Ang part two!!

Magsimula sa umpisa
                                    

Finold niya yung tissue into half sabay tapon sakin ng masamang tingin. Anong problema nito? Pinunasan niiya yung balikat at parang karatulang nakasulat sa ulo niya na nan didiri  siya.

"TULO LAWAY" saad niya.

0////0

"uh sorry i didnt mean to. teka? di naman tumutulo laway ko pag natutulog. Youre lying!"

"now youre calling me a liar? accusation na yan" he said coolly naiinis talaga ako pag ganito siya kagigising ko lang inaaway na niya ko agad. Problema ng lalaking to? Sasagot pa sana ako ng biglang lumapit si ate allie at tinangal ang seatbelt ko.

"Tama na yang paglalaro nyo bumaba na kayo nag hihintay na yung sasakyan sa labas at " umikot si ate Allie at pinoint kami dalawa ni Hae-ji "maraming reporter sa labas so  careful okay? remember we had a deal" at nag wink si at Allie sakin.

yeah we had a deal kahapon and that is girlfriend ako ni Hae-ji for 30 days at ang kapalit ay kargo nila ang lahat ng babayaran sa school ko at ang bonus ay tutulungan ako ni ate allie na  hanapin ang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

I looked at Hae-ji, di ko alam kung ano ang paraan na ginamit ni ate Allie para pumayag siya pero sigurado ako importante yun. Kasing importante ng rason ko.

--------------

Hae-ji,s POV

I looked at her di ko alam kung anong gusto ng babaeng to o kung anong method ang ginamit ni manager to tag her along with our scheme and i could careless kahit ano pa ang reason niya, pero for the sake of my family and my concert  gagawin ko ang isa sa mga bagay na pinaka ayaw ko and that is to pretend.

Pretend shes my girl and that im in love with her.

Huminga ako ng malalim at ganun din ang ginawa niya.

"DEAL!" sabay naming saad bago ngumiti,tumayo at lumabas.

------------------------------------------------------------------------------------

Eliz POV

"Kainis" nakabusangot na naman ang mukha ko alam niyo kung bakit at sinong rason?

OO Opo tama kayo si haeji nga kasi naman sinama-sama pa niya ako dito sa korea eh iiwan rin pala niya ako sa resthouse niyang malapit sa dagat. Kakaalis lang nila ni ate Allie papunta sa family ni Haeji kaya mag isa ako ngayong naka tunga-nga sa loob ng malaking bahay niya. Anong gagwin ko dito? kausapin ang sarili ko??

May mga picture frame sa isang divider malapit sa glass wall na nakaharap sa dagat. lumapit ako doon,

"Wow" agad na nawala ang kabadtripan ko nang makita ko ang dami ng pictures ni Hae-ji! May mga pictures noong bata pa siya hangang sa current age niya, may ilang pictures pa na hindi ko nakita sa internet like tong isang picture na hawak-hawak ko ngayon. Batang-bata pa si Hae-ji at may hawak siyang ice cream! Sobrang cute!!

Camera i need my camera! agad kong hinanap yun sa bag ko at ng makuha ko pinicture-picturan ko lahat ng mga frame doon!!! Im so lucky! Hindi lahat ng Fan may chance na makita nag private pictures ng idol nila noh.

Napangiti ako. Kahit ano palang ugali ni Haeji di parin talaga maalis o mapag kakaila  na fan niya ako kasi nagiging excited parin ako tulad nito, ginagawa ko pa rin ang normal na pakikielam ng fan na tulad ko na gusto lang mapalapit sa taong tinitingala ko, kahit konti, kahit konting lapit lang. Nakita ko na ang side niya na naiinis, nanlalait at badtrip, total oposite sa cool image na pinapakita niya sa harap ng tao, sweet siya pag najan ang fans niya but he actually hates their giggles, yung sides na nalaman ko sa kanya puro masama pero ewan im still his fan ang reason? di ko rin maintindihan at wala narin akong pakialam na malaman pa.

Elevator StopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon