my name si R-D!!! ^_^

Start from the beginning
                                        

Biglang naglapitan ang mga classmates nya, picture picture daw.  Pinagmasdan ko sila ang saya saya nila.  Si Kim ang ganda ganda nya.  Gusto ko ring magpa picture na kasama sya.  Kaya lang mukhang di mangyayari yun kasi kahit anong gawin ko di ako makasingit at makalapit kay Kim dahil napapalibutan sya ng kanyang mga kaibigan.  Kaya ang ginawa ko inagaw ko kay Papa yung camera, tinanong ko kung anong pipindutin dun, nagtaka si Papa kung sino ang kukuhanan ko, pero di na ako sumagot nagtatakbo na lang ako, at ayun mula sa malayo, kinuhanan ko ng kinuhanan si Kim ng mga pictures.  Ang dami daming stolen shots ang nakuha ko sa kanya.  AT lahat ng pictures nya ang gaganda, kahit anong angulo ang ganda ganda nya. 

Pinilit kong alamin kung saan magha-high school si Kim.  AT dun nga sa parehong school, dun ako nag enroll ng high school.  Kaya lang magkaiba kami ng section ni Kim, kaya di ko sya nakakasama, 1st section ako, 2nd section lang sya.  Hindi naman dahil sa mas matalino ako sa kanya, matalino nga siya eh, mas matataas ang grades nya sa akin, kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi siya sa 1st section mag - enroll.  Bakit ko alam na mas mataas ang grades nya sa akin ???????  kasi naman po kapag mag re release na ng cards lagi akong pumupunta ng maaga sa faculty, para itanong sa adviser ni Kim kung pwedeng makita yung grades nito, sabi ko pinsan nya ako.  tapos konting paawa effect, pout ng lips at pacute na smile eh, ayun pinapakita sa akin ang card ni Kim at dun ko nakikita na matataas ang grades nya compare sa akin, pwede sya sa 1st section eh, kaya lang syempre di ko naman siya matanong kung bakit sa 2nd section lang sya.  Kasi nahihiya ako,.  Baka kasi di na nya ako matandaan, kaya gaya ng gawain ko nung elementary lagi kong sinusulyapan si Kim, hanggang nakaw tingin lang talaga ako sa kanya eh,  AT pag may pagkakataon lagi ko siyang kinukuhanan ng pictures, tambak na nga ang mga stolen shots nya sa Facebook ko eh, nakaprivate yung album nya kaya ako lang ang nakakakita, halos 5 albums na nga ng mga stolen shots nya ang iniingatan at itinatago ko eh.  Lagi ko kasing pinapadevelop agad ang mga pictures nya kada araw na makukuhanan ko sya ng patago.  Araw-araw ganun lang, tinitingnan ko sya mula sa malayo, hanggang sa nakilala ko Sophia classmate ko,  niligawan ko si Sophia dahil sinabi nya na gusto nya ako.  Nung una iniwasan ko si Sophia, kaya lang lagi pa rin syang sumusunod sa akin, hanggang sa sinubukan kong mahalin sya para makalimutan si Kim, alam ko namang wala akong pag-asa kay Kim, ni hindi ko sya malapitan, makausap, siguradong wala akong kapag-a-pag-asa kay Kim.  Niligawan ko si Sophia at di ko akalain na ganong kadali nya ako sasagutin.  Pinilit kong ibuhos ang lahat ng attention ko sa kanya, minahal ko sya at inalagaan.  Minsan kapag nakikita ko si Kim, na-gi guilty ako kay Sophia , dahil kahit anong gawin ko , mahal ko pa rin si Kim, pero kahit ganun, di naman yun nahalata ni Sophia, kasi lagi ko pa ring ginagawa lahat ng dapat ginagawa ng isang lalaki bilang boyfriend nya.  Tumagal ang relasyon namin ni Sophia ng 2 taon, naging masaya naman ako kahit papaano, kasi pakiramdam ko mahal ko na din si Sophia at si Kim tanggap ko na, na hanggang crush ko lang talaga sya at hanggang dun na lang yun, kaya lang sa di inaasahan, ngayong 4th year nagkahiwalay kami ni Sophia dahil ipinagpalit nya ako sa iba.  Hindi ko alam, pero wala akong naramdaman nung malaman kong ayaw na sa akin ni Sophia at gusto na nya ng break up.  Nagtataka din ako eh, kasi di ba dapat masasaktan ako? dapat iiyak ako?? magagalit??? pero wala eh,, siguro kasi kapag iniisip ko ang mga pinagdaanan namin ni Sophia, parang pakiramdam ko hindi ko naman talaga siya mahal, ginawa ko lang ang mga bagay na makakapagpapasaya sa kanya bilang boyfriend nya at hindi yun dahil sa mahal ko sya.  3 months ata nung mula ng mag break kami ni Sophia, nalaman kong pinagpustahan lang sya ng lalaking pinalit nya sa akin, nakita ko na kinukuyog siya ng mga classmates naming babae, naawa ako sa kanya dahil kahit papano naman naging parte na sya ng buhay ko.  Kaya ipinatanggol ko sya at nakipag-usap sa kanya na kami na lang ulit para tigilan sya ng mga classmates ko.  Pumayag sya, pero sa pagkakataong ito, di na ako ang dating R-D na sweet sa kanya, kasi alam ko na tanging awa lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya at kahit noon pa man ay hindi ko sya minahal,  lagi ko syang sinusungitan, dinededma, nakakaawa sya kaya lang, wala eh, gusto ko na magalit sya sa akin at sya na mismo ang makipagbreak sa akin.

Time after time......Where stories live. Discover now