Chapter 2: Epic Fail

Start from the beginning
                                    

REICHEN'S POV

Ano ba yan. Asan ba kasi yung room 175 na yan. Nakakapagod. Nasa 3rd floor na ako ng Accountancy building. Langya. Habang naglalakad ako sa hallway, may napansin akong dalawang babae na pinagagalitan ata ng prof nila. Hahaha. Nakakatawa naman sila. 

Patuloy pa rin akong tumitingin sa ibabaw ng mga pinto kung san makikita ang room number habang naglalakad. Hmmm. 171. 172. 173. 174. Napansin ko'ng papalapit na pala ako sa kanila. Naririnig ko na rin ang mga sinasabi ng prof nila. Tama nga ako. Pinapagalitan nga sila. Sumilip ako sa ibabaw ng pintong tinatayuan nila. Ayun naman pala hinahanap ko eh. Baka yung prof na kinakagalitan yung dalawang babae ay si Ms. Fabro. Hintayin ko nalang muna sila matapos. Baka ako pa mapagbuntunan kaya tumayo nalang ako harap ng kabilang room.

"Ano ba naman kayong dalawa Ms. Montenegro and Ms. Alcantara? Wala ba kayong relo sa mga bahay niyo o talagang hindi lang kayo marunong magbasa ng orasan?" narinig ko'ng sabi ng teacher dun sa dalawang babae. Nakatingin lang yung dalawang babae sa baba. Ni hindi ko nga makita mga mukha nila eh. "O? Hindi kayo sasagot? Don't tell me hindi na rin kayo marunong magsalita?" Natawa ako bigla. Mabuti nalang natakpan ko ng kamay ko yung bibig ko. Haha. Sarkastiko din pala tung prof nila.

"Di na po mauulit Maam." Sagot nung isang babae na may itim na Jansport na bag. Di ko nakikita mukha niya pero may mahaba siyang buhok na hinahayaan niyang nakalugay. 

"Dapat lang. Hala. Pasok na." Pagkatapos nun ay pumasok na yung dalawang babae sa loob ng classroom habang nakayuko parin. What a way to start the day. Napatingin sakin yung prof nila kaya lumapit na ako.

"Good Morning miss. Kayo po ba si Ms. Fabro? May pinabibigay po si Mr. Corpus."  -ako

"Yes I am." sagot niya kaya inabot ko yung folder sa kanya at ngumiti.

"Thank you." yun lang at pumasok na siya sa classroom. Naglakad na rin ako pabalik ng classroom ko.


After my last class, I went straight to Enzo's house. May band practice kasi kami. Nagtext na rin kasi siya na andun na daw sila lahat at ako nalang ang kulang.

Five minutes later nagpark na ako sa labas ng bahay nina Enzo. Pinindot ko yung doorbell at mayamaya pa ay pinagbuksan na ako ng guard nila Enzo, si Manung Jun. Binati niya ako at nginitian ko lang siya staka dumeritso sa loob. Nakita ko si Amber, younger sister ni Enzo na nasa living room. Halos isang taon ang agwat naming apat sa kanya.

"Hi Ken." Tumayo siya pagkakita sakin at niyakap ako. "I missed you." sabi niya then binitiwan niya na ako.

Ngumiti lang ako at pumasok sa band room. Yes. May sarili kaming band room sa bahay nina Enzo. Ang suplado ba ng dating ko kanina kay Amber? Yaan niyo na. Makulit din kasi yun minsan.

Pagpasok ko ng band room, nakaupo silang apat sa sofa sa loob habang kanya-kanyang hawak ng mga cellphone nila. Ni wala ngang nakapansin na bumukas yung pinto eh. Tsk. Tumikhim ako ng malakas kaya napatingin silang lahat sakin. Buti naman pala. -_-

"Uy Ken. Andito kana pala?" tanong ni Liam bago tumayo at lumapit sa kin. Tsk. Nagtanong pa to. 

"Kanina pa ako nakatayo dito nuh. Occupied kasi kayo masyado diyan sa mga cellphone niyo." nakasimangot ko'ng sabi staka umupo sa pwesto ni Liam kanina dun sa sofa.

"Ba't nakasimangot ka dyan? Bad mood? Meron ka?"  natatawang sabi ni Kale. Sa grupo, siya ang pinakamakulit. Pangalawa sa kanya si Liam. Pinakatahimik naman si Enzo. Si Drei naman yung hopeless romantic. Ako? Kayo na kumilala sa kin. 

Hindi ko nalang pinansin si Kale. Pag pinatulan mo kasi yan, kaw din talo. Tumayo na sila at inayos na mga instruments nila. Tumayo na rin ako at kinuha ang gitara ko.

"Alam ko na kung ba't ganyan yang si Ken." Nako naman talaga. Sumali pa tung si Drei sa usapan. Damn. Just drop the subject. Lumingon siya kay Enzo sabay sabi " Kinulit na naman siguro ng kapatid mo Enzo. " Sabay tawa. Tsk. Tumpak.

"Sorry dude." Sabi ni Enzo at lumapit sakin. "Alam mo naman na crush na crush ka nun eh. She said she misses you. You know she's not used to not having you around sa school." he said in a sympathetic way.

Well, yeah. I know Amber has a crush on me. That's the reason why I'm being distant from her these past few months so she can forget about me. She is really just a little sister for me.

We were in the same school back in high school. Kaming anim. Me, Amber, Enzo and the rest of the band. I was really close to her.  Maybe because I'm the only child and I longed to have a sister. Lagi kami magkasama. It just never crossed my mind that she'd take my concern in a different way. Enzo was the one who told me about Amber's feelings after graduation. At first I didn't believe it but later I did. Napapansin ko na rin kasi ang kilos ni Amber when I'm around. So, I became distant. I don't want to hurt her.

"Nah. Its okay. She'll eventually get over it. Im also sorry if in a way, im hurting your sister." sabi ko kay Enzo. Ngumiti siya. "Don't worry. I understand."

Ngumiti rin ako at tumayo sa harap ng mic stand. "Lets start."

Music has always been my remedy. No matter how grumpy I can get, nawawala lahat with music.




Will Love Be Enough?Where stories live. Discover now