Chapter 18: Yes

Start bij het begin
                                    

“Umiiyak ka ba?”



Tanong ko sa kanya.



“Masaya lang ako. Tears of joy. Ano kasi eh. Magiging kayo na ni Ryder sa wakas. hehehe.”



Hindi ko alam kung totoo ba iyong sinabi ni Brianna na talagang masaya siya para sa’min ni Ryder o hindi pero hindi ko nalang inisip ang bagay na iyon.



“Kelan mo sasabihin sa kanya?”



Tanong ni Brianna sa’kin.



“Mamaya pagkatapos ng klase. Magkikita kasi kami.”



Sagot ko.



“Good morning Class.”



Dahil dumating nadin iyong teacher namin, naputol na iyong usapan namin ni Brianna.




-R&D-




“Goodluck Alexis!!”



Bulalas ni Brianna saka siya nagwave sa’kin at tumakbo papalayo.



Sinimulan na akong kabahan. Pano ba naman kasi. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin kay Ryder na sasagutin ko na siya. Na kami na. Nahihiya parin kasi ako.



Nagsimula na akong naglakad patungo sa main entrance ng school kung san kami palaging nagkikita ni Ryder.



“Oo Ryder. Sinasagot na kita.”



“Ryder, tayo na.”



“Ryder gusto nadin kita.”



Dahil sa sobrang pag-aalala ko, hindi ko namalayan na nagpapractice na pala ako sa sasabihin ko kay Ryder habang nasa hallway ako. Tuming tingin ako sa gilid ko para siguraduhing walang nakakita sa’kin.



“Hayy!! Salamat naman!”



Bulalas ko pagkatapos kong makita na walang nakapansin sa’kin kahit na isang tao.



“Sasagutin mo na pala si Ryder?”



Bigla akong napatigil sa paglalakad ko at lumingon sa likod pagkatapos kong marinig iyong taong nagsalita.



“Chase?”



Halos isang buwan ko na siyang hindi nakita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.



“Hi!”



Bati niya sa’kin saka siya ngumiti. Walang nagbago sa kanya, iyong ngiti niya, iyong mukha niya at kahit na iyong hairstyle niya. Ganung ganun parin.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu