"T-Teka lang ash, sigurado ka bang dito talaga sya nakatira? para kasing-
"Oo, ito yung address eh- teka nga. Manong sigurado po ba kayong tama itong napuntahan namin? " tanong ko sa driver para makasigurong tama nga."
"Oo ineng, pero sa pagkakaalam ko yung bahay na yan ay sa dulo pa ng iskinitang iyan." sabay turo doon sa iskinita na may magagandang puno.
"Ganun po ba? Salamat po" sagot ko kay manong driver pero bago pa man sya makaalis binalaan nya kami na wag magpapadilim sa iskinitang yan baka daw hindi na kami makabalik.
"A-Ash balik na lang kaya tayo o di kaya magpasundo na lang tayo" Eia Said. Halatang nanginginig na sya sa takot dahil sa pamumutla nya.
"E di bumalik ka mag-isa mo, maghintay ka jan ng sasakyan papuntang Manila" singit ni J-ro sa uspaan sabay tawa ng nakakainsulto.
Nagsimula na kaming maglakad sa iskinitang tinuro ni manong kanina. napansin namin na parang hindi kami umaalis sa lugar na yun. Same trees, same birds, same way, paulit-ulit lang ang nakikita namin. Akala ko , ako lang ang nakakapansin- sila din pala.
"Wait guys naliligaw ata tayo" Migz said.
"Sabi ni Eia na halos maiiyak na.
Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntong hininga bago tumango sa kanila bilang sagot. Wala kaming magawa kundi ang bumalik sa kalsadang pinanggalingan namin, ang problema Hindi na namin alam ang daan pabalik. Para kaming nasa loob ng puzzle game na kailangan ng utak para makalabas. Umakyat kami ng puno pero hindi kami makaabot sa dulo dahil parang walang katapusan ang taas nya. Lumihis na rin kami sa daan pero bumabalik lang kami sa pinanggalingan namin.
"Saan na ba tayo? Ganun pa din ba?" tanong nina J-ro at Migz na parehas hinihingal dahil sa walang katapusang pagtakbo at pag-akyat para lang makalabas sa puzzle trees na to.
Ilang oras na ang lumipas at di pa rin namin alam kung paano makakalabas sa gubat na ito. nabutan na kami ng gabi kaya naman dito na kami magpapalipas at itutuloy na lang bukas kung paano kami makakalabas .
Takot ang nararamdaman namin, bukod sa hindi namin alam kung paano makakaalis dito - eh may iba't ibang hayop pa ang umuungol.
"Ahhhhhhhhhh"
"Migzzzzzzzzzzz" sabay-sabay naming sigaw
Hindi namin alam kung saan nagmumula ang mga itim na anino pero isa-isa kaming pinaghihila nito.
"Eiaaaaaaaaaaaaa"
" J-roooooooooooo"
Kinuha silang tatlo ng itim na anino at ako na lang ang natira. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakakaramdam ako ng hilo at anumang oras mawawalan ako ng malay.
______________________________________
Nagising ako sa ingay. napakaingay sa labas. lahat sila sumisigaw , hindi ko alam kung ilan sila pero - sigurado akong marami sila.
"Mabuti naman at nagising kana aking reyna" Bati sa akin ng isang lalaki na itsura nya ay para lang syang 18,19,20 years old. Di ako sigurado pero ang gwapo nya. He's perfectly handsome.
"Nasaan ako? Nasaan ang mga kaibigan ko?" tanong ko sa lalaking gwapo matching with blondee hair.
"Wait. Don't tell me di mo naaalala? " tanong nya ng may gulat at pagatataka sa mukha.
"Ang alin? a-ano bang nangyari? "sagot ko sa tanong nya ng may pagtataka.
HAHAHHHAHAHAHHAHAH
Bigla na lang nagbago ang expression ng mukha nya at tumawa ng tumawa habang papalapit sa akin. Ang mga mata nyang nanlilisik at tila anumang oras ay kakainin ako ng buhay. Magkahalo ang kaba at takot nararamdaman ko dahil di ko maalala kung ano ba ang nangyari, kung nasaan ang mga kaibigan ko, kung buhay pa ba sila o patay na dahil sa mga aninong dumukot sa kanila. Tapos ito pang sitwasyon ko na papatayin ako ng lalaking ito sa tingin nya pa lang. "Lagot na-corner na nya ako , katapusan ko na." Pinikit ko ang mga mata ko habang naghihintay ng kung ano mang bagay na papatay sa akin.
__________________________
"Na-ano ka? nandoon sila sa kusina, kumakain. Nagsama ka ng kaibigan mo dito tapos di mo alam ang daan pauwi sa bahay mo? Ayos ka lang ba Ash? sabi sayo wag kana magkape ei, Pati fiancee mo nakakalimutan mo. Hinihintay kana nila, kanina pa sila nagising, pumunta kana doon." Sermon nya akin sa mahinahong boses pero kasabay nokn ang nakakainsulto nyang ngiti at tawa.
" Oo nga pala alisin mo na yung PGT (Puzzle Game Trees) mo pati ikaw nabibiktima.
au.|| Egilllfaith
