psweet lang ako kumain, nakakahiya naman sa kaniya. pero konti lang naman talaga ako kumain.

at

BURGGG...

nadighay talaga ako, at normal naman iyon sa isang tao. kaya...

"excuse me..." ngiti. sa isip isip ko, taena. sarap kumain dito. di ko malilibre si rico dito, pwede kayang magpatake-out? kasu nakakahiya. next time nalang. hahahaha.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko?

"Hotel tayo gusto mo?" tapos taas taas kilay siya. ang pilyo! ang halay! hayup talaga.

"ay ewan. hindi pa ako inaantok no, atsaka may bahay naman akong inuuwian bakit hotel pa." sabi ko habang pasweet na nagtototpik. punas punas tissue sa bibig, piling mayaman ako.

"syempre, syota kita kaya dapat lagi tayo magkatabi matulog. sige doon ako ulit matutulog sa kwarto mo huh?" sabi niya.

seryoso siya? pero kung sa bagay, hindi nga siya umaarte kagabi kahit bintilador lang. malamang kasi sa kwarto niya 2 airconed ang naka-on.

"tara na." sabi pa niya.

"saan?"

"sa puso ko."

ay letche talaga tong lalaking to' ang korni korni.

"noong tayo sine, breaking dawn.."

ay shet! hindi ko na uurungan tong alok na toh. tumayo kaagad ako.

"tara na!" hindi ako masyadong excited niyan!

pero tinawag muna niya ang waiter para kunin ang bill, paglapit may inabot na papel iyong waiter, dahil usisiro ako, sinilip ko lang.

OH MY GAD!!!

tumataginting na 5,342.50php na kaag iyong kinain namin???? kung iyong 342.50 nga sold na sold na ako nun may sukli pa eh tapos 5k pa???? ginto ata ang hinahalo nila sa pagkain eh.

sumakay kami sa car niya ulit.

"oh bakit tahimik mo?" tanong niya.

"bakit mo ginagawa ito?"

"ang alin?"

"ito, ang pagsama mo sa akin..." nagsimula na talaga akong mag-usisa..kasi kung tutuusin, nakasex nanaman niya ako, pwedeng pwede na niya ako kalimutan at itapon na parang basahan. charot drama ko, pero in allhonesty. Bakit pinapadama niya sa akin na napaka special ko kahit na minsan nagsusuplado siya sa akin, samantalang kagabi lang kami nagkita.

"kasi i like you...nililigawan na nga kita eh. gusto kong maramdaman mo na gusto kita, since last night na-na-meet kita.pakiramdam ko kasi, ang gaan gaan ng loob ko sa iyo, lahat ng gusto kong sabihin nasasabi ko sa iyo ng walang alinlangan." sabi niya.

bumuntong hininga ako.

nanliligaw palang pala siya tapos sasabihin niya syota ko na siya, ang gulo niya. pero hindi ko pa alam, maghihintay pa ako ng ilang raw pa para masigurado kong seryoso talaga siya.

Ayon nanuod kami ng BD part2, ganda ganda talaga. Tapos habang nasa loob kami ng sinehan. inabot niya ang kamay ko. Hinawakan lang niya hanggang sa matapos ang palabas.

Hinayaan ko nalang, hmm.. tapos pinahiga niya ako sa balikat niya...kinilig ako sa pinapanuod ko, kinikilig ako sa ginagawa ni franc.

pagkatapos manuod, ayon namasyal pa kami sa park. kulitan, tawanan. Nalaman ko na, maloko din tlga si Franc.

madaling araw na kami nakauwi.

"Oh, di ka pa uuwi?" tanong ko.

"eh-- sabi ko sa iyo diba dito ako matutulog katabi ka?" ay seryoso nga tlaga siya. kung sabagay nakaayos naman ang park ng sasakyan niya.

"eh.. bahala ka na nga." ngumiti ako at kumatok sa pinto.

ang nagbukas noon ay si Xyndhryx na nakatopless.

wow! katawan na nakakagigil naman talaga oh.

"eherm!!!" <--si franc. sorry naman na caught ako ng katawan ni Xyndhryx. Hahha!

pumasok muna kami bago ko ipakilala sila sa isa't isa. sabi pa ni Xyndhryx, tulog pa daw si rico. at malamang pagod na pagod ang loko. ako naman pago na pagod sa paggala sa labas kasama si franc.

Pumasok na din si Xyndhryx sa kwarto nila, tapos pumasok na din kami sa kwarto ko.

nagpahinga lang muna kami.

"yam.. ligo tayo." sabi ni Franc.

Good thing may laman ang mga container kaya nakaligo kami.

eh.. sa loob ng banyo, sabi ko kay franc, mag brief siya kasi naiilang padin ako no kahit pa sabihin na nakita ko na iyon. pumayag naman siya, pero dinidikit niya pa din sa likod ko... urgh!

ang yummy talaga ni Franc..

pagbalik namin sa kwarto. humiga na kami. yumakap na siya sa akin. pumikit...

natulog.

ako naiwang gising habang patuloy na nagiisip.

ito ba ay totoo o isang panaginip.

tinitignan ko si Franc habang natutulog. tae! mahal ko na ba ang lalaking ito??? anu ba!!!

Unexpected Love AffairOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz