Nasa canteen ako, iniintay si Sophia, sya kasi ang nag-order ng foods namin eh, hanggang sa napansin ko si Kim naglalakad, iniintay nya siguro ang Best friend nya, si Popoy ba yun?? di ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko syang makausap. kahit isang hi lang,, kaya lang mukhang nayabangan sya sa akin ah. Kasi naman..........
*bugggssshhhhh*
Sinadya ko syang bundulin, kasi di sya nakatingin sa harap. Nagulat sya sa akin.
"Ay kalabaw!!"
Nakakatawa.. mukha ba akong kalabaw. di ko alam kung paano ako magsasalita, so ginawa ko ang normal kong ginagawa sa mga babae. Sinusungitan ko. Sabi kasi nila, mas cute daw at hot ang lalaking masungit. Malay natin umeffect di ba??/.
"Hei, Ms. mag ingat ka naman, pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo"
"Sorry naman"
Sorry??? ganda talaga ng boses nya. Naglakad na sya at alam kong dun sya pupunta sa favorite table nila ni Popoy, lagi kong nakikita sila na dun kumakain eh, kaya ko alam. So ginawa ko nagtatakbo ako, inunahan ko sya., Umupo agad ako.
"Ahmmm.. pwede ba maki-share ng table"
Oo naman ikaw pa Kim, ang tagal tagal ko ngang pinangarap na makasabay ka kumain sa isang table eh. Pero dahil sa kunwari mayabang ako ngayon at masungit......
"Ikaw na naman??, ang daming table dyan oh, dun ka na lang"
"OO ako nga! ako nga!!, eh kasi naman, ito favorite table namin ng best friend ko, kasi mahangin dito, tapos, ang ganda pa ng view, masarap kumain sa table na ito, sige na solo ka lang naman eh.. sige na.."
Tatawa sana ako, ang pilosopo kasi ni Kim, ako nga ako nga... kaya lang pinigilan ko pag tawa ko.....
"Pwede ba miss, ayaw ko kumain ng may asungot"
"Asungot?? ako?? eh teka lang, wala ka pa nga pagkain dyan, mag order ka na muna kaya"
Wala pa nga ako pagkain noh.. kasi si Sophia ang tagal mag-order... Ahmmmmm..
"Concern?? don't worry, may kasama na akong na - order ng foods ko!! at di naman ako nag - iisa eh, may kasama ako"
"Oo na lang, sige na nga ikaw na, ikaw na dyan sa table. mabulunan ka sana."
Pakinig ko yun. sabi nya mabulunan daw sana ako...
"Ano?? ano sabi mo?"
"Wala po, sabi ko, enjoy ka dyan hah!!"
Umalis na sya at lumipat ng table, dun lang din sa malapit at katapat ng table namin, halos tumigil ang mundo ko dahil kinausap ako ni Kim, kaya lang bigla namang dumating itong si Sophia. Napapansin ko na panay ang tingin sa akin ni Kim, kinikilig ako... ayyyyyy pooootttteeekkk.. kilig??? parang bading lang ah... pero siguro, kasi galit na galit sa akin si Kim ngayon, ang yabang ko ba sobra?? mali ata yung nagawa ko ah.. Natapos na kaming mag lunch ni Sophia at lumabas na sa canteen, pupunta na sana kami sa classroom namin, kaya lang biglang umiyak si Sophia, nagtatakbo sya sa may garden, kasi dun walang tao, walang makakakita na umiiyak sya. Sinundan ko sya, at doon sinabi nya na nahihirapan sya, at gusto nyang ibalik yung dating kami, kaya sinigawan ko sya, kasi ayaw ko ng ibalik yung dati, dahil hindi ko naman talaga sya mahal. Patuloy lang syang masasaktan, Habang nag-aaway kami may nag beep na cellphone mula sa likod ng malagong halaman, Nagulat ako dahil si Kim ang nakita ko. Nakikinig sya sa usapan namin at alam kong narinig at nakita nya ang ginawa kong pagsigaw kay Sophia. Siguradong sira na ang pogi points ko nito. Kaya pinanindigan ko na lang ang pagiging masungit ko, umalis ako at sinabihan si Kim na patigilin nya sa pag-iyak si Sophia, alam kong kayang kaya nyang gawin yun, dahil sya ang tipo ng babaeng pagkakatiwalaan mo sa pagpapatahan ng isang umiiyak. Umalis na ako at umatend sa klase namin, Nakokonsensya ako kasi dahil sa akin, siguradong hindi na makaka attend si Kim ng mga klase nya. Pero wala eh, nangyari na. Nalaman ko na may tests sina Kim bukas, nainis ako, kasi baka hindi makapasa si Kim sa Tests dahil hindi nya alam ang diniscuss ng teachers nila. Isip ako ng isip ng hapon na iyon sa sala namin, hanggang sa dumating si Dad at sinabi na di pa daw makakauwi si Yaya Shiela mula sa probinsya, dahil kailangan pa daw nitong alagaan ang nanay niyang may sakit. So si Dad, kinausap nya yung isa sa business partner nya, at sinabi sa akin ni Dad na payag daw yung business partner nya na dun muna ako titira habang nasa business trip sila for 2 months. Tinanong ko kay Dad yung address, at napangiti ako ng malaman kong address ni Kim yun, alam ko ang address nya kasi sinundan ko na sya dati nung umuwi ito. Nagtatakbo ako sa kwarto ko, at nagtatalon sa kama, para akong batang nakatanggap ng bagong laruan, isang 4th year high school, nagtatatalon sa kama??? ang gay naman... pero wala eh, masaya talaga ako. di nga ako nakatulog ng gabing iyon.
my name si R-D!!! ^_^
Start from the beginning
