PART 2

6 1 0
                                        

Elle's Pov

Maaga akong pumasok sa school at pagdating ko ay agad naman akong pumasok sa room. Uupo na sana ako nang may nakita akong notes

"Welcome" Kanino naman kaya galing 'to? Ba't welcome? Ah naalala ko na galing ba 'to sa lalaki kahapon sa Library?

Tinignan ko siya sa likod kung saan doon siya naka upo at busy naman ito sa mga kaibigan niyang nag-uusap.

"Elle, kanino galing 'yan?" tanong ni Via sa akin

"A-ah hindi ko alam kung kanino galing 'to or baka nga hindi para sakin 'to" Pagsisinungaling ko sa kan'ya pero alam ko naman talaga na kay Sevi galing 'to

"Nakita ko kasi kanina pagpasok ko si Sevi na galing dito sa table mo" Saad niya habang nakangisi na parang may ibang intensyon

"Talaga ba?" Sagot ko sa kan'ya at maya-maya ay pumasok na din ang teacher namin

"Good morning, Class!" Saad ni Sir pagpasok niya

"Good morning, Sir!" Tumayo kami at binati na din namin si Sir

"Okay, umupo na kayo" Sabi ni sir at umupo na din kami "For your product output this quarter, you can choose your partner and report the topic that i will to your group chat later" Dagdag ni Sir

"Sir, kahit sino lang po?" tanong ng kaklase ko sa kabilang table

"Yes, kahit sino, kahit crush or jowa mo, pwedeng-pwede" sagot naman ni Sir at tumawa naman ang iba kong kaklase

Si Via ang gusto ko maging partner para kaming dalawa ang magkasama para magreport para mabilis na lang namin itong magawa and para komportable ako kasi siya naman kasama.

Tatawagin ko na sana siya ngunit may bigla namang tumawag sa akin.

"V-via" Tawag nito sa akin at lumingon naman ako sa kan'ya

"Do you already have a partner?" tanong nito sa akin

"Yes, Sevi" sagot ko naman

"Sino?" Dagdag na tanong niya sa akin

Kinuha ko ang kamay ni Via at sinabing "Si Via"

"Huy, baliw wala ka pang partner" Sabi ni Via at kinuha ang kaniyang kamay "Kayo na lang dalawa ang magpartner, kayo na lang din kasi ang walang partner"

"I don't think papagyag 'yong kaibigan mo" Rinig ko na sabi ni Sevi

Lumapit ako kay Via

"Sino ba partner mo?" Mahina 'kong tanong sa kan'ya

"Ayan" sabay turo sa crush niya

Talaga naman itong si Via, ang landi talaga nito hindi talaga tatantanan ang crush.

"Kaya naman pala nawala kana sa tabi ko" Saad ko

"Sige na Elle, kayong dalawa na lang" sabi ni Via

"So, partner?" tanong nito sa akin

"No choice, wala naman na akong chance" mahina kong sabi

"What? May sinasabi ka?" Tanong nito sa akin

"Wala, ang sabi ko kailan at saan tayo gagawa nang report?" saad ko habang ang tingin ko nasa kanila ni Via

At talaga naman ang lapit ni Via sa crush niya.

"So, payag ka maging partner ako?" tanong nito at tinignan ko siya

"Oo nga ayaw mo ba?"

"H-hindi, gusto ko" Sabi niya na parang excited na ito "Nasend na pala ni Sir ang topic natin" dagdag nito

WHEN I MET YOU Where stories live. Discover now