sabi ko.

tapos naglapitan na sila...

"EHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! TULONNNG!" hinawakan ako sa bewang at binitbit akong parang baboy, pinalo palo ko ng hawak kong kawale hindi tinatablan. matibay..

tapos si Rico, hinawakan ng dalawa...

"anoba! nasasaktan ako! sasama naman ako eh...huwag nga kayong madahas!!!" reklamo ni Rico.

tae, wala na kaming nagawa... pinasok kami sa loob ng Van.

PAKIRAMDAM KO NALALAPIT NG MATAPOS ANG KWENTO NG PAG-IBIG KO.

FRANC NASAAN KA NA? HUHUH.. gusto muna kitang makita bago ako tuluyan ng mga ninja turtles na mga toh.

KABADO...

Unexpected Love AffairWhere stories live. Discover now