my name si R-D!!! ^_^

Magsimula sa umpisa
                                        

Pagpasok ko sa School, hanap hanap ko agad si Kim, nakabantay ako dun sa may gate, inaabangan ko ang pagdating nya, at ayun sya pumasok kasama si Poy, napansin ko na parang may iniisip sya, kitang kita mo talaga sa mukha nya na may problema sya.  Naalala ko yung tests nya sa 4 subjects.  Sure naman ako na makakapasa sya kasi matalino naman sya.

Lunch Time!!! nandito ako sa pinto ng  canteen, iniintay si Kim, gusto ko syang makita.  Nakita ko si Popoy, may kasamang babae, nasan na kaya si Kim??  biglang lumabas sina Popoy kasama ulit yung babae dala yung mga orders nila, ewan ko ba kung saan sila mag la lunch. Popoy na din ang nakasanayan kong itawag sa kanya, kasi yun ang lagi kong naririnig kay Kim.  Maya maya nakita ko naman si Kim, may kasama ding lalaki, sino ba yung lalaking yun, mas gwapo naman ako sa kanya.  Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ko lang si Kim at yung lalaki, mukhang may hinahanap sila., maya maya umalis na yung lalaki naiwan si Kim.

Gaya ng ginawa ko, binunggo ko ulit sya.  Papansin lang. yun ang style ko eh.

"Awww!!!"

  ako pa talaga ang may ganang mag - awwwww.. loko ko talaga.

"ayyyy sooo. sooo... sorrr"

Kunwari di ko alam na siya yung nakabangga ko... pa inosente lang.. kuno..

"Ikaw na naman miss?"

"Oo ako nga ako,, nga eh.. R-D??"

Pilosopo talaga si Kim, at tinawag nya ang pangalan ko, heaven,, pwedeng ngumiti.. pero sinungitan ko sya.   Pakiramdam ko kasi napapansin lang nya ako kapag sinusungitan ko sya eh..

"Tabi nga dyan,"

"Baddie"

Baddie daw ako.  di naman.. kelangan ko lang talagang magpapansin.  Nandito kami sa harapan, pumipili ng oorderin, napansin ko nakatingin si Kim sa akin, kaya sinungitan ko sya.

"Why are you staring at me??"

Sungit noh, in fact, kinikilig nga ako eh.. Kim, grabe ka nakakabakla,, ka..

"nasan si Sophia??"

Ah,, kaya pala sya nakatingin, hinahanap nya si Sophia, ewan ko nga ba dun, absent sya eh... pero ayaw kong pag-usapan...

"Close???"

 sabi ko na lang.. yabang noh..

"Yabang"

"Sir ito na  order mo"

 Ibinigay na sa akin yung order ko tska pumunta dun sa favorite table nina Kim.  Ano kayang mangyayari.. kapag nakita nya na nakaupo ako ulit dito... naalala ko yung sinabi ni Dad na kina Kim ako titira for 2 months, excited na ako.  Maya maya pa, nabigay na din ang order ni Kim, aba at mukhang lalapit sya sa akin.  Dito ba sya kakain sa table na ito??  Di ba nya naisip na baka sungitan ko ulit sya??

"R-D, pa share hah"

  Pa-share daw.. di ako makapagsalita o makapag sungit, kasi ayan na oh, makakasabay ko na si Kim..  oo kim. oo.. kaya lang di ko masabi.

"R-D"

tinawag pa nya ang pangalan ko.  Ganda talaga ng boses nya ang amo.. parang anghel lang..

"R-D..... R-D... R-D"

Sinungitan ko ulit sya, baka kasi sabihin nya timang ako.. Nakakatimang ka kasi Kim.

"Oh???"

"San si Sophia??"

"I don't know"

"Ah,, ok"

Grabe, Sophia na naman?? di ko nga alam eh.  Kain ako ng kain, tapos napansin ko na nakatitig na naman sya sa akin.  Nagagwapuhan na ba sya??/

"Balak mo ba akong tunawin??? makatitig ah"

"Sinong may sabi sayong natitig ako, may ketchup ka sa pisngi.."

"Palusot, wala naman oh!!, maayos akong kumain miss"

"Whatever"

May ketchup daw pisngi ko. wala naman eh,  ang sarap pa lang asarin ni Kim,

"Type mo ba ako??"

"Hah??? in your dreams!!!"

"Bakit ka namumula??? para kang kamatis"

"Hah!!!"

"Sige dyan ka na miss, tapos na ako, mag lunch, see you again"

 '"Baddie"

Natanong ko talaga yun?? kung type nya ako?? ang kulit ko talaga.  Tapos namula pa sya.  Ibig sabihin type nga nya ako. 

Ang bilis ng oras, tapos na din ang 3 subjects namin na panghapon.  KAagad akong umuwi, kasi excited na akong pumunta kina Kim.  Sa bahay nila, nakaupo lang ako, iniintay ko ang pagdating ng mahal ko.  AT jackpot, nandyan na sya, kausap sya ni Dad, di ako makatingin kasi, di ko alam kung anong magiging reaction nya.  AT nung nakita nya ako, nagtaka sya, medyo parang inis pa nga sya, so kinausap ko sya, bukas yung kwarto nya eh, at pumasok ako, busy sya nun, nagcocomputer sya.. humiga ako sa kama nya, feeling close nga ako nun eh.  Nagsinungaling pa ako sa kanya sabi ko sabihin nya na super friends kami, sabi ko pa kapag di nya sinabi itatapon ako sa probinsya,, ang dami kong imebentong kwento, para pumayag sya na maging friend ko, kesyo may rapist, may bakla , may adik, nakakatawa lang kasi naniwala sya.  Sinabi ko kay Kim na matutulog ako sa kama nya kahit saglit lang, nakapikit ako, pero naramdaman ko na parang lumapit si Kim sa akin, idinilat ko ng bahagya ang kanan kong mata, nakatitig sa akin si Kim, bakit nya ako tinititigan?? Di ko na napigilan, niyakap ko sya na parang unan lang , sobrang higpit ng yakap ko sa kanya, tapos naramdaman ko na biglang bumilis ang tibok ng puso nya, siguro kasi nabigla sya.   

At ito nga nandito ako sa kwarto, masayang masaya ako.  Gabi na, pero di pa rin nawawala ang ngiti ng labi ko.  Ang dami daming nangyari, nayakap ko si Kim, dumighay pa nga si Kim 2 times sa harap ko, grabe kakaiba sya, di sya maarte, nakakatuwa, tapos nasabi ko pa kay Popoy, i mean Cedrick pala , sinabi ko na liligawan ko si Kim, ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun.  Alam ko na nasaktan si Cedrick sa narinig nya, kaya pumasok na ako sa kwarto ko, liligawan??? kaya ko nga bang ligawan si Kim......?????????

Time after time......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon