"malamang nakatamabay, alangan namang nalangoy diba?" sabi ko, sarkastiko, anyway sana'y naman siya sa ugali ko.

"hindi ka padin nagbabago, kagaya ka padin ng dati." ngiti nalang ako, anong magbabago? ano ako pokemon na mag-eevolve sa ibang level, siya din hindi pa din nagbabago, adik pa din sa mga salitang sarap basagin. Hahaha! "ay..ou nga pala si Jemma, Gf ko." Tama nga ako, syota niya, nakipagkamay ako.

HINDI KO NAMAN TINATANONG KUNG KAANO ANO NIYA KASAMA NIYA, AT WALA AKONG PAKE? HAHAHA. affected? haha! 

pogi niya padin, bakit kasi pinagpalit niya ako eh. bahaha!

"ah jemma si Yam." pakilala niya sa akin sa syota niya, pero di niya masabi na ex niya ako. haha! baka mapataas kilay si girl.

konteng usap, tapos umalis na din sila.

pinagmasdan ko sila habang papalayo.

"SINO IYONG LALAKING IYON???" <--- si Franc, nakatayo sa gilid ng kinauupuan ko. napatigin ako sa kaniya,

ay, change costume na siya, baka bumagsak sa interview kaya nag white tshirt nalang siya, aw.. ang sexy niya sa suot niya. parang kagabi lag kitang kita ko ang kabuoan ng katawan niya, pero bakit parang gusto ko ulit makita iyon. napalunok pa ako noong napatingin ako sa front niya. anubaaa!!!! tangkad niya kasi eh, kaya nakatapat lang ako sa harap niya.

"ah wala iyon, kakilala ko." sabi ko. "anyare sa meeting meeting mo?"

umupo siya sa tabi ko.

"kung kani-kanino ka nakikipag-usap ah!" di siya makapagmove on sa ex ko. hahha.

"alam mo adik ka din no? kakilala ko nga iyon, tsaka pwede ba... bakit kung umasta ka parang pag-aari mo ako..." mahina ko lang sinabi iyon kasi nasa lugar kami ng napakaramaing tao.

"Eh diba syota na kita, kaya ayaw kong nakikipag-usap ko kung kani-kanino, lalo pat hindi ko kilala, baka agawin ka sa akin ah mapapatay ko talaga aagaw sa iyo." seryoso siya.

"ewan ko sa iyo franc." pero kinikilig ako sa pagiging straight forwarded niya huh.

"kumaen kana?" tanong niya.

"hindi pa."

"kainin mo ko." sabi niya. ay shet naman talaga tong si Franc ko!

"seriously???" tanong ko.

"oo, pero maya nalang... date muna tayo." sabi nya, kakaupo niya lang pero tumayo na siya kaagad. hinawan niya ako sa braso at tinayo.

"kaya kong tumayo mag-isa.. pwede bitiwan mo ako???" sabi ko.

Hindi niya ako pinansin, umakbay siya sa akin. ampogi nya talaga.

Lumabas kami ng Mall. ayaw niya daw kumain kame doon, pero sabi ko nagugutom na ako.

"urgh! maghintay ka lang...sabihin mo sa sikmura mo, matulog muna siya para mawala gutom niya."

seroyoso siya doon? tae lang natawa ako doon. paminsan suplado, paminsan sweet, ang gulo ng ugali ni franc...

sa parking lot,

totot!

tunog iyon ng isang car,

lumapit siya sa red chevrolet car at binuksan iyon.

"Oy anong ginawa mo??? tae ka! carnaper ka ba?"

tapos umupo siya sa loob. nakatingin lang ako sa kaniya, shet siya! idadamay niya pa ako sa kalokohan niya, uuwi na ako! ayokong sumama sa isang carnaper.

"ano? tatayo ka lang diyan? sumakay ka na kaya! akala ko ba nagugutom ka na.?" tanong niya.

"hoy, uuwi na ako no. isusumbong kita sa pulis!!!!" sabi ko.

"ano bang pinagsasabi mong pulis? ikaw kaya padampot ko, adik ka eh... hindi ako carnaper no! FYI... sa akin itong car na ito, common sense nga, mabubuksan ko ba ito kung hindi ito sa akin? alam mo ang adik mo..." sabi niya.

HUWAAAATTTTT!!!!!! kanya ang sasakyan na iyan? No F.Way! OO, pogi siya, at mukha siyang mayaman, pero... iyong meeting niya kanina? meeting pala talaga iyon, akala ko nagpapa-impressed lang siya sa akin.

"ano na? iiwan na kita sige ka." sabi niya.

"oh edi iwan mo." tumalikod ako, ang arte ko no?

"oy, sorry na,,, sakay kana kasi..." tumingin ako sa kanya, lumabas siya sa "CAR" niya, lumapit sa akin at kumapit sa braso ko. "...kaw kasi eh, kung ano-ano iniisi mo eh.. hindi ako masamang tao, kung masamang tao ako, kagabi palang baka napahamak kana sa akin." tumigil siya... "...maliban sa ginawa natin kagabi, we both enjoyed naman diba? so it wasn't considered as 'kapahamakan?"tama?"

pinaalala pa niya ang kagabi.. ugrh!!! sino ba talaga ang lalaking ito! bakit bigla siyang dumating sa buhay ko! charot. hahha!

edi sumakay na ako sa car niya. my gad! first time ko sumakay dito, para na akong artista.

artista kaagad? haha! walang pakialamanan.

ehh-- kinikilig ako lalo kay Franc, lalo na kapag inaamo niya ako. pag ako, nainlove dito at nasaktan ako ay naku lang.... may kamag-anak na mangbabarang si Rico, patay talaga siya sa akin. Hahaha!

"ano tinitingin mo sa akin? may dumi ba ko sa mukha?" sabi niya, shet naman kasi ako makatingin eh.

"ah wala, pwede ba, sa daan ka tumingin baka mamaya mafinal destination tayo, nagsisimula pa nga lang love story natn mawawakas n kagad." sabi ko,

"ano sabi mo?" nakangiti siya.

"alin? final destination?"

"hindi iyo, iyong bago maglast part ng sinabi mo..?" nakangiti talaga siya.

ay shet, nasabi ko bang love story namin? tae aman kasing dila eh, kung ano ano ang sinasabi.

"ah wala, nakalimutan ko na. meron akong STML." sabi ko.

"ah, gusto mo paalala ko sa iyo?" ayaw mawala sa mukha niya ang ngiti. tae tong franc na to!

"eh alam mo naman pala sinabi ko, tinatanong mo pa. adik ka din no???"

"oo, sa iyo... bale, nagsimula love story natin sa di inaasahang pagkakataon, kaya im sure magiging maganda kahahantungan natin..." sabi niya, at saan naman niya napulot ang statement na iyon? malamang hindi rin inaasahan ang magiging ending ng storyang ito. letche siya! haha. pero ang cute cute niya.

okay lng na walng ending, basta may happy.

ngiti na din ako.

at dinala niya ako sa isang restaurant.

ANG BONGGA! di umakma sa suot ko. wahahaha!

itutuloy....

Unexpected Love AffairWhere stories live. Discover now