Prologue

19.7K 176 10
                                    

"Nasaan ka na ba? Siguraduhin mo lang na si-sipot ka... I, Gavin Buenavista is a very impatient person, remember?"

"Ano ba pinagsa-sabi mo? Of course si-sipot ako, it's a very important day!" Si Abigail.

"Nasaan ka na nga? Iniintay ka na namin sa church! Wala ka pa! The photographers are here, ikaw na lang ang kulang..." Halos humaba na ang nguso ni Gavin ka-kanguso at ka-kaintay sa loob ng simbahan, well, sino nga ba ang hindi? His soon-to-be-wife is 10 minutes late.

"Eto na, malapit na! Huwag ka ngang O.A! Para na late ng kaunti..." Medyo napanguso si Abby.

"Nasaan ka na ba kasi?" Tanong ulit ni Gavin.

"Nakarating na! I'll hang up, bye!" Binaba ni Abigail ang kanyang telepono niya ng makarating siya sa dapat niyang puntahan.

____

Bigla naman nagsi-tayuan ang mga guests sa simbahan ng may sumigaw galing sa labas.

"The bride is here!"

Pinamulsa ni Gavin ang kanyang telepono at pinanood ang kanyang bride na si Margaux na mag-lakad papuntang altar.

She was wearing this simple gown made by one of the top designers here in the Philippines, and Gavin can't help his jaw to drop. She was beyond beautiful.

Once she reached the altar, kinuha niya ang kamay ng bride and he held it like someone was going to take her away from him.

They exchanged vows, smiling over sweet glances, those "I Do"s...

PARANG fairy tale ang lahat, yung tipo ba na, hindi mo a-akalaing Earth is capable of making people fall in love and that happy endings do exist, and... It makes us believe na - may forever.

'Parang' lang.

Kasi hindi naman lahat perfect, that perfect only exists in our imagination. Yung akala mo lahat masaya, pero sa kabilang banda, meron na nasasaktan.

____

Abigail's POV

"Nakarating na! I'll hang up, bye!" Binaba ni Abigail ang kanyang telepono niya ng makarating siya sa dapat niyang puntahan.

"Finally Abigail! Nakarating ka, akala ko hindi ka a-abot eh!" Hinila si Abigail ng kanyang officemate na si Pamela sa conference room. Only to find the investors were already there.

Bumulong si Pamela kay Abigail, "sabi ko bilisan mo eh, maagang nagsidatingan."

"Sino ba boss? Ikaw o ako? Kaya shoo! Labas na, kailangan ko na mag-simula." Abigail smiled as she pushed her friend out the conference room.

Wala pang ilang minuto ay nag-simula na rin ang conference nila about sa branch ng Magic Genie na balak nila mag-patayo rin sa Australia.

Ngunit hindi ma-iwasan ni Abigail na tumingin sa orasan. "It's his wedding Abby, at least be happy for him." Bulong niya sa sarili. So she smiled like nothing's wrong and continued her presentation.

[R18] Ang Artista and The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon