"fren naman nagmamakaawa ako sa iyo, buhatin mo na..." sabi ko, hindi ko kasi kaya si Franc, masyado malaki, mabigat, mamuscles, eh ang liit liit ko, unlike Rico, malaking tao siya ang kasu bobo na ata.. nakakaasar!

"Hindi mo ako tutulungan sa pagbubuhat??" tanong niya.

"fren naman----- oh siya sige na nga..."

ayon binuhat namin si Franc.. ako sa paa siya sa upper part. tapos hinihimas niya ang balikat ni Franc.. tae talaga! hindi nalang ako umapela pa.. pero, taena.. nararamdaman ko na ang sakit ng katawan ko, dami ko ding natanggap na palo at suntok at tadyak kanina. Pero, kinober na ako ni Franc nun, kaya siya ang mas nabugbog ng husto sa aming dalawa.

SA HOSPITAL.

Pinasok kaagad si Franc sa isang room para lapatan ng first aid iyong sugat nya sa ulo, tapos ako, pinasok din sa isang kwarto para bendahan ang braso ko, kasi hindi ko na din talaga maikilos, napalo kasi ng tubo, kinaya ko lang kanina noong binuhat namin si Franc.

bandaid sa mukha, sa binti at kung saan saan pa, Para na akong mummy the return.

Sabi ko kay Rico, tawagan niya kung sino mang pwedeng tawagan na maaring kakilala ni Franc, binigay ko kasi sa kaniya ang phone ni Franc.

makalipas ang ilang oras. Nakahiga na si Franc sa kama, sabi ng doctor, magiging okay na daw siya, kaya nakahinga na ako ng maluwang...

"Sino nga pala tinawagan mo Fren??" tanong ko kay Rico habang nginangatngat niya iyong daliri niya.

napalingon kaming dalawa ng biglang bumukas ang pinto...

WHAT THE FLUTE!!! NO WAY!!! 

bakit nandito si Shaun??? paano niyang nalaman???

napatingin ako kay Rico... tapos bigla siyang napangiti,

"Fren labas muna ako bahala muna kayo diyan huh? pagmay problema, tawagin mo lang ako sa labas." Sabi niya, sabay labas,

TAE TALAGA! dame dameng tatawagan bakit ang isang ito pa!!! urrrghh! mapapatay ko na nito si Rico, nakaalbatros ata!

"WHAT HAVE YOU DONE TO FRANCO???" <---iyan bungan ni Shaun, tapos tinulak niya ako, kaya muntik na akong mapatumba. tae! bigla niyang niyakap ang natutulog na si Franc.

English yun kaya di mo na ako nakasagot.

"Franc.. wake up, i'm here now..." <-- si Shaun, nag-iinarte.

"Huwag mong masyadong uguyin si Franc, masakit pa buong katawan niyan, pero sabi naman ng doctor magiging okay na daw siya..." sabi ko, tapos parang demonyita si Shaun na tumingin sa akin, natakot ako.

Para niya akong sasakalin sa mga tingin na iyon, tae, di ako makakalaban ng sabayan, may benda ako sa kamay. urgh! taeng rico talaga oh! tsss!

"Tignan mo ang ginawa mo sa asawa ko?? dahil sa kalandian mo, napahamak tuloy siya!" sama ng tingin niya sa akin. pero, wait lang ha!!! dahil sa akin? tae nitong shaun nato eh, ako nga ang nadamay eh.

"wala kong ginagawang masama kay Franc, okay?"

"AKALA MO LANG WALA WALA WALA! PERO MEROOON!!!" <--- carlo aquino ikaw ba iyan?

"Wala nga!!!" napasigaw na din ako. nauurat na ako eh, lagi nalang akong agrabyado sa amin dalawa sa tuwing nagtatagpo kami eh.

"Wow, at marunong ka na din ngayong sumigaw uh! hindi mo ba alam na you could have killed Franc dahil sa paglalandi mo sa kaniya??" lumapit siya sa akin, mga dalawang dangkal lang layo namin sa isa't isa. at anymoment pwede na niya akong sabunutan, sisigaw nalang ako at hihingi ng tulong kay Rico, ganun ang gagawin ko!

"I COULD HAVE KILLED FRANC?? wow! hindi mo alam ang nangyari kay huwag kang magsasalita ng ganiyan!" sabat ko!

"And so you're defending yourself freak." Tinaasan niya ako ng kilay at nagcrossed arms siya.

Huminga muna ako ng malalim, "nakikita mo itong mga pasa ko sa katawan? kung hindi ako dumating, malamang, lahat ng pasa na meron ako ngayon ay napunta lahat kay Franc... hindi ako dumating kanina, baka kung ano pa ang nangyari sa kaniya. naturingan ka niyang asawa, pero nasaan ka??? Wala ka sa tabi niya, eh baka nga kung nandoon ka, iiwanan mo lang si Franc eh! Wala kang kwentang asawa, you treared Franc like a basahan, and i just took care of him...and i never expected na mamahalin ako ng asawa mo."

at isang malakas na PAK!! aray ako sa mukha.

hindi ako makaganti, taena talaga!

"Don't you tell me na parang wala akong kwenta! wala kang karapatang sabihin sa akin ang mga iyan!" sabi niya, nanlilisik na mga mata niya, maga na lalo mukha ko.

"Bakit ikaw? anong karapatan mo para husgahan ako? tandaan mo, hindi ko inagaw sa iyo si Franc... binaliwala mo siya, nagkataon na napunta siya sa akin... nagkataon na napamahal ako sa kaniya... at huwag na huwag mong ipapamukha sa akin na kasal ka kay Franc... dahil dito sa Pilipinas, walang bisa ang kasal ninyong dalawa! kung sa ibang bansa asawa ka niya? dito.. ako na ang asawa niya..."

sasampalin niya ako sana, kahit di ko na kaya ikilos kamay ko, sinalag ko iyon at hinawakan ko kamay niya. parang teleserye ang drama namin.

"..Isa pang pananakit mo sa akin at gagantihan na kta, nirerespeto parin kita dahil alam kong profesional ka, pero sa ikinikilos mo tila nawawala ang pagkaprofesyonal mo. Huwag mong ipagpilitan ang taong ayaw na sa iyo dahil mas masasaktan ka lang..mahal ko si Franc at ramdam kong mahal na mahal din ako ng asawa mo!" Sabi ko ng may pagmamalaki, pero sakit ng kamay ko pinipilit ko lang talaga, taena. tapos bigla niya pa binitiw kamay niya..

araay... sakit..

"Pagmay masamang mangyari kay Franco, ako mismo ang magtutumba sa iyo." sabi niya.

ay syet! seryoso na iyon, mukhang papatayin na talaga ako ni Shaun uh! tapos lumabas na siya ng kwarto. binalagbag niya ang pinto, tapos..

"HOOOOH" nakahinga ako ng maluwang, kinabahan ako noon. tapos pumasok na si Rico.

"Fren? anyare? bakit walked out ang drama ni Shaun?" Tanong niya.

"Di niya knaya powers ko fren." tapos tawanan kaming dalawa..

TAPOS biglang nagising si Franc....

Unexpected Love AffairWhere stories live. Discover now