MAG♫ Chapter 38

4.8K 46 12
                                    

VOTES!!!

*******

Chapter 38:

It’s been three years simula noong umalis siya. Iniwan niya ako dito sa pilipinas. For the third time, kailangan niyang pumunta ng states. Nung una, para magpa galing dahil sa sakit niya. Pangalawang beses, noong gusto niyang mapag isip dahil nagtatampo siya sakin, kinalimutan ko daw ang memories namin. At ang pangatlo, kailangan niyang magpa heart transplant.

Natakot ako noon. Una, kasi paano kung hindi maging successful?. Pangalawa, paano kung kasabay ng pagpalit sa puso niya, mapapalitan na rin ang mamahalin niya? At pangatlo, maiiwan akong mag isa.

Makalipas ang tatlong taon...

“kuya daan tayong flower shop?”

“ok...”

Nagdrive lang si kuya papuntang flower shop. Dadalawin ko kasi ngayon si ello. Noong una, masakit na nawala na siya sa akin, pero... unti-unti ko rin natanggap.

Bumaba ako ng sasakyan ni kuya. Pumasok sa Hershey Flowershop.

“good morning ma’am... ano pong kailangan nila?”

Natural bulaklak! Adik nitong sales lady...

“hmm. Gusto ko ng white rose...” sabi ko.

“right away mam...” at umalis na siya sa harapan ko.

May mga scented candles pa akong nakita sa loob ng flower shop. Naalala ko nanaman SIYA. Nung araw na, nagpaalam siya kay mama kung pwede niya akong ligawan. Nag set pa siya ng dinner etc. namimiss ko na siya...

“ma’am eto na po...” sabi nung babae.

“salamat... pabili rin ng mga scented candles..” sabi ko.

Binigay naman niya yung kailangan ko at binayaran ko na siya. Bumalik na ako sa parking lot. Nakita ko si kuya, may kausap siya sa phone...

“oo na nga... Sige... Mamaya... oo... kasama ko kapatid ko ok... anong babae?...”

Napangiti ako sa situation ng kuya ko. Simula nung sinagot siya ni lalaine under na siya. Hahaha kahit saan magpunta si kuya dapat alam ni lalaine. Tinanong ko nga si kuya kung hindi ba siya nasasakal. Sabi niya... he loves what lalaine’s doing. Sa ganun way daw, nalalaman ni kuya na may care sa kanya si lalaine.

Pumasok ako ng sasakyan. Umupo ulit sa tabi ni kuya. Tiningnan ako ni kuya. I just smile at him.

“ok... opo honey...bye...” sabi ni kuya kay lalaine...

“anong nangyari?” i ask

“nagyayayang magdate. Haha”

Adik! Pinaandar na ni kuya yung sasakyan. Next destination... memorial park.

*****

“i miss you ello... nakakainis ka. Iniwan mo ako. akala ko bang hindi mo ako iiwan? Tss. Nga pala. Flower tsaka scented candles. Para naman bumango sa lugar mo...” tiningnan ko lang yung lapida ni ello baby ko.

“... i miss you so much...”

Humiga ako sa tabi ng puntod niya. Grass land kasi dito kaya ok lang kahit humiga ako. ginawa kong unan yung bag ko.

Nakatingin ako sa langit. May dumaan na eroplano...

Nang iniwan niya ako, eroplano ang huli kong nakita... sa eroplano ko binuhos ang sama ng loob ko noon...

dahil hindi ko siya naabutan. last ko siyang nakita sa pintuan ng gym. nakangiti siya sa akin.

Pumikit ako. mukha niya ang nakikita ko. Nakangiti siya. Hindi ko namalayan, may tumulo ng luha  mula sa mata ko...

My Amnesia Girl (my dreamboy's sequel)Where stories live. Discover now